Yannie's POV
"Anong plano niyo next week?" Nag-angat ako ng tingin nang biglang umupo sa tabi ko si lola kasama niya si Ashley.
"Plano po saan?" Tanong ni Raphael kaya nakagat ko ang labi. Hindi ko pala nasabi sa kanyang malapit na ang birthday ni Vinny.
"Vinny's 5th birthday next week." Sagot ko kaya mabilis siyang napaupo at lumapit sa akin.
"What? It's his birthday? I should call Chris to throw a party for my son." Sabi niya at kinuha ang phone, bago pa niya tawagan ang secretary niya ay pinigilan ko na siya.
"We should ask him first. Limang taon na siya kaya tingin ko dapat siya ang magdesisyon." Bago ko pa siya ipanganak ay nangako ako sa kanya na hahayaan ko siyang magdesisyon sa sarili niya.
Hindi ko gustong agawan siya ng karapatang magdesisyon para sa sarili niya. Kaya ko man o hindi ay pipilitin kong ibigay lahat ng gusto niya.
"Okay!" Sabi niya at nilingon namin si Vinny na nakatingin na pala sa amin.
"What do you want to do at your birthday? Do you want party?" Tanong ni Raphael sa anak namin na umiling lang. Tumayo ako at kinarga ang anak namin at kinandong nang maupo ako ulit sa sofa.
"Then what my baby wants? Ibibigay namin ni Papa." Sabi ko, umakto siyang nag-iisip at mamaya lang ay nguniti siya sa akin.
"Swimming! I want swimming." Nagkatinginan kami ni Raphael.
"Magpapareserve na ba ako sa resort?" Tanong ni Ashley kaya tumango ako.
"Yeah, set it on Wednesday." Sabi ko dahil bakasyon na rin naman.
"Yehey!" Tuwang -tuwang sabi ni Vinny kaya hinalikan ko siya sa pisngi at leeg niya dahilan kung bakit siya humagikgik. May kiliti sa leeg si Vinny, napatingin ako kay Raphael.
"May kiliti ka sa leeg, diba?" Tanong ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.
"How did you know?" Nag taka niyang tanong kaya umiwas ako ng tingin na may namumulang pisngi. Tinakpan ko ang tenga ni Vinny at umiwas ng tingin.
"When we made Vinny, napansin kong may kiliti ka." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"You mean, when you kissed my neck and insisted that you need to leave a mark?" Ako naman ang nanlaki ang mata sa kanya at bahagya siyang pinalo na kinatawa nito.
"Oh my gosh, lola. Masyado silang mahahalay na tao. Nakocorrupt nila ang innocent ears ko." Tumawa si lola sa kalokohan ni Ashley at inirapan ko naman ang bruha.
"Okay lang iyan, Ashley. Mag-asawa sila at dahil doon may Vinny tayo. Huwag ka na ring painosente dahil mas mahalay kayo ni Leon sa kanila." Tumayo si lola na natatawa at pumasok sa kwarto niya. Naiwang nakanganga at tulala naman si Ashley kaya tumawa ako.
"Mas mahalay pala kayo ni kuya?" Pang-aasar ko kaya binato niya ako ng throw pillow at naglakad papunta sa kwarto nila ni kuya.
"Bakit mo nga pala natanong kung may kiliti ako?" Tanong pa ni Raphael at umupo sa tabi ko.
"Pareho kayo ni Vinny." Sabi ko kaya lumaki ang ngiti niya.
"Anak, manang mana ka kay Papa. Mahal na mahal talaga ako ng Mama mo." Kinunutan ko siya ng noo.
"At bakit mo nasabi iyan?" Ngumisi siya.
"Sabi ni Allison kapag mahal daw ng ina ang ama ng bata ay mas magmamana ito sa ama at magiging kamukha." Inirapan ko siya.
"Sinabi talaga ni Allison iyan? Walang scientific explanation diyan. Kasabihan lang iyon para maboost ang confidence ng mga tatay. Sabihin mo malakas lang talaga ang genes mo." Tumawa siya at nagulat ako nang ipatong niya ang braso sa sinasandalan ko kaya para siyang nakaakbay sa akin.

BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...