Desire 7

302 3 0
                                    

Yannie's POV

Tumalikod na ako sa kanila dahil sa kawalan ng sasabihin. Pagtalikod ko ay nakita ko ang boss ko na nakatingin sa akin. Umiling siya at naglakad pabalik sa opisina niya.

Lumapit si Shane sa akin. "Pinapatawag ka ni sir Lyndon. Goodluck pero ang galing mo kanina." Ngumiti lang ako kay Shane bago naglakad papuntang opisina ni boss.

"Boss, sorry po kung nanggulo ako kanina. Ikaltas niyo na lang po sa sweldo ko yung damage at perwisyo." Bungad ko pagpasok pero napahinto din nang makitang hindi lang pala ang boss ko ang nandito.

Napalingon ako kay sir Raphael na nakaupo sa sofa at may hawak na cellphone. Nakadekwatro siya at seryoso ang kanyang mukha.

"Maupo ka muna, Yannie. Raph, lumabas ka na muna." Nag-angat ng tingin si sir Raphael.

"What? Why would I? I stay here." Matigas na sabi niya, bumuntong hininga si sir Lyndon sa katigasan ng ulo ng kaibigan kasabay ng pagbukas ng pinto.

Nagulat ako nang batukan ni mam Inna si sir Raphael. Kamot ang ulong lumingon siya sa nambatok sa kanya.

"Idiot, nasa hospital si Alliyah. Kanina ka pa raw tinatawagan ni Allison." Agad na tumayo si sir Raphael at nagulat ako nang makita ang kakaibang pag-aalala niya sa mga mata.

"That idiot, kapatid lang niya ang magiging dahilan ng pagkasira ng mga plano niya." Naiiling na sabi ni sir Lyndon.

"Who wouldn't? Kapag pamilya na ang pinag-uusapan ay handang baligtarin ang lahat." Sagot ni mam Inna at nagulat ako nang lumingon siya sa akin.

Bumaling na rin sa akin si sir at tumikhim. Mukhang naalala niya na kung bakit niya ako pinatawag.

"Yannie, napanood ko ang buong eksena sa CCTV." Napayuko ako sa sinabi ni sir.

Bakit naging impulsive ako? Hindi ko man lang inalala na nasa trabaho ako. Hinayaan kong pangunahan ako ng nararamdaman.

"Sorry po, sir." Nakayuko kong sabi pero nagulat ako ng yakapin ako ni Mam Inna.

"Good job, Yan. Dapat pinatikhim mo pa sila ng tadyak at suntok." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay mam Inna. Nakita ko naman napailing si sir Lyndon.

"Inna, can you let me talk to her? She's my employee so let me." Sabi ni sir, umangat ang kilay ni Mam Inna kaya napangiti ako.

"Inuutusan mo ba ako?" Taas kilay na tanong ni Mam pero nagtaas ng kamay si Sir.

"No, honey. I was saying that I need to talk to her." Umirap si Mam Inna at ngumisi sa akin.

"Kapag may ginawa ang asawa ko sa'yo sabihin mo lang. Resbak mo ako." Sabi niya at kinindatan pa ako bago naglakad palabas ng opisina.

"Yannie, you know you have job here. Wala akong sinabing mali ang sinampal mo ang ex mo at babae niya but you should take it into place. Not in my bar." Napayuko na lang ako.

"Sorry, sir. Wala po akong maiidadahilan." Nakita kong tumango siya.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kaya hindi mo na kailangan magdahilan. I understand you. Ang gusto ko lang ay pag-isipan mo muna ang desisyon mo. You're not like that, Yannie. I know you as a calm person. You should know that you don't need to stoop low for them. They are nothing para pagtuunan mo ng pansin. Nag-alala lang kami ng asawa ko sa'yo. What if may gawin ang Monteverde na iyon sa'yo at sa mismong teritoryo ko pa?" Umiwas ako ng tingin, naiintindihan ko na nag-aalala lang sila sa akin.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. "Kung may nangyari sa'yo baka hindi ko pigilan ang asawa ko na sabihin kay Raphael na tuluyan na niyang pabagsakin si Monteverde." Nagulat ako sa sinabi niya.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon