Yannie's POV
"Ganyan ka magrebelde?!" Malakas niyang sigaw dahilan kung bakit nakita ko si Jinjin na magtago sa ilalim ng sofa.
Napapikit ako at napakuyom ng kamao. Kahit na natatakot ako ay pinilit ko ang sarili kong tatagan ang loob na harapin siya. Wala akong ginawang masama kaya hindi ako dapat matakot.
"Hindi ako nagrerebelde." Cold kong sabi, napasinghal siya.
"Hindi ka nagrerebelde? Anong tawag mo sa pagpapakasal mo sa isang Villacorta? Bata ka pa lang ay sinabi ko nang hindi mapagkakatiwalaan ang isang Villacorta. Ilang beses kong tinanim iyon sa utak mo kahit walang kasiguraduhang magtatagpo ang landas niyo. Pero ano ito?" Tumawa siya ng sarkastiko habang nakatingala. Alam kong nafrufrustrate na siya.
"I guess kahit anong gawin ko ay talagang pipilitin ng mga Villacorta na pumasok sa mga buhay natin." Tinitigan ko sa mata si Papa.
"Ano bang ginawa ng pamilya nila kaya ka nagkakaganyan? Akala ko kaibigan mo si Rainier Villacorta?" Tanong ko na kinatawa niya.
"Kaibigan? Matagal niya nang sinira ang pagkakaibigan namin simula nang lokohin niya ang Mama mo. Inagaw sa akin ni Rainier ang Mama mo." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Po? A-anong inagaw? Anong ibig niyong sabihin?" Nakaramdam ako ng kaba sa sasabihin niya.
"Hindi mo alam? Nagpunta ka sa letseng business event ng mga Villacorta kaya sigurado ako na nakaharap mo na sila. Mukhang wala silang sinabi sa'yo. Hindi na ako magugulat kung galit sa'yo si Victoria Villacorta." Naguguluhan ko siyang tiningnan.
Naupo si Papa sa sofa at humarap sa akin. "Nagkaroon ng business conference si Rainier sa Sorsogon kasama ako. Nauna kong makilala ang Mama mo dahil naging magkaklase kami nung college at madalas ko siyang ikwento kay Rainier. Nang malaman ni Rainier na si Arianne iyon ay inunahan niya akong ligawan si Arianne. Sakim si Villacorta at lahat ng babaeng minamahal ko, gusto niya sa kanya lang. Una kong minahal si Victoria pero dahil sa pagkakasundo ng pamilya nila ay nagpakasal sila.
"Hindi ako nagalit o wala akong sinabi pero tumindi ang galit ko nang ligawan niya si Arianne. Kasal na siya at may dalawang anak, sinubukan kong ipaalala iyon pero dahil mas makapangyarihan siya kaysa sa pamilya namin ay natakot akong may gawin siya sa negosyo ng ama ko. Naging bulag ako na higit kong pinagsisihan habang nakikita ko silang magkasama. Isang araw sinuntok ko si Rainier nang malaman kong buntis si Arianne. Naunang umalis si Rainier para umuwi ng Maynila at nagpaiwan ako. Kinailangan niyang umuwi dahil nagkasakit ang pangalawa niyang anak.
"Nangako si Rainier na babalik siya para kay Arianne pero sinabi ko na ang totoo. Sinabi kong kasal na si Rainier at may dalawang anak, nagalit si Arianne kaya sabi ko ay tumakas kami. Tatanggapin ko ang anak nila ni Rainier basta sumama lang siya sa akin. Tumakas kami nang nalaman naming babalik ng Sorsogon si Rainier pero hindi inaasahang makaharap namin si Victoria. Nalaman niya ang pagbubuntis ni Arianne kaya sinampal niya ito. Galit na galit si Victoria dito pero pinigilan ko siya, sinabi kong ilalayo ko si Arianne para hindi na siya makita pa ni Rainier.
"Nagsama kami ni Arianne sa Siargao hanggang makapanganak siya ng isang sanggol na babae. Pinaalam ni Arianne sa bata kung sino ang ama nito. Sa tatlong taon naming pagsasama ay nagkaanak kami at ikaw iyon pero bago ko nalamang buntis siya ay naghiwalay kami. Hindi niya makalimutan si Rainier kahit anong gawin ko kaya umalis ako at iniwan siya sa Siargao. Nang makita kita nine years old ka ay iyon ang unang beses kong nalaman na nagkaanak kami. Itinago ka niya sa akin."
Hindi ako makapaniwala sa haba ng sinabi niya. Kung ganon totoong may kapatid ako kay Mama.
"N-nasaan na po ang ate ko?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...