Yannie's POV
"One bottle of tequila with ice bucket." Sabi ko at nilapag kay Shane ang order.
"Alam mo, ilang araw ko nang napapansin na bad mood ka. May nahanap na akong apartment. Mura lang ang downpayment at mukhang maganda. You want to try?" Sabi niya kaya tumango na lang ako at sinandal ang ulo sa bar counter.
"Salamat." Mahina kong sabi.
"Ano ba talaga nangyari sa tinitirhan mo? Hindi mo pa nga ako iniinvite, aalis ka na agad? Hindi mo nakasundo ang landlady?" Tumango ako.
"Parang ganun na nga." Napahawak ako sa ulo ko. "Ang sakit talaga ng ulo ko."
"Inuman mo agad ang gamot. Teka, malapit na pala ang birthday mo. Anong plano?" Tanong niya kaya umayos ako ng upo. Bigla kong naalala na next week na ang birthday ko.
"Ipapasara namin ang Western ulit." Nilingon namin si Ma'am Inna.
"Mam, nakakahiya naman po. Hindi na po kailangan, wala rin po ako sa mood magcelebrate." Sagot ko.
"Okay, we respect your decision but we're here to help you." Ngumiti lang ako at tumango, nagpaalam na siya dahil uuwi na raw siya.
"Bakit ayaw mo ng celebration? Kahit simpleng inuman lang, nagtatrabaho tayo sa bar pero hindi man lang natin matikman ang mga alak na tinitimpla ko." Tumawa lang ako sa sinabi niya.
"Jacob, saan ka galing?" Tanong ko at kinuha na ang tequila na inabot ng isang kasamahan ko.
"Sa room 12, may babae yata si Sir Raphael dahil ayaw daw paistorbo. Kasama kasi ako ni sir Lyndon para sana icheck siya pero nagalit." Nakangusong sabi ni Jacob. Napahigpit ang hawak ko sa tray at naglakad na ako para dalhin ang order sa customer.
Tinawag ako ni Sir Lyndon at sinabing dalhin ko ang documents kay Raphael. Tiningnan ko lang ang hawak kong documents kaya nagtaka siya.
"May problema ba, Yannie?" Tanong niya, umiling ako.
"May kasama po siyang babae, hindi po ba ay ayaw niyang naiistorbo?" Napapikit siya.
"I forgot, mamaya na lang." Sabi niya at aalis na sana nang may maalala siya. "Yannie, are you okay?" Bulong niya sa akin.
"Oo naman, sir. Bakit niyo natanong?" Umiling siya.
"You're his wife. Kung tutuusin ay karapatan mong pigilan siya." Natawa ako.
"Sir, may usapan naman kami. Hindi kami kinasal dahil mahal namin ang isa't isa. Nag-usap kami na gagawin namin ang ginagawa namin bago mangyari ang lahat." Mahina kong sabi kahit nasa office niya kami.
"Pero hindi na siya nambabae mula nang ikasal kayo. Ngayon na lang ulit, may nangyari ba? Nag-away ba kayo?" Tanong niya pa pero umiling ako.
"Hindi po kami totoong mag-asawa para mag-away." Sabi ko at tumayo na, yumuko muna ako bilang pamamaalam bago lumabas.
*****
Lumipas ang ilang araw at lagi na lang siyang may kasamang iba't ibang babae sa room 12. Pinili ko na lang ipagkibit balikat ang mga naririnig ko sa mga kasama ko. Sabi kasi nila mas lumala daw ang pambabae ni Raphael.
Kung dati ay twice a week, ngayon daw ay araw-araw na iba't ibang babae. Hindi ko rin siya pinapansin sa tuwing nasa penthouse kami, which is madali lang dahil hindi naman nagtutugma ang oras ng trabaho namin. Nakita ko na ang apartment na sinasabi ni Shane at maganda naman. Medyo maliit lang pero okay na rin dahil ako at ang pusa ko lang naman ang titira.
Aaminin ko pagkatapos ng pagpunta namin sa mansyon nila sa Tagaytay ay may nabago na sa amin. Hindi ko alam kung ano dahil hindi naman kami nagsasama bilang totoong mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...