Marianne's POV
"Let's date." Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Hindi siya nagtatanong to ask for permission, it's like a command.
"Baliw ka ba? Alam mong may boyfriend ako." Hindi makapaniwala kong tanong.
"Alam ko, tarant*do nga lang." Sabi niya kaya kumuyom ang kamao ko.
"Hindi mo siya kilala kaya mo nasasabi iyan. Mabait siyang tao at maalaga." Sabi ko, hindi talaga ganun si Cedrick sa akin nang makilala ko siya. Nagbago lang siya 2 months ago sa hindi malamang dahilan.
Ngumisi siya. "Nakakabulag pala talaga ang pag-ibig? Kaya ayoko maging biktima niyan. Nakakabaliw. Believe me, I know him more than you do. I know him for years before you met him." Sabi niya at uminom ng whiskey niya na nasa baso.
"Ano ang alam mo sa kanya? Isa ka lang din sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manghusga." Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.
"Oh dear, baka iwanan mo siya kapag nalaman mo kung anong klaseng tao ang lalaking mahal mo at ang kanyang pamilya." Sabi niya at naglapag ng pera sa bar counter bago umalis.
Nanghina bigla ang tuhod ko sa iniwan niyang salita. Lumapit si Shane sa akin at kinalabit ako.
"Ayos ka lang?" Tumango ako. "Day-off natin bukas kaya samahan mo naman ako." Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Samahan? Saan?" Ngumiti siya.
"Birthday ng pamangkin ko at gusto ko sana bumili muna ng ireregalo sa kanya." Ngumiti ako at tumango.
"Okay sige, wala naman akong gagawin."
"Yay, sure 'yan ah?" Tumango ako kaya bumalik na kami sa trabaho.
Matapos ang shift ay nagpaalam na ako sa mga katrabaho ko. Napahinto ako nang tawagin ako ni Shane.
"Yan, may sundo ka ba?" Tanong niya, nilibot ko ang tingin sa paligid at nanlumo nang hindi ko makita ang kotse niya. Siguradong hindi niya ako susunduin dahil ayaw niya akong magtrabaho dito.
"Wala yata." Umirap siya.
"Siyempre wala, bugbog sarado ang boylet mo. Ewan ko na lang kung may mukha pang ihaharap ang taong iyon sa Western. Pahiya siya sa kayabangan niya." Nilingon ko si Shane.
"Ano ba talaga ang nangyari kanina?" Tanong ko.
"Ganito kasi iyan, naunang dunating si sir Raphael at pumasok sila sa office ni sir Lyndon pero lumabas din agad sila. Naupo sila sa isa sa mga table at uminom pareho, nagtaka nga ako bakit hindi sila sa vip uminom. At ayun na nga, dumating ang boylet mo na madilim ang mukha. Mukhang galit at nagulat ang lahat ng lumapit siya kina sir Raphael at bigla itong sinuntok. Sa pagkakarinig ko ay matagal nang may away ang dalawa at maging ang pamilya nila. Pinipilit ni Cedrick na ibalik ni sir Raphael ang property nila na pinatalo ng lolo niya sa sugal." Hindi ko inaasahan ang nalaman.
Akala ko mababaw lang ang dahilan dahil ganun naman ang mga lalaki. Mahilig sila magpataasan ng pride kapag nag-aaway. Pero ang dahil sa mga pamilya nila na matagal nang may lamat? That was absurd.
Naglakad na kami ni Shane papuntang sakayan ng jeep. Panay ang kwento niya pero lutang na ako. Inaantok na ako dahil maaga ako gumising kahapon at 5 am na. Mahirap ang buhay ng night shift pero no choice dahil kailangan magtrabaho para sa pamilya.
"Girl, inaantok na ko." Sabi ni Shane na humilig na sa balikat ko. Kanina lang ay panay ang kwento niya, ngayon mukhang napagod na. Napailing na lang ako.
Naunang bumaba si Shane dahil mas malapit siya. Nang makababa ako ay nagulat ako nang makita kung sino ang nasa tapat ng apartment ko.
"Marjorie? Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa nakauwi?" Sunod-sunod na tanong ko at binuksan ang pinto ng apartment ko.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romansa"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...