Epilogue

424 3 0
                                    

Raphael's POV

Uminom ako sa baso ng alak nang umupo ng tapat ko si Inna. Agad naman siyang inakbayan ni Lyndon. Hindi ko sila pinansin at uminom lang.

"Anong problema niyan?" Tanong ni Inna pero tumawa naman ang baliw niyang asawa.

"Huwag mong intindihin iyan, pressure lang iyan dahil pinipilit na siya ng lola niya magpakasal. Matanda na kasi ayaw pang magsettle." Sinamaan ko ng tingin si Lyndon pero mukhang immune na ang lalaki sa akin.

"Bakit nga ba hindi ka pa magpakasal?" Tanong ni Inna.

"Anong gusto niyo pumulot lang ako ng kung sinong babae?" Tumawa ang mag-asawa at sabay dating ng ibang empleyado ng Western. Hinanap siya ng mata ko pero wala pa yata siya.

Nagulat ako ng may babaeng may umupo sa tabi ko at sumiksik sa akin. Dahil may tama na ako ng alak ay inakbayan ko siya.

Natawa si Lyndon. "Ang bilis pumulot." Hindi ko siya pinansin at uminom na lang, lasing na yata siya. Tumayo si Inna at may tiningnan sa may entrance.

Umalis saglit si Inna at pagbalik niya ay may kasama na siya. Napatitig ako kay Yannie na nakangiti, sabay silang bumati ni Shane sa amin. Nang lumingon si Yannie sa akin ay hindi ko pa rin inalis ang tingin ko habang may kaakbay pa ring babae.

Nagsimula ang party at nakiinom na rin siya sa amin pero pansin kong hindi siya masyadong umiinom. Tumunog ang phone niya at tumayo siya bago maglakad palayo, pinaalis ko na ang babae. Tumayo rin ako para kumuha sana ng bote ng alak nang mapahinto ako.

"Bawiin niyo na lang ang apelyido niyo para tapos ang hirap niyo sa pag-intindi sa akin at sa kahihiyang dulot ko sa inyo." Rinig kong sabi niya gamit ang malamig na boses.

Binaba niya ang phone at nagulat pa siya nang makita akong nakatingin sa kanya.  Pinunasan niya ang mga luha niya kaya tinago ko ang kamao ko sa bulsa. Who the hell made her cry? I want to wipe it but before I step forward, she walked beside me. Huminga ako ng malalim.

"Whoah, hinay lang, Yannie. Lemon, you want?" Iyon ang naabutan ko pagbalik sa table. Namumula na ang pisngi ni Yannie na mukhang tumungga ng alak sa baso.

Umupo ako sa kaliwa niya at tinuloy ang pag-inom. Nagulat pa ako nang makita kung gaano siya kalakas uminom.

"Hoy, bruha ikaw anong problema mo?" Tanong ni Shane sa kanya, nilapag niya ang phone at may pinanood sa phone ni Yannie.

Lahat sila ay nanlaki ang mata kaya kumunot ang noo ko. Nakisilip ako ng kaunti at nakitang ang nangyari kahapon sa Western ang pinagkakaguluhan niya.

"Sabi ng tatay ko, isa akong malaking kahihiyan sa apelyido niya. Nakakatawa diba? Hindi muna ako tinanong kung anong nararamdaman ko at bakit ko nagawa iyon pero ang bungad niya ay kahihiyan ako. May kakilala ba kayong nagbebenta ng apelyido? Bibili sana ako para hindi na Tesoro ang apelyido ko." Nagtawanan sila sa sinabi niya pero nanatili akong nakatitig sa kanya, sa kabila ng sinabi niya ay ramdam ko ang lungkot.

"Hindi nabibili ang apelyido, Yannie. Pero pwedeng palitan." Sabi ng isa niyang katrabaho sa Western.

"Talaga? Paano?" Kumunot ang noo ko, interesado ba siya?

"May kilala ako na pwede kang bigyan ng apelyido." Sabi naman ni Lyndon.

"Sino?" Tanong niya, nginuso ako ni Lyndon.

"Iyan pwede ka niyang bigyan ng apelyido." Nilingon ako ni Yannie kaya sinamaan ko ng tingin si Lyndon. Problema niya?

Tumawa siya kaya napatingin kami sa kanya, paihim na umangat ang sulok ng labi ko.

"Siya? Bibigyan ako ng apelyido? Baka mawalan siya ng apelyido." Nang magtawanan sila ay may sumilay na ngiti sa labi ko. Walang nakakita sa akin dahil pasimple lang iyon.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon