Desire 13

265 4 0
                                    

Yannie's POV

"Bakit ka ba nanghahatak? I have still work." Sagot ko pero hindi siya tumigil hanggang huminto kami sa room 12. Kumunot ang noo ko, this is the room where we first met. He's with a woman that time.

"Ano ba?" Sabi ko nang makapasok kami sa kwarto at hinatak ko ang kamay ko sa kanya.

"Nagpapaligaw ka ba? I know that we had an agreement but still you're married, Yannie." Napatitig ako sa kanya habang inis niyang sinasabunutan ang buhok niya.

"Is he a brother too? But impossible, she said that her siblings is one girl and one boy." Rinig kong bulong niya, kumunot ang noo ko. Bipolar ba talaga o sadyang abnormal lang itong lalaking ito?

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko, huminga siya ng malalim bago tumingin sa mga mata ko. Bakit pakiramdam ko ay hinihypnotize ako ng hazel brown niyang mata?

"Nothing..." Mahina niyang sabi at tinalikuran ako bago humiga sa kama.

"Nagpupunta sa room 12 si sir Raphael sa tuwing may babae siya. Sabi ni sir Lyndon ay one night stand lang o kung minsan ay tatlong araw na fling ang tinatagal."

Naalala ko ang sinabi ni Jacob tungkol sa room 12. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at naalala ang gabing nakita kong may kasama siyang babae at sinabi ng babae sa akin. Napairap ako, such a cassanova.

"What are you doing?" Tanong niya habang nakahiga sa kama.

Hindi ako sumagot at tinalikuran n siya para lumabas ng kwarto. Napasigaw ako ng hapitin niya ang bewang ko hanggang mapahiga ako sa kama.

"Ano bang ginagawa mo? Sinabi nang may trabaho pa ako. Kung wala ka nang trabaho ay 'wag ako ang guluhin mo." Sabi ko at tinampal ang kamay niya.

"Answer my question first, Yannie." Kumunot ang noo ko.

"Anong tanong?" Napamaang siya sa akin, bakit ba ako nadidistract ng nga mata niya? Kahit madilim ay nangingibabaw ang mga mata niyang nangungusap.

"Bakit ka nagpapaligaw?" Sinamaan ko siya ng tingin habang pareho kaming nakahiga.

"Nagpapaligaw ba ako? He was asked me but I didn't give him an answer. Hinatak mo kaya ako bigla." Sabi ko.

"But if you have a chance to answer, do you let him court you?" Napaisip ako at nilingon siya.

"Ano namang pakialam mo? Jameson is a nice man, he is our regular customer so there is nothing wrong with that. Maaring kasal tayo pero sa papel lang at lasing pa tayo, on the process na ang annulment natin. Ikaw na rin ang nagsabi na bahala tayo gawin ang gusto natin na parang hindi tayo kasal. Walang pakialamanan, Mr. Villacorta." Sabi ko at tumayo na.

"Pero isang linggo na akong walang babae." Mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko pa rin. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.

"Ano namang pakialam ko sa mga babae mo? Umuwi ka na at magtatrabaho pa ako." Lalabas na sana ako ng kwarto nang pigilan niya ang braso ko.

"Ano ba? Ang kulit din ng lelang nito?" Kumunot ang noo niya.

"What? I just want to say that I already talked to Lyndon. He agree that I can borrow your time today. Samahan mo lang ako ngayon, bayad pa rin ang araw mo at bibigyan pa kita ng bonus." Kumunot ang noo ko.

"Anong akala mo sa akin? Pokpok? Abnormal ka." Sabi ko at iniwan na siya sa kwartong nakangangang nakatingin sa akin.

*****

Nagising ako sa pagdila ni Jinjin sa pisngi ko. Bumangon ako at hinawakan siya. Nakita kong 4 pm na pala. Late na ako nagising na dapat ay 1 pm lang dahil nag-overtime ako kanina sa sobrang inis ko sa abnormal.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon