Desire 16

321 2 0
                                    

Yannie's POV

"What's going on here?" Nilingon namin ang baritonong boses na humawak sa bewang ko, bagay na kinagulat ko.

"S-sir..." Mahina at takot na sabi ng receptionist.

"You don't let my wife to come in my office?" Tanong ni Raphael sa babae at humarap sa akin. "I was waiting for you, wife. Why now?" Malambing niyang baling sa akin, nakasinghot yata siya.

"Kanina pa ako dito pero hindi ako makapasok. Oh, alis na ako." Sabay abot ko ng folder at lunchbox sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Hinatid ko lang talaga iyan kaya matutulog na ako." Sabi ko pero pinigilan na naman niya akong umalis.

"Hindi ka naglunch, tama? Come and see my office first para malaman nila kung sino ang boss nila." Umirap ako.

"Kilala ka na nila. Mas gugustuhin ko ang matulog kaysa kumain." Sabi ko.

"You are one of their boss and no one should stop you from seeing me. They should know that. You want me to fired her?" Tinuro niya ang receptionist na namumutla na.

"No, she was just doing her job. Good job, Miss Receptionist. You shouldn't let other woman visit my husband other than his family and me." Sabi ko at di ko alam kung saan galing ang pinagsasabi ko.

"Y-yes, Ma'am." Sagot nito, nilingon ko si Raphael na may namamanghang tingin sa akin.

"See? You shouldn't fire her, at least she already know me. Ciaô." Sabi ko at aalis na sana nang mapatili ako dahil binuhat niya ako ng bridal style.

"Hoy, anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Stop calling me hoy, call me hubby." Napairap ako.

"Hubby your face." Sagot ko, nilingon ko si Alliana na nakangiti habang nakatingin sa amin ng kuya niya. Ganun din ang reaksyon ng ibang empleyado na parang kinikilig pa.

"Ang cute talaga ng asawa ko at hindi man lang tinubuan ng sweet bones." Ngumisi ako.

"Baka kapag naging sweet ako ay langgamin ka." Nagmamalaki kong sabi.

"Let's see." Nagulat ako sa sunod niyang ginawa kasabay nang tilian nang ibang nanonood sa amin. Hinalikan niya ako sa labi dahilan ng pagpula ng mga pisngi ko. Mas lalo akong namula nang may tumikhim.

"Ehem, sir may meeting pa po." Pagtikhim ng isang lalaking nakaformal din at may hawak na ipad.

Akala ko ay ibaba na niya ako pero naglakad siya papuntang elevator. Narinig ko pang tumawa si Alliana habang nakasunod sa amin. Nang makapasok sa elevator ay bumaba na ako.

"Bakit mo ba ako sinama pa? Inaantok na ako." Nakasimangot kong sabi, hindi siya sumagot hanggang makarating kami sa floor ng office daw niya.

Hinatak niya ang kamay ko palabas ng elevator at nilingon si Alliana na nasa loob pa.

"Tell them that I will be late." Sumaludo pa si Alliana.

"Copy, but make sure na pupunta ka kung ayaw mong balatan ka ng buhay ni lola." Tumango lang si Raphael sa kapatid bago sumara ang elevator.

Muli na naman niya akong hinatak kaya nainis na ako.

"Ano ba? Hatak ka ng hatak, may kamay ka naman." reklamo ko.

Hindi niya ako pinansin hanggang pumasok kami sa malaking glassdoor. Pansin kong iisa lang ang pinto sa floor na ito. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad ang maraming empleyado na nakaharap sa kanilang mga computer.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon