Desire 6

302 4 0
                                    

Yannie's POV

Kanina pa ako hindi mapakali sa kahahanap sa kwintas ko. Halos baligtarin ko na ang buong apartment pero hindi ko pa rin iyon makita. Tumayo ako sa gitna ng sala at nameywang.

"Saan ko ba pwede ilagay iyon? Mahalaga sa akin ang kwintas dahil iyon ang huling alaala ni Mama sa akin." Bulong ko habang iniisip kung saan pwedeng mapunta ang kwintas ko.

Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong humintong sasakyan sa labas. Bumuntong hininga ako bago lumabas ng apartment. Napangiti ako nang makita ang puting sedan sa labas.

Lalakad na sana ako palapit nang mapahinto ako dahil sa nakita kong bumaba sa sasakyan. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang babaeng ngayon ay sopistikadang naglalakad papunta sa akin. May mga katulong na nakasunod sa kanya at pinapayungan siya.

"Magandang hapon po, Madam Rizza." Bati ko sa babae pero tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang ay nanliit ako sa ginawa niya.

"There's nothing good in the afternoon. I thought my son would change you but I guess he can't. Sabi nga nila ang basahan ay labhan mo man ng ilang ulit ay basahan pa rin. He can't change a lowkey woman like you because you are nothing compare to Elle." Pinigil ko ang luhang gusto nang lumabas.

Ina man siya ng lalaking mahal ko pero hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na makita akong lumuha. Bakit ba hindi ako masanay sa panlalait niya sa pagkatao ko?

Nagulat ako nang maglabas siya ng envelope sa bag niya, alam ko ang laman niyon at ihagis iyon sa mukha ko.

"Binalaan na kita, Tesoro. Leave my son alone. Kung kulang pa iyan ay sabihin mo at dadagdagan ko, huwag mo lang gawing tanga ang anak ko. A low class woman is nothing compare to my son." Napakuyom ako ng kamao at maglalakad na sana siya pabalik sa sasakyan niyang magara nang magsalita ako.

"I love your son and I don't need your money. I maybe nothing compare to your family but I can prove to you how much I love your son." Humarap siyang muli sa akin nang may mapanliit tingin.

"Oh, really? Then my son doesn't need the love you're saying. He is loved by his family unlike you. You are your father's bastard daughter who abandoned by him. You undesirable bitch." Napapikit ako at tagos sa dibdib ko ang mga salita niya.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na nanay siya ni Cedrick kaya dapat ko pa rin siyang respetuhin. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili at hindi siya mabastos. Pumunta ba siya dito para laitin ako? Lumapit pa siya sa akin habang nakangisi.

"No one has ever loved you because you know what? Ikaw ang malas na nagdadala sa pamilya Tesoro ng kahihiyan." Sabi niya at nakangising tinalikuran ako.

Nakayuko ako hanggang makaalis na siya at ang magara niyang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Nanlambot bigla ang tuhod ko at kinuha ang perang hinagis niya bago kunin ang cellphone ko sa bag.

"Hello?" Pagsagot ni Cedrick sa tawag ko. I heard his hard breathing na parang hinihingal.

"Where are you? We need to talk." Sabi ko.

"I'll go to the Western." Sabi niya at mabilis na pinatay ang tawag.

Nilagay ko na ang pera sa bag ko at nilock ang pinto ng bahay. Naglakad na ako kahit alam kong late na ako ay mas pinili kong maglakad. Bukod sa sagad na ang budget ko dahil hindi pa ako sumasahod ay gusto ko ring mag-isip muna.

Malayo na ang nalalakad ko nang may bumusina sa likuran ko kaya halos mapatalon ako. Nagulat ako dahil masyado na palang malalim ang iniisip ko at di ko namalayan na may sasakyan na palang dadaan habang tumatawid ako.

"Are you crazy? Magpapakamatay ka ba?" Nagulat ako nang makita ang kaibigan ng boss ko.

Nagulat siya nang mapatingin siya sa mukha ko. Lumabas siya ng kotse at ako naman ang nagulat nang hatakin niya ako papasok sa kotse niya.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon