Desire 19 (SPG)

293 2 0
                                    

Read at your own risk....

Yannie's POV

"Nasaan ka na ba?" Tanong ni Shane sa kabilang linya. Kanina pa niya ko pinagmamadali kahit maaga pa naman para sa shift ko.

"Malapit na ako, nakababa na ako ng jeep. Bakit ka ba nagmamadali? Maaga pa naman." Sabi ko habang nakaipit ang phone ko sa tenga at leeg, hawak ko naman ang payong sa kanan kong kamay. Malakas ang buhos ng ulan, sumabay pa ang pagmamadali ni Shane sa akin.

Naglakad lang ako hanggang makarating sa Western. Kumunot ang noo ko nang mapansing walang ilaw sa loob ng bar which is impossible. Pumasok ako sa loob at nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako nang may pumutok na party popper.

"Happy Birthday, Yanyan." Sigaw nila, hindi ako agad nagkapagreak.

"Happy Birthday, Yan." Naunang yumakap at bumati sa akin si Shane hanggang magsunod-sunod na silang bumati.

"Wait, hindi ko inaasahan ito." Sabi ko kaya nagtawanan ang mga katrabaho ko. Maging ang mag-asawang boss namin ay narito.

"Siyempre kaya nga surprise. May surprise bang inaasahan?" Natawa kami sa sinabi ni Shane.

"Close ang buong Western para sa birthday mo." Sabi ni Ma'am Inna at yumakap din sa akin.

"Salamat po pero nagsabi na akong wala akong plano." Sabi ko, lumapit si sir Lyndon at inakbayan ang asawa.

"Ikaw ang walang plano pero kami ay mayroon. May naghanda at nanguna sa planong ito." Nagtaka ako sa sinabi ni sir Lyndon, nahawi sila at lumitaw ang taong hindi ko inaasahan.

Nahati sila sa gitna habang naglalakad ang lalaking ilang araw nang hindi mawala sa isip ko. Kahit wala siya ay siya lang ang laging nakikita ng mga mata ko. Seryoso lang siya habang may hawak na cake.

"Happy Birthday, my wife." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa mga katrabaho ko na lahat ay nakangiti.

"Alam na namin, ikaw ha! Kaya pala ayaw mong magpaligaw at talagang wala ka nang pakialam kay Cedrick dahil kasal na pala kayo. Hindi lang ako nagtanong tungkol sa singsing na nasa daliri mo." Sabi ni Shane at tumawa sila.

"Blow your candles, Yannie." Sabi ni Ma'am Inna, tiningnan ko ang kandila bago hipan. Nagpalakpakan sila kasabay ng pag-abot ng maliit na pahabang kahon ni Raphael sa akin.

"My gift for you." Nakangiti niyang sabi, nanibago ako bigla sa ngiti niya.

Binuksan ko ito at nanlaki ang mata nang makitang isa itong sapphire necklace. Hindi man ako magaling sa pagkilatis ng alahas ay alam kong tunay at mahal ito.

"I bought this from Japan." Sabi niya at sinuot na ang kwintas sa akin.

"Beautiful just like my wife." Nakangiti niyang sabi, nagtilian ang mga babae kong katrabaho at naghiyawan naman ang mga lalaki.

Nagsimula na ang party at napuno ng alak. Sabi ni Ma'am Inna ay pinareserved daw ni Raphael ang buong bar kaya bayad din daw at hindi ako dapat mahiya sa kanilang mag-asawa. Tumayo ako kaya nagtatakang tiningnan ako ni Ma'am Inna.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Hahanapin ko lang po ang lalaking iyon." Sabi ko na kinatawa niya, hindi ko alam kung bakit siya natawa sa sinabi ko.

"Go, look for your man. I think he's with my man." Sabi niya at napailing na lang ako dahil lasing na siya.

Naglakad lang ako at hinanap si Raphael. Nang hindi ko siya makita sa first floor ay umakyat ako sa second floor. Nakita ko siyang kasama si sir Lyndon na nasa balcony.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon