Desire 35

258 1 0
                                    

Yannie's POV

Paglabas ng airport sa Legazpi ay sumakay kami sa bus na pinadala ng school para sunduin kami. Kanina ko pa tinatawagan si Ash mula nang bumaba kami ng eroplano pero hindi siya sumasagot. I tried contact kuya Leon but I can't reach him too. Kahit sino sa kanila ay hindi ko matawagan kaya nag-aalala na ako.

"Something's bothering you?" Nilingon ko si Rake na nasa tabi ko dito sa bus. Umiling ako at bumuntong hininga.

"Wala ito, nag-aalala lang ako kasi wala sa kanila ang sumasagot sa tawag ko." Hinawakan ni Rake ang ulo ko.

"Don't worry too much. Maaga pa kaya baka tulog pa sila." Napailing ako. 5 pa lang ng umaga kaya maaga pa talaga.

"Pero nag-aalala talaga ako. Tumawag si Ashley kahapon sa akin at sinabi niyang napatrouble si Vinny." Sabi ko.

"Hindi naman nila pababayaan si Vinny." Tumango na lang ako, may tiwala naman ako sa kanila pero hindi ko lang maalis ang pag-aalala.

Unang beses kong mapalayo sa anak ko tapos may nangyari pa. Parang ayoko na talaga iwan mag-isa ang anak ko.

Nagpababa na ako agad sa bahay namin. Pagpasok sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto namin ni Vinny. Lumapit ako sa kama nang makita ko siyang mahimbing na natutulog. Yakap niya ang paborito niyang life sized human pikachu stuffed toy na bigay ni Rake sa kanya last birthday niya.

Hinawi ko ang buhok niya sa gilid at hinawakan ang maliit na pasa sa gilid ng labi. Ayokong lumaking palaaway ang anak ko pero sinabihan ko siyang huwag magpapabully. Kaya siguro nakipag-away siya.

Alam kong hindi siya mananakit ng walang dahilan. He's almost five years old and yet he needs to be mature dahil wala siyang ama na gumagabay sa kanya.

Humiga ako sa tabi niya at natulog pero nagising ako nang maramdaman kong gumagalaw ang kama.

"Mama, you're here. Gising na po, sabi ni tita Ash kakain na tayo." Sabi niya, nilingon ko ang oras at nakitang 10 na pala ng umaga.

"Good morning, baby. I miss you." Sabi ko at pinupog siya ng halik, napangiti ako nang humagikgik siya.

"Good morning, Mama. I miss you too." Sabi niya kaya binuhat ko na siya at lumabas kami ng kwarto.

Dumiretso kami sa kusina pero napahinto ako nang makita ang isang pamilyar na pigura ng babe na nakatalikod sa akin. Kumunot ang noo ko nang lumingon siya sa akin.

"Good morning, Yannie. Kumain na kayong mag-ina at iyang anak mo ayaw kumain kapag hindi ka raw kasabay." Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Ma'am Inna? Anong pong ginagawa niyo dito?" Bago pa siya makasagot ay may pumasok sa kusina.

"Mom, masarap po itong buko na kinuha ni tito Leon. Hindi kasi makaakyat si Daddy." Nilingon ko ang nagsalita at nagulat nang makita ang katabi ng batang nagsalita.

"Hi, Yannie." Kumaway pa sa akin si sir Lyndon. Muli kong binalik ang tingin sa batang lalaki.

"Lance? Ikaw na ba iyan? Ang laki mo na." Sabi ko habang nakatingin sa batang naguguluhan habang nakatingin sa akin.

"A-anong..." Bago pa ako makapagtanong ay sumulpot bigla si lola.

"Apo, siya ang ate mo. Sabi niya nagkakilala na kayo sa Manila." Binaba ko si Vinny at nanghihinang napaupo.

"Ha? Paano..." Naguguluhan kong tanong. Lumapit si Ma'am Inna at niyakap ako.

"Alam kong naguguluhan ka at maraming tanong pero kumain ka na muna. Marami tayong pag-uusapan." Sabi niya at pinaupo na sa tabi ko si Vinny na sinasandukan niya ng pagkain.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon