Desire 33

207 2 0
                                    

Yannie's POV

Napapikit ako nang maramdaman kong tumabi siya ng tayo sa akin. Pareho kaming tahimik na nakatingin sa madilim na kalangitan. Walang bituin sa langit at malakas din ang hangin kaya sigurado akong uulan ngayon.

"Umalis ako para sa business conference pero pag-uwi ko wala ka na. Alam mo ba ang epekto ng ginawa mo sa akin?" Mahina niyang sabi, hindi ako sumagot.

Naramdaman kong nilingon niya ako hanggang hawakan niya ang balikat ko at iharap sa kanya.

"Alam mo ba ang epekto mo sa akin? Bakit mo ito ginagawa? Karma ko ba ito sa lahat ng babaeng pinaiyak ko?" Nanatili akong tahimik at hindi sumasagot, nanatili akong nakatingin sa mga mata niyang namiss ko. Sa tuwing namimiss ko ang mga mata niya ay tumitingin lang ako sa mata ng anak namin.

Bumuntong hininga siya at napapikit. Binitawan niya ako at tumanaw ulit sa harapan namin. Umayos ako ng tayo bago tumalikod sa kanya.

Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ang braso ko. "Bakit hindi ka magpaliwanag nang hindi ako magmukhang tanga? Yannie, pigilan mo ako sa anumang plano ko."

Pumiksi ako sa kanya at naglakad na paalis pero nang bubuksan ko na ang pinto ay hindi ito mabuksan. Naramdaman ko ang paglapit niya kaya lumayo ako ng kaunti. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero mukhang nalock kami.

Kinuha ko ang phone ko at tatawagan na sana si Rake pero lowbatt na pala ako. Nilingon ko siya pero malamig lang ang tingin niya.

"I don't bring my phone. Hawak ni Chris." Hanggang ngayon pa rin pala ay si Chris pa rin ang assistant niya.

Napabuntong hininga ako at babalik sana sa kanina naming pwesto nang bumuhos ang ulan. Napapikit ako, bakit ngayon lang kami nagkausap ay minalas pa ako?

"Yannie, can you just talk to me?" Ramdam ko ang pagsusumamo sa kanya pero ayoko. Ayokong magpadala, limang taon na ang nakalipas pero natatakot pa rin ako.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan. We're done five years ago." Sabi ko, pumunta ako sa silong at naupo.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatingin sa lugar na inalisan ko. Pumikit ako at hiniling na sana ay bumilis ang oras. I don't want to stuck with him anymore.

"We're not done yet. You leave me and you don't give your explanation to me. Technically, we're not done. I'm still your husband and you're still my wife." Napadilat ako sa sinabi niya at kumunot ang noo.

"I signed an annulment papers. We're not married anymore." Ngumisi siya at namulsang pumunta sa opposite direction kung nasaan ako. Siya naman ang hindi sumagot ngayon.

Nanatili kaming tahimik ng ilang oras hanggang makaramdam ako ng antok.

*****

Nagising ako kinabukasan nang may kumatok sa pinto ng rooftop. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko kung saan nakapatong ang ulo ko. Nilingon ko si Raphael na nakapikit pa rin.

Dahan-dahan akong tumayo at tiningnan siyang nakasandal sa pader sa likod namin. Lumapit ako sa may pinto at nang bumukas ito ay nagulat ako nang yakapin ako ni Rake.

Napatingin ako kay Raphael na diretso lang ang tingin sa amin. Wala akong mabakas na anumang emosyon mula sa mga mata niya.

"Yannie, I'm worried. I thought something happen to you then we saw you in CCTV." Nagulat ako sa narinig. Nakita nilang binuhat ako ni Raphael sa elevator?

"I'm fine, Rake." Sagot ko, hinubad niya ang suot na jacket at sa akin niya sinuot.

"You're cold, akala ko kung saan ka na dinala ni Mr. Villacorta." Sabi niya at nilingon pa niya si Raphael na kausap na ng staff ng hotel.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon