Yannie's POV
"Raphael, I'm dying." Natahimik sa buong lamesa dahil sa sinabi ko. Maging ang mga instrument na tumutugtog ay huminto.
"W-what? What are you saying?" Hinawakan ko ang pisngi niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Before you say anything, I want you to know that I have a bad condition." Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"A-anong sakit mo? Bakit di mo sinabi?" Tanong ni Raphael at nakita kong kagaya ko ay lumuluha na rin siya.
Tumingin ako sa lahat ng narito sa lamesa.
"I have a cardiomyopathy syndrome like my mother. 'Yun ang kinamatay niya. Nalaman ko ito nang mapag-alaman kong buntis ako. My doctor's advice was to stop the pregnancy but I refuse. My child is the only one that left with me from yours. When I learned about my pregnancy, I swear that I want to run with you and forget all of my fear but the doctor said about my condition then I'm scared once again. Pinilit kong ilaban ang pagbubuntis kahit ilang beses nang sinabi ng doctor na mamamatay ako at baka hindi ko na kayanin. Pero hindi ako nagpatinag at tinuloy ang pagbubuntis ko hanggang dumating ang araw na napaaga ang paglabor ko kay Vinny.
"He's just seven months when I gave birth to him and he's blue. Before siyang lumabas sa tiyan ko ay pinapili ng doctor si tito at lola sa pagitan namin ni baby at siyempre ako ang pinili nila pero nagmakaawa akong piliin si baby. Ginawa ng mga doctor lahat ng makakaya nila kaya naligtas kami pero tatlong buwan akong comatose. Nang magising ako ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko nang makita ko si Vinny." Pinunasan ko ang luha ni Raphael at nakikita ko ang pagsisisi sa kanya.
"Nagdesisyon akong pumuntang Manila dahil sinabi ni lola na kailangan namin ni baby ng tulong ng kanyang ama. Pagpunta ko sa penthouse mo ay wala ka at nang pumunta ako sa company niyo ay sinabing nagpunta kayo sa Denmark na magkakapatid kaya umuwi na lang akong Sorsogon. Lumalala na ang sakit ko ngayon at madalas ay hindi ako makahinga. Hirap din akong makatulog dahil nahihirapan ako kapag nakahiga. Ang sabi ng doctor ko noon ay kailangan ko ng heart transplant pero tumanggi ako dahil natakot ako.
"Namatay si Mama matapos niyang magpaheart transplant. Natakot akong baka mapadali ang buhay ko. Kapag ganun paano na si Vinny? Ayoko siya iwan mag-isa. Pero bigla kang bumalik sa buhay ko, sa buhay naming mag-ina. Naisip kong pwede ko nang iwan sa'yo si Vinny at alam kong mamahalin mo siya, hindi mo hahayaang lumaki siyang katulad ko. Naghahangad ng pagmamahal na matagal na pinagkait sa akin." Sabi ko at napaluha lalo nang halikan niya ako.
"No, lalaban ka at hindi mo kami iiwan ni Vinny. I'm sorry that you suffer alone for all of this. I promised that I will stay with you and I will never leave you. I'm sorry, my wife." Umiling ako at niyakap siya.
Humiwalay ako sa kanya at hinawakan ang dibdib ko na nagsisimula na namang sumikip. Hirap din akong huminga at kinakapos kaya napakapit ako kay Raphael nang madiin.
"Wife? What's wrong?" Tanong niya sa akin.
"I should call your doctor in Manila." Rinig kong sabi ni tito Leo at nakita kong nataranta na silang lahat.
Ilang beses na tawag sa pangalan ko at ang iyak ni Raphael ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.
*****
Raphael's POV
Nag-angat ako ng tingin nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Allison na may tipid na ngiti.
"Kumain ka na muna, hindi ka pa ba uuwi? Hinahanap ka na ng anak mo, kuya." Sabi niya kaya bumuntong hininga ako at muling tiningnan ang asawa kong parang mahimbing lang na natutulog.
"Allison, sa tingin mo ba ay gigising pa siya?" Tanong ko.
"Oo naman, hindi niya kayo iiwan ni Vinny kaya alam kong gigising din siya." She smiled to assure me.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...