Desire 45

254 2 0
                                    

Yannie's POV

Kinabukasan ay dumating na rin ang pamilya namin ni Raphael at lahat sila ay nagsabi ng pakikiramay. Sabi ni Cray ay mamaya pa raw ang nakuhang flight ni tita Cynthia at Cindy.

Nanatili lang sa tabi ko si Raphael at umaalis lang siya kapag kailangan ng kumain ni Vinny o patutulugin ito. Nagpapasalamat ako sa kanya na tahimik lang siyang nakikinig sa iyak ko.

Marami rin ang nakiramay sa amin. May mga kaibigan ni Papa sa barko o kahit mga dati niyang kaklase at kaibigan nila ni tito Rainier na ang ilan ay kilala si Raphael.

Napatayo kami nang may nasa sampung lalaki na pumasok sa chapel. Mga nakaformal attire sila at may nakakaintimidate na aura. Nakita kong kumunot ang noo ni Raphael habang nakatingin sa mga lalaki.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ni Raphael sa mga ito.

Yumuko sila at ginawa ang gesture na nakita ko kahapon na ginawa nila. Nilagay nila sa tapat ng dibdib ang hintuturo at gitnang daliri at yumuko. Napansin ko rin ang logo sa dibdib nila na nakita ko sa chopper na sinakyan namin. Dalawang dragon na magkaharap at parehong may bilog na bola sa bibig.

"Chairman, nandito kami para magbigay ng pugay sa dating Vice Chairman ng samahan." Sabi nila at kumunot ang noo ko, napansin kong lumapit si lola Rebecca.

"Huwag tayo dito mag-usap." Rinig kong bulong ni lola Rebecca. Napansin ko ang tingin ng ibang bisita.

Pumunta kami sa isang kwarto para mag-usap. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan at sino ang mga lalaking ito. Kasama namin ang buong pamilya Villacorta at si Cray na hindi alam kung bakit siya kasama. Hawak ni Ashley si Vinny at sinabing sila na raw muna ang bahala sa labas. Sinabi rin ni lola Rebecca kay tito Leo na papuntahin sa amin kapag dumating na si tita Cynthia at Cindy.

"Lola, anong sinasabi nilang Vice Chairman?" Tanong ni
Raphael sa lola niya.

"Dating Vice Chairman ng Daddy mo si Mario. Magkasama nilang tinulungan ang lolo mo na itatag ang Elite Society. Tulad ng sa tradisyon ng samahan kapag namatay ang Chairman at Vice Chairman ay ang panganay na anak ang papalit sa posisyon." Sabi ni lola Rebecca at sabay sila tumingin sa akin.

"Kaya pala walang Vice Chairman nang maupo ako dahil buhay pa pala ito. Pero bakit hindi siya active sa samahan? Walang sinuman ang maaaring umalis sa samahan basta may tattoo ka na ng dragon." Sabi naman ni Raphael.

Pareho kami ni Cray ng reaksyon na parang naguguluhan sa pinaguusapan nila maliban sa mga Villacorta.

"Hinayaan siya ng Daddy mo na magkaroon ng sariling buhay matapos nilang magkaaway dahil sa babae. Nagkaroon sila ng lamat pero hindi pinalitan ang nasa posisyon bilang Vice Chairman." Sabi pa ni lola Rebecca. Tumayo na ko at sumabat sa kanila dahil nalilito na talaga kaming magkapatid.

"Teka po, pwede po bang ipaliwanag niyo dahil nalilito kami ng kapatid ko? Anong Elite Society? Vice Chairman?" Sabi ko sa kanila at saktong pagpasok ng mag-ina. Nagtatakang tiningnan nila ang lahat ng tao dito sa kwarto.

"Uhmm, anong nangyayari? Sabi ng tito ni Yannie na pumunta raw kami dito." Sabi ni Cindy at pinaupo sila ni lola Rebecca.

"May kailangan kayong malaman tungkol sa pagkatao ng ama niyo." Panimula ng matanda. Hinawakan ni Raphael ang kamay ko kaya nilingon ko siya at pinaglaruan ang palad ko.  Nakayuko siya at 'di makatingin sa akin.

"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko pa, huminga siya ng malalim.

"Mayroong samahan na tinatawag na Elite Society na tinatag ng yumao kong asawa. Dati pa kasi ay marami nang mayayaman at maimpluwensyang tao ang nagmamalupit ng mahihirap. Ang Elite Society ay tinatag noong 1958 ni Don Rudolfo Villacorta. Samahan ito ng mayayaman at negosyanteng pamilya. Ang layunin nito ay magkaisa at maging pantay-pantay ang lahat. Dahil sa pagtatag nito ay kinatakutan at inilagan ang pamilya Villacorta pagdating sa negosyo sa buong Pilipinas.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon