Desire 32

219 2 0
                                    

Yannie's POV

Nag-angat ako ng tingin mula sa kanina ko pang pinapanood na practice ng mga bata kay Rake na nakatayo sa harap ko. Pagdating namin kaninang umaga ay nagpractice na agad sila.

"Anong oras ng opening?" Tanong ko kay Rake na inabutan ako ng tubig.

"3 pm ang parade tapos ay first game na. Una ang DAES kalaban ang St. Luke Academy." Napatango ako, DAES short for Don Antonio Elementary School sa Sorsogon kung saan ako nagtuturo. "Here, ito ang isuot mo sa parade mamaya." Inabutan niya ako ng blue t-shirt na may logo ng varsity team ng school namin.

Dalawang oras pa pala bago ang opening kaya may oras pa silang magtraining. Nilingon ko si Rake nang mag-inat siya.

"Hindi pa naglulunch ang mga bata at tayo. Sabi ng organizer ng event ay may libreng lunch kaya kukunin ko lang." Tumayo rin ako kaya nilingon niya ako.

"Tulungan na kitang kunin ang mga pagkain." Tumango siya kaya naglakad na kami papunta kung saan ang organizer.

May inabot sila sa aming dalawang malaking plastic na puno ng nakstyro na pagkain. 15 ang players namin plus dalawa kaming teacher. Pero binigay na ang 25 food packs dahil iyon daw ang budget sa bawat school.

Pinamigay na namin ang food packs sa mga bata. Mamaya darating ang iba pa nilang kaklase at parents nila na galing sa Sorsogon bago magsimula ang game. Matapos kumain ay nagpahinga ako sandali sa kwarto ko. Hinayaan ko na muna sila Rake at ang team na magtraining.

Alam kong sa Villacorta Real Estate ang hotel kung saan tumutuloy ang lahat ng participants sa Kid's Division Olympics. Pero imposible naman na makita ko siya dito. Marami naman silang pag-aari.

Nakatulog ako ng isang oras at nagising lang nang tawagan ako ni Rake. Sinabi niyang magsisimula na ang parade kaya naligo muna ako at sinuot ang binigay niyang t-shirt.

Bumuks ang elevator at nang makalabas ako ay napahinto ako sa paglalakad. May naamoy akong pamilyar na pabango. Maaaring ilang taon ko nang hindi iyon naaamoy pero sigurado ako kung sino ang may-ari nito.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng amoy pero ang tanging nakita ko ay likod ng grupo ng mga lalaki na pare-parehong nakaformal suit. Napailing ako at inisip na lang na imposibleng siya iyon. Marami ang may pabangong katulad ng ganun.

Pagdating sa venue ay magsisimula na ang parade. Hinanap ko ang team namin at nakita ko sila 'di kalayuan sa akin. Tumabi ako ng lakad kay Rake.

"Bakit ngayon ka lang?" Nagkibit balikat ako.

"Nakatulog lang." Tumango siya.

"Narinig mo na ba? Sabi darating daw ang Chairman ng sponsor natin. It is first simula magsponsor sila ng ganitong event na umattend ang Chairman." Tumango lang ako at hindi nagpakita ng kahit na anong interes sa sinasabing sponsor though thankful ako sa kanila.

Dahil sa kumpanya ng sponsor ay hindi magkakaroon ng opportunity na sumali ang maliliit na school katulad ng amin. Nagsimula na ang parade at naglakad lang kami ng halos kalahating oras bago bumalik ng court.

Official ng nagsimula ang event kaya marami pang sinabi ang emcee bago niya tawagin ang bawat koponan. Tumayo kami nang tawagin ang pangalan ng school namin.

Nakakaproud lang tingnan ang ngiti ng bawat batang kasama namin. Saksi ako sa pangarap ng mga batang ito at alam ko dahil sa event na ito ay magkakaroon sila ng pagkakataong matupad ang pangarap na iyon.

Nagsimula na ang game at bawat puntos namin ay tumitili o sumisigaw ako kasabay ng ilang estudyante na kararating lang at ang mga magulang ng mga player.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon