Desire 39

240 3 0
                                    

Yannie's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa akin sa pisngi. Pagdilat ng mata ko ay ang humahagikgik na si Vinny ang nabungaran ko. Nakita kong pumasok si Raphael na may dalang tray ng pagkain.

"Mama, naghanda si Papa ng breakfast para sa'yo." Bumangon ako at hinalikan sa pisngi ang anak ko.

"Kumain ka na ba, baby?" Tumango lang siya.

"Opo, Mama. Pinakain na po ako ni Papa." Nilingon ko si Raphael na malaki ang ngiti. Tumango ako at tumayo na.

"Sa bahay na ako magbreakfast. Mag-ayos ka na, Vinny at uuwi na tayo." Napanguso si Vinny.

"Ma, pwede po bang magstay muna tayo dito kahit isang araw pa?" Tiningnan ko si Raphael at nahuli siyang nakangisi bago umiwas ng tingin.

"Okay." Parehong malaki ang ngiti nila kaya ngumiti ako kay Vinny.

"Talaga po?" Tumango ako.

"Alam kong namiss mo na si Papa mo at ngayon lang kayo nagkita. You can stay here basta iuwi ka niya bukas. Bakasyon na rin naman." Sabi ko at pumasok sa CR, naramdaman kong sumunod si Raphael sa akin.

"Yannie, bakit si Vinny lang?" Naghilamos ako at humarap sa kanya.

"Bakit hindi? Raphael, si Vinny lang ang koneksyon natin at wala nang iba. Alam kong gusto niyo pang makasama ang isa't isa kaya pagbibigyan ko kayo." Sabi ko at pilit siyang tinutulak palabas ng CR. "Iihi ako." Sabi ko, hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako sa pagtulak sa kanya.

"Pero ikaw, bakit hindi ka magpapaiwan?" Kumunot ang noo ko.

"Bakit ako magpapaiwan? Kailangan niyo ni Vinny ng time para makilala niyo ang isa't isa. Tulad ng sabi ko si Vinny lang ang kailangan ka at hindi ako. Lumabas ka na nga." Wala na siyang nagawa kundi lumabas ng CR kaya ginawa ko na ang mga dapat kong gawin sa loob.

Paglabas ng CR ay sumalubong sa akin si Vinny kaya binuhat ko siya. Yumakap naman siya.

"Mama, bakit aalis ka po? Stay ka na lang din po dito." Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya, napatingin ako sa ama niyang nakanguso.

"Hindi pwede, anak. Kailangan niyong makasama ni Papa ang isa't isa at may trabaho pa akong kailangan tapusin sa school." Ngumuso naman ang anak ko.

Tiningnan ko silang dalawa at mapapansin talaga ang pagkakahawig nilang mag-ama. Kiniss ko ang nakangusong anak ko.

"Kailangan ko nang umalis. Ipadadala ko na lang kay kuya Frank mo ang kakailanganin mong gamit dito." Tumango si Vinny kaya binaba ko na siya at lumabas ako ng kwarto.

Nasa tapat na ako ng elevator nang makita kong sumunod ang mag-ama. Kunot noo ko silang tiningnan.

"Hatid ka na namin, ako na lang ang kukuha ng gamit ni Vinny at huwag mo nang istorbohin ang iba." Umiling ako.

"Hindi na kailangan..." Napatigil ako nang hawakan ni Vinny ang kamay ko.

"Please, Mama. Hatid ka na po namin. Sasakay ulit tayo sa magandang kotse ni Papa." Ngumiti lang ako.

"Okay." Maikling sagot ko kaya nakita kong nag-apir ang mag-ama.

Bumukas na ang elevator kaya pumasok na kami. Lumingon ako sa likod at nakitang buhat na ni Raphael si Vinny at nagbubulungan sila. Bakit parang bigla akong kinabahan sa kung ano man ang binabalak ni Raphael?

Lumabas na kami sa elevator nang makarating sa basement parking. Nauna silang maglakad kaya sinundan ko na lang sila. Pagdating sa tapat ng kotse ni Raphael ay naabutan pa naming naglilinis ng kotse si Chris. Humarap siya sa amin na may malaking ngiti.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon