Yannie's POV
Nagising ako nang may maramdaman akong paulit-ulit na halik sa labi ko. Napangiti ako nang makita si Raphael na nakatingin sa akin.
"Good morning, sunshine." Nakangiti niyang sabi, umupo ako at hinarap siya. Pareho pang hubad ang aming katawan at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan namin.
"Good morning, kanina ka pa gising?" Tanong ko, umiling siya.
"Kagigising ko lang din." Sagot niya, tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. "Where are you going?" Tanong niya na nakanguso.
"I should cook our breakfast." Sabi ko pero umiling siya.
"Mamaya na." Sabi niya at muli akong niyakap, inamoy din niya ang leeg ko kaya natawa ako.
"Nakikiliti ako, Raphael." Sabi ko, huminto siya sa ginagawa at tiningnan ako.
"You called me Raffy last night when you moan. Why not call me again like that? Wala pang tumatawag sa akin nang ganyan." Tumawa ako at kinurot ang pisngi niya.
"Okay, Raffy." Lumawak ang ngiti niya kaya natawa ako. Hindi ko alam na may pagkachildish din pala siya.
Hinalikan niya ako sa labi at hiniga ulit sa kama. Lumalalim na ang halikan namin nang may marinig kaming doorbell. Bahagya ko siyang tinulak para mapahiwalay sa akin.
"May tao sa labas." Sabi ko pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinabol ang labi ko. Ilang segundo lang ay tumunog ulit ang doorbell.
Napabuntong hininga siya at tumayo. Para siyang model na naglakad sa kwarto ng nakahubad habang kinukuha ang brief at boxer niya. Sinuot niya ang mga ito at nagsuot na lang siya ng sandong puti. Inabot niya sa akin ang white long sleeve niya na suot kagabi.
"Wear this." Sabi niya kaya kinuha ko ito, lumabas na siya ng kwarto.
Sinuot ko ang panty ko at ang long sleeve polo na inabot niya. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng maikling short tsaka pumunta sa sala. Narinig kong may kausap na si Raphael.
"You know the password and you have a spare key. Why you need to knock and click the doorbell?" Nakita kong mga kapatid niya pala ito.
"Kuya, I know your plan yesterday pag-uwi mo pa lang galing airport. You surprised her for her birthday kaya nga hindi kami nagpunta kahit gusto namin nung friday. Kahit wala ka ay nandito naman siya kaya plano sana namin siyang kabonding kaso epal ka. You want to surprise her kaya ngayon lang kami." Nagcross arms si Raffy sa sinagot ni Alliana.
"Your point is?" Tanong naman ni Raffy sa mga kapatid.
"Ate's point is, paano kung may ginagawa kayong kababalaghan? Eh di nacorrupt na ang inosente naming mga mata. Ay ako lang pala, si ate hindi na iyan inosente." Binatukan ni Alliana si Allison kaya natawa ako.
"Alam niyo naman pala, bakit nang-istorbo pa kayo?" Lumapit na ako at kinurot siya sa tagiliran.
"Huwag kang ganyan, they saved me." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Saved you from what?" Natawa ako sa naging reaksyon niya.
"From you." Sagot ko at tumawa ang mga kapatid niya lalo na nang makita nilang nalukot ang mukha ng kuya nila.
Napangiti ako, hindi lingid sa kaalaman ko ang closeness ni Raffy sa mga kapatid niya. Alam ko kung gaano niya kamahal ang mga ito at gustong protektahan. Kaya nga hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang ginagawa nila ng mga bata pa sila. Madalas kaya siyang pagtripan ng mga kapatid niya dahil nag-iisa siyang lalaki pero pinagbibigyan niya lagi?
"Talo ka pala kay ate Yannie." Nagulat ako sa tinawag ni Alliyah sa akin at hinawakan pa ang kamay ko.
"Siya nga pala may breakfast kaming dala. Alam namin na baka hindi na kayo lumabas kaya nanggulo na lang kami." Tumatawang sabi ni Allison.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...