Desire 1

586 3 0
                                    

Marianne's POV

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng maliit kong apartment. Bumangon ako para pagbuksan ang sinuman bago pa niya maisipang gibain ang apartment ko. Nakapikit pa ako ng buksan ang pinto pero napadilat ako ng may sumabunot sa buhok kong hindi ko pa nasusuklay.

"Aray..." reklamo ko habang hawak ang kamay ng sumasabunot sa akin. Pakiramdam ko matatanggal na ang anit ko sa sobrang sakit.

"Ikaw na babae ka, nasaan ang ninakaw mong singsing na ginto ng kapatid mo?!" Halata ang gigil sa boses ni tita Cynthia, my dear stepmother.

"W-wala po akong alam sa sinasabi niyo." Naiiyak na sabi ko pero hindi pa rin niya ako binibitawan.

Noong una, kwintas na bigay ni Cedrik tapos ngayon naman ay gold ring na bigay din ni Cedrick sa akin ang gustong kunin ng inggetera kong kapatid. Di ko alam kung paano niya nalalaman kapag may binibigay sa akin na mamahalin si Cedrik.

"Sinungaling..." ilang ulit akong sinampal ni tita Cynthia habang nakangisi lang si Cindy sa akin. Pakiramdam ko namanhid na ang pisngi ko sa ginawa niya, ilang beses na nila ito ginawa sa akin pero hindi pa rin ako sanay sa pananakit nila.

Nanlaki ang mata ko nang hinablot ni Cindy ang singsing na nakakwintas sa akin. Pilit ko itong inaagaw pero ngumisi lang siya at hinablot ako ni tita Cynthia bago itulak pasalampak sa sahig.

"A-akin 'yan..." mahinang sabi ko.

"Sa'yo? Saan ka nakakuha pambili ng ganito?" ngising sabi ng madrasta ko.

"B-bigay ni Cedrick..." sabi ko pero tinawanan lang nila ako.

"Marianne, wake up. Hindi ka mahal ng lalaking iyon, kaya nga binibigyan ka niya ng mamahaling gamit dahil pang materyosa ka lang. Hindi ka karapa't dapat mahalin dahil hindi ka bunga ng pagmamahal ng nanay at tatay mo. Walang kahit na sinong magmamahal at tatanggap sa isang bastardang katulad mo. Let's go, Cindy." Sabi ni tita at tumalikod na para lumabas ng apartment ko pero huminto sa harap ko si Cindy.

"Payong kapatid lang, sis. Ingat ka, baka di mo alam inaahas ka na pala ng akala mong mga taong nagmamahal sa'yo. My Mom's right, no one can love you because you are stupid and idiot." Tumawa pa siya bago sumunod sa nanay niya.

Nanatili ako sa sahig habang hindi na tumigil ang luha ko sa pagbagsak. Hanggang kailan magiging ganito ang buhay ko? Nagsasawa na ako na maging katulad ng buhay ko ang buhay ni Cinderella pero sana si Cedrick na ang prinsipe na hinihintay ko para maging masaya ang buhay ko. Ito ang buhay ko mula pagkabata, nabuhay ako bilang katulong nila nang nakatira pa ako sa bahay nila at hindi bilang parte ng pamilya.

Kaya nang pahintuin ako ng ama ko sa pag-aaral matapos kong magtapos sa highschool dahil naniwala siya sa asawa niya na pagaaasawa lang din ang bagsak ko ay nagtrabaho ako. Nang maging sapat ang kita ko ay bumukod ako pero hanggang ngayon ay sinusundan pa rin nila ako.

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko dahil naalala kong kailangan ay tuloy pa rin ang buhay ko. Patuloy man nila akong guluhin ay sisiguraduhin kong hindi nila tuluyang masisira ang buhay ko. Kailangan kong magtrabaho para muling bumalik sa pagaaral, magtatapos ako ng kolehiyo kapag nakaipon na ako ng tuition ko para hindi na ako tapakan ninuman.

*****

"Two shots of tequila in table 2." Tumango ako sa sinabi ni Jacob at dinala ang alak sa table 2.

"Hi, Marianne. Lalo ka yatang gumaganda." Ngumisi lang ako bago ilapag ang alak sa pwesto nila.

"Natural na iyan." kumindat pa ako bago sila talikuran, narinig ko pa silang tumawa.

Pagtalikod ko ay nawala ang ngisi ko, kailangan kong pakisamahan ang mga customer dito lalo na sa mga member na. Kilala ko na ang mga matagal nang customer dito lalo na ang mga may membership card kung sino lang ang pwedeng magavail ng VIP room dito sa bar na pinagtatrabahuan ko.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon