Yannie's POV
"Anak, baka mahulog ka." Sabi ko kay Vinny na kanina pa tumatalon sa kama.
"Mama, ang lambot po ng kama ni Papa." Napangiti ako sa sinabi ni Vinny kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat habang nakatayo sa ibabaw ng kama. Nandito kami ngayon sa hotel na tinutuluyan ni Raphael matapos ang big revelation ko.
"Vinny, dito ka lang muna ha! Mag-uusap lang kami ni Papa. Behave ka lang dito at babalik kami." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Naramdaman kong lumapit si Raphael pero hindi ako lumingon sa kanya. Lumayo ako ng konti kay Vinny at hinayaan ko silang mag-usap na mag-ama. Napaiwas ako ng tingin nang yakapin ng mahigpit ni Raphael si Vinny.
"Wait for us, okay?" Mahinang sabi ni Raphael at rinig ko ang pagpipigil niya ng iyak sa harap ng anak namin.
"Opo, pero Papa hindi ka na po aalis diba po? Ayoko na makitang umiiyak at nahihirapan si Mama. Huwag ka na pong mawawala." Umiwas ako ng tingin.
"Hinding hindi ko kayo iiwan. Hinding-hindi na ako mawawala." Hinalikan din ni Raphael si Vinny sa noo kung saan ko siya hinalikan.
Nauna na akong lumabas at dumiretso sa veranda ng living room. Naramdaman kong lumapit si Raphael sa akin, pabango pa lang niya alam ko na. Tumabi siya ng tayo sa akin.
"Bakit di mo sinabi? Umalis ka ba nang malaman mong buntis ka? Bakit mo ginawa 'yun?" Napapikit ako sa sunod-sunod niyang tanong.
"Kapag ba sinabi ko ay tatanggpin mo siya?" Tanong ko na kinakunot ng noo niya.
"Anong klaseng tanong iyan? Of course, he's my son." Mapait akong napangiti at muling tumingin sa harapan kung saan unti-unti nang nagbubukas ang mga ilaw sa paligid dahil gabi na rin.
"Eh ako?" Nagulat ako nang iharap niya ako sa kanya at titigan.
"Iyon ba ang dahilan? Iniwan mo ako dahil hindi kita nabigyan ng security?" Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"No, that's not a real reason. Maybe, one the reason but that's not it." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya at napasabunot sa buhok niya.
"For pete's sake, Yannie. Let's clear everything once and for all. Why did you leave? Narinig ko ang recording ni Charlie na sinabi mo pero hindi malinaw ang dahilan mo. I already saw your father came to penthouse. Okay, you're scared but why? I'm scared too but hindi sumagi sa isip kong iwan ka." Napasinghal ako sa sinabi niya kaya kumunot ulit ang noo niya.
"Hindi? Then what about that annullment papers? Sa simula pa lang Raphael, laro lang ang pagpapaksal natin. We were both drunk and not because of love. Alam ko naman sa sarili ko na balang araw ay maghihiwalay din tayo pero hinayaan ko pa rin ang sarili kong magtagal na kasama mo." Sabi ko at muling tumingin sa harap.
"Laro? Para sa'yo laro lang ba talaga ang lahat ng ito? Ang pagkakabuo kay Vinny, laro lang ba sa'yo iyon?" Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko.
"Si Vinny ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko. Siya ang kayamanang meron ako at handa akong gawin ang lahat huwag lang siya mawala sa akin, kahit pa ang sarili kong buhay." Matapang kong sambit.
"I know at wala akong balak na kunin siya sa'yo kung iyon ang tingin mo kaya hindi mo sinabi ang totoo. Gusto ko lang malaman kung dahil ba sa annullment paper?" Sabi niya at pumasok sa loob.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya sa tabi ko na may dalang papel. Inabot niya iyon sa akin. "See for yourself." Sabi niya kaya binasa ko ang papel.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang annullment paper na may pirma ko pa pero wala siyang pirma.
"Anong..." Gulat kong sabi na hindi na madugtungan ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...