Desire 41

257 1 0
                                    

Yannie's POV

Katahimikan. Iyan ang namamayani sa gitna ng hapag-kainan namin na kahit yata may mahulog na kutsara ay magugulat ang lahat. Ramdam ko ang tensyon sa lahat at tanging si Vinny na maganang kumakain ang walang napapansin.

Tumikhim si tito kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Shall we eat?" Sabi niya kaya nagsimula na rin kaming gumalaw.

Pinunasan ko muna ang bibig ni Vinny na puro kanin. Hinahayaan ko na siyang kumain mag-isa para matuto pero dahil bata pa ay makalat talaga siya kumain. Nasa tabi ko siya at nasa kabila naman ang Papa niya na nakatingin lang sa amin.

Kukuha na sana ako ng pagkain ko nang hindi ko makita ang plato ko. Nakita ko na lang na nilalagyan na pala ni Raphael ito ng pagkain.

"Salamat." Sabi ko at sumubo na rin pero napansin kong hindi pa rin siya kumakain kaya tinaasan ko siya ng kilay. Natatawang sumubo na siya.

"Ang cute niyo, bagay talaga kayong pamilya." Inirapan ko si Ashley pero tiningnan lang niya ang asawa. "Leon, gusto ko na ng anak." Sabi niya kaya inakbayan siya nito.

"Later, susubukan natin at kapag wala pa rin ay punta tayong ospital." Sabi ni kuya Leon.

Isang taon na silang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak. Sabi baka isa sa kanila ang infertile pero pareho silang takot magpacheck-up.

"Ayoko sa ospital." Sabi ni Ashley at kumain na lang, nagbuntong hininga naman si kuya Leon.

"Here, try this." Lahat napatingin kay Raphael nang may iabot siyang gamot kay kuya Leon.

"Ano ito?" Tanong ni kuya habang hawak ang gamot. Napaiwas ng tingin si Raphael nang namumula ang pisngi.

"Binigay ni Allison sa akin, 'yung pangatlo kong kapatid. Para daw madaling mabuntis ang babae, my sister is an ob-gyne." Hindi ko alam na ob-gyne na pala si Allison. Teka parang may kakaiba.

"Bakit meron ka nito?" Tanong ni kuya ulit.

"Eh, sabi niya ibigay ko raw kay Yannie." Kumunot ang noo naming lahat, namumulang nag-iwas naman siya.
Uminom ako ng tubig. "Hindi daw ako pwedeng bumalik ng Maynila nang hindi ko siya kasama. Kapag hindi nadaan sa santong dasalan ay daanin ko sa santong buntisan." Nabuga ko ang tubig na iniinom kaya nabasa ang anak ko.

Narinig ko naman ang nakakairitang tawa ni Ashley kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kakaiba ang kapatid mo, Raphael." Natatawang sabi ni Ashley kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa at pinanlakihan ng mata.

"Yeah, but she didn't know that I have already a son." Sabi ni Raphael at tinulungan niyang si Vinny na ilagay ang isda sa plato nito. Kanina pa kasi inaabot ni Vinny pero hindi niya abot.

"Hindi mo pa nasasabi sa kanila?" Umiling siya sa tanong ko.

"Balak kong sabihin sa kanila kapag pumayag ka na." Kumunot ang noo ko.

"Pumayag na ano?" Tanong ko, napansin kong nalipat na naman sa amin ang atensyon ng lahat kahit si lola at tito ay pinapanood ang pag-uusap namin.

"Pumayag na pakasalan ako." Napaubo ako sa sinabi niya at masamang tingin ang pinukol ko.

"Bakit ako papayag kung hindi ka nag-aaya?" Natikom ko ang bibig ko sa sinabi kaya nakita kong ngumisi siya.

"Do you want me to propose to you? I can do that, right here right now in front of your family. Just say it, Yannie." Umirap ako.

"Asa." Sabi ko at sumubo na ng pagkain. Tumawa naman siya.

"Raphael..." Natahimik siya nang marinig ang seryosong boses ni lola kaya nginisihan ko siya. Umayos siya ng upo at humarap kay lola.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon