Yannie's POV
Nagising na naman ako sa pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang tingin at nakitang kulay abo din ang paligid mula sa kama hanggang paligid nito. Hindi ko na nalibot ang tingin ko dito nang una akong magising dito.
Muli ko na naman naalala ang nangyari kaya napapikit ako. Nagpakasal ba talaga ako nang lasing? Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang mga gamit ko sa gilid ng hallway.
Naabutan ko si Sir Raphael na kausap si sir Lyndon sa sala. Lumapit ako sa kanila kaya nilingon nila ako.
"Yannie, I'm sorry for what happen. Lasing din ako nang gabing iyon at wala akong alam sa plano ni Nicholas. Galit na galit sa akin si Inna nang malaman niya ito at natatakot akong totohanin niya ang makipaghiwalay sa akin kapag hindi ko ito naayos." Sabi ni Sir Lyndon.
"Nasaan na ang Nicholas na sinasabi niyo?" Tanong ko, nagkatinginan silang magkaibigan.
"We don't know, ang huling sabi ng secretary niya ay nagpunta raw kahapon si Nicholas sa Australia. We tried to reach him but he's not respond yet." Sabi ni sir Lyndon.
"How can we solve this problem?" Tanong ko sa kanila, nagbuntong hininga sila.
"We have no other choice but to file an annulment." Nilingon ko si sir Raphael. Tumango ako.
"How? Mahirap ang annulment case sa Pilipinas. Para kang papasok sa butas ng karayom." Sabi naman ni sir Lyndon.
"We need to prove that we were drunk that time and we were not in ourselves. There have many witness, Lyndon." Napatingin naman ako kay sir Raphael. Mabilis siyang mag-isip, kung sabagay ang alam ko ay isa siyang magaling at pinakamakapangyarihang business tycoon and bachelor sa bansa.
"Okay, pwede mong ipaprocess kay Alliana ito." Nakita kong nagulat si sir Raphael sa sinabi ng kaibigan.
"Are you insane? Kung si Alliana ang mag-aasikaso nito, do you think hindi ito malalaman ng pamilya ko? Bro, you know that my family is against the nullity of marriage. Alliana never accepted cases like this."
"Pero dahil naman ito sa lasing kayo. I think maiintindihan ito ng parents mo." Nagbuga ng hangin si sir Raphael. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa.
"That's really the problem, maiintindihan ako ng magulang ko but not my grandmother. She will surely kill me lalo na dahil kinasal ako ng lasing. Iisipin niyang pinaglalaruan natin ang sagradong kasal. Hindi lang ako ang papatayin niya siguradong damay ka." Nagulat ako sa sinabi ni sir Raphael, base sa tono niya ay tajot siya sa lola niya.
"Point taken, nakakatakot nga si Donya Rebecca. Okay, I will call another lawyer na walang kinalaman kay Alliana. Tawagan na lang kita, bro." Nagpaalam na si sir Lyndon sa amin.
"Yannie, kahit huwag ka na munang pumasok kung masama pa pakiramdam mo." Sabi niya at tuluyan nang umalis.
Nilingon ako ni sir Raphael at nagbuntong hininga siya.
"Nagdala ng breakfast si Lyndon, let's eat first." Sabi niya at naglakad na papuntang kusina.
"Nakausap ko na si Shane, sabi niya pwede raw akong tumuloy sa kanila. Pagkatapos kumain ay pupunta ako sa kanila pero pwedeng iwan ko muna ang gamit ko? Isasama ko na lang si Jinjin, babalikan ko ang gamit ko kapag nakahanap na ako ng bagong mauupahan." Napahinto siya sa pag-aayoa ng pagkain namin nang magsalita ako.
Nilingon niya ako at umupo sa tabi ko.
"Yannie, I asked Lyndon about Shane's place and he said na marami silang magkakapatid at pati mga hipag at pamangkin niya ay doon din nakatira. Masikip na sa bahay nila, you don't need to leave here." Napatitig ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...