Desire 46

238 2 0
                                    

Yannie's POV

Pumasok kami sa kwarto na pinanggalingan namin kanina. Naupo ako pero nanatili silang nakatayo kaya tiningnan ko sila. Nagulat ako nang hawakan ni tita Cynthia ang kamay ko at lumuhod, ganun din ang ginawa ni Cindy.

"Tita, anong ginagawa niyo?" Pinatayo ko sila.

"Yannie, humihingi kami ng tawad sa lahat ng nagawa naming mag-ina sa'yo. Malaki ang ambag namin sa paghihirap mo." Panimula ni tita Cynthia pero umiling ako.

"Tita, you don't need to say sorry. Bago pa kayo humingi ng tawad ay pinatawad ko na kayo." Sabi ko, nagulat ako nang makitang lumuha siya.

"Tama nga si Raphael, napakabuti mo at napakapuro ng puso mo. Bakit mas nakita pa niya ito kaysa sa amin na nakasama mo ng ilang taon? Masyado lang siguro akong nainsecure dahil alam kong kahit patay na ang Mama mo ay siya pa rin ang nasa puso ni Mario." Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"S-sinabi po ni Raphael?" Tumango siya.

"Mula nang umalis ka, hindi pumalya ng dalaw si Raphael sa bahay. Kahit alam niyang hindi kami naging mabuti sa'yo ay patuloy niyang binantayan ang Papa mo. Tumutulong siya sa bahay kapag wala siyang trabaho, nagbabakasakali na uuwi ka din daw. Matagal nang alam ni Raphael kung saan ka mahahanap pero hindi ka niya pinuntahan. Ayaw ka niyang pilitin at gusto niyang ikaw lang ang umuwi ng kusa kapag handa ka na." Natulala ako sa narinig.

Hinawakan ni Cindy ang kamay ko kaya sa kanya naman ako napatingin. "Napakaswerte mo sa taong minahal, Yannie." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Alam ko, Cindy. Alam ko." Nakangiti kong sabi kaya ngumiti rin siya.

"Naalala mo ba nung mga panahong nalalaman ko kapag may bigay sa'yong alahas si Cedrick?" Tumango ako.

"Bakit nga ba?"

"Si Marjorie, 'yung bestfriend mo nung highschool. Siya ang nagsasabi sa akin at sabi niya ay kunin ko raw iyon. Doon pa lang ay alam ko na may relasyon sila." Kumuyom ang kamao ko pero ngumiti rin kalaunan.

"Hayaan mo na iyon, wala na akong pakialam sa kanila." Natawa siya sa sinabi ko at tumango rin.

"Yeah, bagay sila. Parehong traydor." Natawa na rin ako at nagyakap kami. Sinama na rin namin sa yakap si tita Cynthia.

"Huwag mo nang iiwan ulit si Raphael at 'wag na kayong maghihiwalay, iha." Ngumiti ako at tumango.

Matapos nang pag-uusap namin ay lumabas na kami. Masaya ako na naging maayos na kami at alam kong masaya na si Papa.

"Are you okay?" Nilingon ko si Raphael na naglapag ng pagkain sa harap ko.

"Si Vinny?" Tanong ko.

"Pinakain ko na at pinatulog." Tumango lang ako at nagsimula nang kumain.

"Pasensya na at hindi ko na kayo naasikaso ni Vinny. Naging abala ako." Umiling siya at umupo sa tabi ko.

"We understand you and you don't need to think about us, we're okay. Ako na muna ang bahala kay Vinny at ako ang mag-aalaga sa'yo." Napangiti ako at sumandal sa tabi niya.

*****

Hindi na namin pinatagal ang libing at makalipas ng tatlong araw ay nilibing na siya kung saan din nakalibing ang tatay niya na dating Vice Chairman din na si lolo Gregorio.

Nagulat pa nga kami nang makita ang maraming taong nakipaglibing. Ang sabi ni Raphael ay mga miyembro daw sila ng Elite Society na sumusuporta sa dating Chairman at Vice Chairman.

Napatingin ako sa kalangitan na dumidilim dahil sa nagbabantang pag-ulan. Napangiti ako at napapikit.

'Mama, Papa, masaya na po ba kayo diyan? Masaya na po ako kaya huwag niyo na akong alalahanin.'

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon