Yannie's POV
Napalingon ako kay Raphael nang halikan niya ang likod ng palad ko. Ngumiti siya.
"Chris, can we go home? I want to solo my wife." Natawa si Chris.
"Boss, hindi po pwede. Narito po ang parents niyo at ang lola niyo. They're expecting you and this is a big event." Sabi ni Chris at bumaba na siya para pagbuksan kami ng pinto.
Natawa ako nang nakanguso si Raphael habang bumaba kami ng kotse. Panay din ang bulong niya.
"Raphael, stop being childish. We're here for your company and for your family." Sabi ko sa kanya pero hinawakan lang niya ako sa bewang.
"Why my wife is so beautiful?" Napailing na lang ako habang nakangiti. He's so cute and adorable.
Nagsimula na kaming maglakad habang nakahawak ang kamay ko sa braso niya sa red carpet at bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ang maraming reporters. Napahinto ako sa paglalakad kaya nagtatakang tumingin siya sa akin.
"Why?" Tanong niya.
"Maraming reporters." Mahina kong sabi, introvert ako at halata naman sa kaunti lang ang kaibigan ko. Achievements nang maituturing na nakapagtrabaho ako sa Western. Pero hindi ang pagiging introverts ko ang problema.
"Yes, why? Don't worry, I'm here." Sabi niya pero umiling ako.
"Hindi pa alam ng pamilya ko na nagpakasal ako." Kinakabahan kong sabi, naramdaman kong bahagya niyang pinisil ang kamay ko.
"Don't worry, I'll talk to your family." Ilang beses akong umiling habang may bakas ng takot sa mga mata ko.
"Hindi mo naiiintindihan, hindi maganda ang mangyayari kapag nalaman nila ito." Alam ko at sigurado ako na gulo lang ang dala nito.
"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong dahil na rin sa reaksyon ko.
"Sir, bakit daw po hindi pa kayo naglalakad? They are waiting po." Lumapit ang isang babe sa amin, nilingon ako ni Raphael.
"Tell me what do you want to do. We can go to another door." Sabi niya sa akin, huminga ako ng malalim at diretso ang tingin sa harap kung nasaan ang maraming reporter ang nag-aabang.
"Nandito na tayo kaya lumakad na tayo." Sabi ko.
"Are you sure?" Tumango ako kaya nagsimula na kaming maglakad sa mahabang red carpet.
Nakakasilaw na ilaw mula sa mga camera ang tanging nakikita ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng pamilya ko pero alam kong hindi habang buhay na ililihim ko sa kanila na napakasal ako sa isang Villacorta.
"Villacorta ang sumira sa pamilya natin. Iwasan mo sila lalo na si Rainier Villacorta." Naalala kong laging sinasabi ni Papa sa akin, napailing ako.
Huminto kami ng paglalakad nang nasa gitna kami para sa pictorial. Matapos ay pumasok na kami sa loob. Nakita namin si Alliana na may kausap. Ang ganda niya sa suot niyang ocean blue gown. Lumingon siya sa amin at lumapit.
"Kuya, you're here. Hi, Yannie." Ngumiti ako at bumati rin sa kanya. Naglakad na kami papunta raw sa lamesa kung nasaan ang pamilya nila.
Nakita ko ang mga magulang ni Raphael pati ang lola niya at mga kapatid. Ngumiti sa akin ang daddy niya pero ni hindi ako nilingon ng mommy niya. Lumapit kami sa lola niya at nagbigay galang. Umupo na kami nang may pumunta sa harap ng stage.
Naglapag ng white wine si Raphael sa harap ko na kinuha niya sa dumaang waiter. Bumulong ako sa kanya.
"Wala akong balak uminom." Sabi ko, bumulong din siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...