Desire 40

228 2 0
                                    

Yannie's POV

"Yannie..." Huminto ako sa paglalakad at lumingon kay Rake na tinawag ako. Hinintay ko siyang makalapit sa akin.

"Oh, Rake." Sabi ko.

"Yannie, hatid na kita." Tututol pa sana ako nang pigilan niya ako. "Don't worry, I know where I stand. Just a friendly gesture. Malakas na rin ang ulan." Wala na rin akong nagawa kundi ang tumango.

"Okay." Sagot ko kaya lumaki ang ngiti niya.

"Sige, kunin ko lang ang kotse ko. Hintayin mo ako." Tumango ako kaya tumakbo siya sa parking area.

Pumunta ako sa tapat ng lobby ng building ng school namin para doon na lang maghintay. Malakas na nga ang ulan pero kinailangan pa namin tapusin ang bigayan ng report card ng mga bata.

Hindi na ako nagulat nang makita ang pamilyar na kotse sa tapat ko. Bumaba si Raphael sa kotse na may dalang payong at lumapit sa akin. Isang linggo niya na akong sinusundo dito sa school pero hindi ako sumasakay sa kotse niya. There is no way na bibigay ako sa kanya.

"Yannie, it's heavy raining. Hatid na kita." Ngumiti ako ng ubod ng tamis kaya nakita kong nagningning ang mata niya.

"Sorry, may maghahatid na sa akin." Sabi ko at binuksan na ang dala kong payong. Naglakad ako at sumakay sa kotseng huminto sa tapat ko.

"Yannie, are you sure na sa akin ka sasabay?" Nilingon ko si Rake mula sa pagtingin ko sa bintana kung saan kita si Raphael na binaba ang payong.

"Ayaw mo na ba akong isabay? Okay lang at maglalakad na lang ako o kaya sasakay ng tricycle." Tumawa siya.

"Sa tingin mo papayag akong maglakad ka o sumakay ng tricycle? Nagaalala lang ako dahil baka sa kanya mo gusto sumabay?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sa'yo ako sumakay kaya sa'yo ako sasabay." Sabi ko, ngumiti siya ng mapait.

"Binasted mo ako dahil alam kong may nagmamay-ari na ng puso mo. Bakit kailangan mo siyang tiisin? Isang linggo na iyang pabalik-balik dito pero lagi siyang bigo." Umiwas ako ng tingin at 'di sinasadyang mapalingon ako sa direksyon niya.

Basang basa na siya ng ulan pero para siyang walang pakialam at nakatingin lang siya sa kawalan. Bumuntong hininga ako at lumingon kay Rake.

"Rake, let's go. Susuko rin iyan, he should stay as Vinny's father." Sabi ko, ngumiti siya at inistart na ang kotse bago siya nagsalita.

"Alam mo ang taong nagmamahal ay hindi susuko. Ako nga hindi naman talaga sumuko sa limang taon kitang gusto. Dumating lang kasi siya, ang taong gusto mo. Alam ko naman kung saan lang ako dahil may iba kang mahal. Mahal ka rin niya kay tingin mo ba ay susuko siya ng ganyan?" Natawa ako sa sinabi niya ng sarkastiko.

"Mahal? Mahal niya ako? Hindi ko pa nga narinig ang sakitang iyan mula sa kanya. Five years ago o kahit ngayon, sinabi niyang liligawan niya ako pero paano kung dahil lang may anak kami?" Sabi ko pa.

"So, ang dahilan kaya ka nagpapahard to get dahil hindi niya sinasabi sa'yong mahal ka niya? Alam mo Yannie, kaming mga lalaki hindi madaling sabihin ang salitang mahal. Mas mahalaga sa amin ang ipakita iyon kaysa sabihin lang. Ako nga limang taon pa ang lumipas bago ako umamin sa'yo. Hindi lang kayong mga babae ang natatakot pati na rin kaming mga lalaki." Natahimik ako sa sinabi niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Bumaba ako ng kotse ni Rake at nagpasalamat.

"Yannie, tinanggap ko ang pagkatalo ko dahil gusto kong maging masaya ka. You deserve to be happy with the person you love." Sabi niya at umalis na. Naiwan naman akong tulala habang pilit na inaabsorb ang sinabi niya.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon