Desire 49

290 2 0
                                    

Yannie's POV

Nilibot ko ang tingin sa buong coffee shop kung nasaan ako habang umiinom ng hot choco. Napangiti ako nang makita kung sino ang pumasok sa loob ng shop. Nilibot pa niya ang tingin bago huminto sa akin. Nanlaki ang mata niya at agad na pumunta sa tapat ko.

"Oh my, Yannie. Kamusta? Sorry kung hindi ako nakapunta sa libing ng Papa mo at nang macomatose ka. Isang taon kaming nasa Barcelona ni James." Ngumiti ako at tumawag ng waiter.

"What do you want?" Tanong ko at sinabi niya ang order sa waiter.

"So, ano na?" Natawa ako.

"Ang haba ng bungad mo, Shane. I'm happy for the both of you." Lumaki ang ngiti niya.

"Thank you and I'm happy for you too. I heard na nagkabalikan na kayo ni sir Raphael. Totoo bang may anak kayo?" Tumango ako.

"Saan mo nabalitaan ang mga iyan?" Tanong ko pero kinindatan niya lang ako.

"I have source." Nagtawanan lang kami at saktong pagpasok ni James sa loob ng shop.

"Yannie, kamusta?" Bati niya at tumabi ng upo kay Shane at umakbay. Napangiti ako.

"Well, I'm fine I guess." Sagot ko na tinawanan nila.

"Hoy, ang yaman mo pala talaga. Nagpakahirap kang magtrabaho ng night shift tapos unlimited naman pala ang pera ng tatay mo." Ngumiti ako at uminom ng hot choco ko.

"Okay na sa akin iyon." Nakangiti kong sabi na inirapan niya.

"Alam ko naman ang hirap mo habang nagtatrabaho ka sa Western." Tumango ako.

"Yeah, pero wala akong pinagsisisihan na nagtrabaho ako sa Western. Kung hindi ako nagtrabaho doon ay hindi ko makikilala ang asawa ko. Hindi ako magiging masaya ngayon." Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng naranasan namin kahit napuno kami ng takot.

Marami na ang nagyari pero naging matatag kami. Tatlong buwan na mula nang macomatose ako at walang araw na  binigo ako ni Raphael. Masasabi kong mas naging sweet at maalaga rin siya.

Sa loob ng tatlong buwan ay ako na ang naging Vice Chairwoman ng Elite Society at si Cindy ang pinamahala ko sa T Group dahil business graduate naman siya. Mas nagfocus na lang ako sa pagiging teacher. Nag-apply ako sa isang public school teacher dito sa Manila matapos kong magresign sa Sorsogon.

"Kung sabagay, mas maganda ang maraming pinagdaanang hirap dahil doon mas natututo tayo." Sabi niya kaya umakbay si James sa kanya. Napangiti ako.

"Gumaganti ka?" Kumunot ang noo niya.

"Ha?"

"Dahil hindi ko sinabi noon na kinasal ako ay hindi ka rin nagsabi sa akin?" Nanlaki ang mata niya kaya natatawamg tinuro ko ang singsing sa daliri niya.

"Sorry, biglaan lang. Ito kasing si James ayaw na akong pakawalan." Tumawa ako at nagkwentuhan lang kami.

"Mama!" Napalingon ako sa tumawag at napangiti nang makita ang mag-ama ko. Agad humalik sa pisngi ko si Vinny at humalik sa labi ko si Raphael.

"Ikaw ang sumundo? Akala ko si Alliana dahil hihiramin daw?" Nagkibit balikat siya.

"Nagkaroon ng emergency dahil dinala sa ospital si Francis at nagkaroon ng accident sa restaurant." Sabi niya.

"Kamusta si Francis?" Tanong ko, naupo silang mag-ama sa tabi ko.

"Maayos na siya, minor accident lang." Tumango ako at nakitang nakangiti si Shane kay Vinny. "Shane, my son Vinny. Baby, this is your tita Shane and tito James." Kumaway si Vinny sa dalawa na tuwang tuwa sa anak ko.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon