Special Chapter (Vincent Villacorta

334 5 0
                                    

Vinny's POV

Pinagpapawisan na ako pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Ramdam kong humahabol sila pero nagpatuloy ako. Huminto ako at nagfocus sa dapat kong gawin, nilinga ko muna ang paningin at nang makita ang pagtango ni Jared ay pumosisyon ako. Tinaas ko ang kamay na may hawak ng bola at huminga ng malalim bago ibato ang bola sa ring.

"Three points for St. Therese University by Vincent Villacorta, number 25." Napangiti ako sa sinabi ng announcer, nagtakbuhan ang teammates ko sa akin dahil nanalo kami.

"Vinny! Vinny!" Paulit-ulit nilang sigaw habang buhat ako.

"Our new MVP, Vincent Villacorta." Sabi ng announcer at inabot sa akin ang trophy kaya napangiti ako.

Matapos ang awarding at batian namin ng team ay agad kong nilinga ang ulo sa paligid.

"Captain, nasa parking na raw sila pinapasabi ng parents mo." Sabi ni Jared kaya tumango ako at nagpasalamat bago naglakad palabas ng court.

Pagdating sa parking lot ay nakita ko silang nakatayo sa tapat ng kotse. May tumakbong batang babae palapit sa akin na edad 10.

"Kuya!" Si Raven na kapatid kong babae ang unang nakapansin sa akin. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya kaya napanguso ito.

"Ma, Pa, bakit umalis kayo agad?" Tanong ko nang makalapit sa kanila, ngumiti sila at niyakap ako.

"Ayaw naming sirain ang kasiyahan niyo ng mga teammates mo. Congratulations, anak." Sabi ni Mama kaya napangiti ako at nagpasalamat.

"Vinny, sa bahay ang after party niyo, right? Pinaayos ko na ang lahat kaya wala ka nang iisipin pa." Ngumiti ako sa sinabi ni Papa at tumango.

Sumilip ako sa loob ng kotse at nakita ko si Marvin na may suot na earphone sa tenga habang nagheheadbang. Nakangiti kong tinanggal ang earphone niya kaya kunot noong lumingon sa akin ang pangalawa kong kapatid na si Marvin. He's 15 years old.

"Hindi mo babatiin si kuya?" Umismid siya na kinatawa ko at napailing na lang. Mas nakuha niya ang pagiging suplado ni Papa habang si Raven naman ay kabaliktaran na nagmana kay Mama.

Ako naman ay both daw dahil minsan seryoso ako lalo na sa basketball at pag-aaral pero kayang makipagsabayan sa ingay lalo na kung pamilya ko ang kasama.

"Grats..." Maikli nitong tugon na tinawanan ko lang. Bumaling ako kila Mama at Papa na nakatingin lang sa aming magkapatid.

"Ma, sunod na lang ako. Mag-aayos muna ako at aayain na silang dumiretso sa bahay." Tumango lang si Mama, hinalikan muna niya ako sa pisngi at tinapik naman ako sa balikat ni Papa. Hinalikan ko sa ulo si Raven bago sila sumakay sa kotse.

Nakangiti ko lang silang pinagmasdan habang nakatingin sa kanilang lumalayo. Napailing ako at bumalik na sa loob kung saan naabutan kong nag-iingay sila. Unti-unti nang nauubos ang tao kaya nilapitan ko na ang teammates ko.

"Vinny, ang lupit mo talaga." Sabi ni Marcus at nag-apir pa sa akin.

"Oo nga, MVP na naman." Nakangising sabi ni Jared. Lumapit si Coach at tinapik ako.

"Iba ka talaga." Ngumiti lang ako at pinaalala sa kanila ang after party.

Naligo muna kami at nang makapag-bihis ay nagdesisyon na ang lahat na pumunta sa bahay.

"Bro, sama ko ang pinsan ko. Nagpupumilit dahil mahilig din kasi siya sa party." Sabi ni Jared sa akin kaya nilingon ko siya.

"Walang problema, bro." Sabi ko dito kaya sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan.

Sumakay na ako sa dala kong asul na mustang. Nasa kalagitanaan ako ng biyahe nang tumunog ang phone ko. Kukunin ko sana ito sa compartment nang mapapreno ako nang makitang may tumawid bigla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon