Desire 11

261 3 0
                                    

Yannie's POV

"Yannie, pinapatawag ka ni boss sa office niya." Napalingon ako kay Jacob, tumango ako bago naglakad papuntang opisina ni boss.

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Nagulat pa ako nang makita si Raphael na nakaupo sa sofa habang nakadekwatro.

"Yannie, sit down." Naupo ako sa tabi ni Raphael dahil iyon ang sinenyas ng boss ko.

Nakita ko pang nilock ni sir Lyndon ang pinto bago umupo sa tapat namin.

"May sasabihin kayo, boss?" Tanong ko, huminga muna siya ng malalim.

"May nakausap na akong abogado na mag-aayos ng kaso niyo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mapapawalang bisa na ba ang kasal-kasalan na nangyari?" Hopeful na tanong ko, nanatiling tahimik ang katabi ko kaya pinakiramdaman ko ang reaksyon niya.

"Yes, possible that your marriage will be null but the thing is..." Bigla akong kinabahan sa idudugtong niya. "Aabot ng two months." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh? Two months pa? Boss, hindi ba pwedeng mapabilis? That marriage is a mistake in the first place. We were drunk, hindi ba sapat na grounds iyon for annullment?" Tanong ko, umiling si sir Lyndon.

"Yes, consider as grounds na lasing kayo pero mahirap ang annulment sa Pilipinas. Hindi ito katulad nang divorce sa ibang bansa na kapag natanggap ang papel at isang pirma ay hiwalay agad. Marriage is sacred in our country at hindi sila basta nag-aaprove. We just need to prove to them that there isn't love between the two of you." Umayos ako ng upo at bahagyang lumingon sa katabi ko.

"Madali lang iyan, we really not loved each other. Ilang linggo pa lang kami nagkakilala. We're strangers to each other." Confident na sabi ko, nakita kong napatingin si sir Lyndon kay Raphael na tahimik lang.

"Lyndon I want to talk to that lawyer. Kakausapin ko siya na bilisan ang proseso ng annulment. I don't want to stuck in this d*mn marriage. I love my life with no commitment." Malamig na sabi niya at tumayo na para lumabas.

"Nagdinner na ba iyon?" Tanong ni boss habang nakalingon pa rin sa pintong nilabasan ni Raphael.

"Huh? Bakit, sir?" Tanong ko kaya humarap siya sa akin at bahagyang napapailing.

"Nothing, nagpunta siya dito kara ayain akong magdinner tapos biglang lumabas. Inaatake na naman ng pagiging lonely man ang taong iyon." Sabi niya at hinarap na ang maraming folder na nakalagay sa table niya.

"Lonely man?" Kunot noong tanong ko.

"He's always like that. He always distant himself from others at sanay siyang mag-isa. Ewan ko ba sa kanya kung bakit kailangan niya pang magtayo ng pader kahit sa aming mga kaibigan niya ay ganun siya. He can't open to others except for his sisters."

"Sige po, sir. Salamat po, mauna na po ako." Sabi ko at tumayo na. Lumabas ako ng opisina at hinanap si Raphael.

Nilapitan ko si Shane na naghahalo ng alak sa bar counter.

"Shane, nakita mo si Raph- I mean sir Raphael?" Tanong ko.

"Si sir Raphael? Ayun oh, kaoorder lang ng alak." Sabi ni Shane at may tinuro sa di kalayuan.

"Mukhang masama ang araw niya." Napalingon ako kay Jacob.

"Masama? Anong ibig mong sabihin?" Nagkibit balikat siya.

"Pagdating niya kanina ay pinaglinis ako sa office ni boss. Nakita ko ring dumudugo ang kamay niya at ang mga basag na baso sa sahig. Namumula rin siya sa galit pero mukhang hindi naman si boss ang kaaway niya dahil ito pa ang nga ang nakapagpakalma sa kanya." Iniwan ko na ng dalawa at mabilis lang nilapitan si Raphael.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon