Yannie's POV
Pagkagising ko ay nasilaw pa ako ng bahagya sa liwanag na pumapasok sa kwarto. Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa may tiyan ko. Tiningnan ko ang katabi ko at nagulat nang makitang nakayakap sa akin si Raphael habang nakaunan ako sa braso niya.
Bumangon ako ng dahan-dahan at naghilamos. Matapos ay lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko pa si Jinjin na agad na nagkiskis ng ulo sa binti ko. Binuhat ko siya at naglakad na ako papuntang kusina para magluto.
Nagulat pa ako nang maabutan ang mga kapatid ni Raphael na naghaharutan.
"Good morning!" Sabay sabay nilang bati nang makita ako. Ngumiti lang ako.
"Good morning..." Bati ko rin pabalik at naglakad palapit sa kanila.
"Binigyan namin ng pagkain ang alaga niyo pero ayaw niyang kumain." Sabi ni Alliana, nilingon ko ang pet bowl sa lapag na may lamang pagkain.
Binaba ko si Jinjin sa pet bowl at kusa na siyang kumain. Nagulat ang magkakapatid sa nangyari at natawa na lang.
"Bakit ang arte niya?" Natatawang tanong ni Allison kaya natawa na rin ako.
"Wala lang siya tiwala sa ibang tao. Pasensya na dahil tinuruan ko siyang huwag tumanggap ng bigay ng iba. Minsan kasi may nabalitaan akong nilalason daw ang mga pusa at nilalagay sa pagkain nila kaya tinuruan ko siya." Sabi ko, pero bigla rin ako napaisip.
Kung hindi niya kinain ang bigay ng magkakapatud dahil wala ako pero bakit niya kinain ang binigay ni Raphael? May tiwala siya kay Raphael o may tiwala siya sa akin na may tiwala ako kay Raphael.
Natawa sila. "Wow, natuturuan niyo po siya?" Manghang tanong ni Alliyah. Ngumiti ako at tumango, hinawakan ko siya sa pisngi. Napansin ko ang hawak niyang stuffed toy na pikachu.
"Para sa'yo pala niya binili iyan?" Tanong ko kaya lumingon siya sa akin.
"Alam mo iyan?" Tanong ni Alliana, tumango ako.
"Nakita kong binili niya iyan." Sagot ko.
"Yannie, gaano na kayo katagal ni kuya bago nagpakasal? Kasi nung huli namin siyang kinausap tungkol sa pagpapakasal niya ay sigurado kaming ayaw niya sa commitment. Kayo na ba noon at wala siyang balak pakasalan ka dapat? Anong nangyari? Hindi sa nakikialam kami but what changed his mind?" Nagulat ako sa sunod-sunod natanong ni Allison, akala ko hindi sila nagtataka kaya hindi rin sila nagtanong.
"Hindi naging kami." Pag-amin ko kaya nagtataka silang tumingin sa akin. I want to tell them the truth but I know na magagalit si Raphael o ang pamilya niya sa amin.
"Huh? Anong hindi naging kayo? Bigla lang kayong nagpakasal? Weird." Tanong ni Alliana.
"Yannie, our brother is afraid of commitment and the word marriage. Lagi niyang iniiwasan ang salitang 'yan. So, why would he marry you all of a sudden at biglaan pa na hindi niya man lang pinaalam sa amin?" Tanong pa ni Alliana kaya natahimik ako, hindi ko alam kung paano sila sagutin.
"Because it was accidentally happened." Napalingon kami sa nagsalita. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako sa likod kaya naestatwa ako.
"Huh? Accidentally? What do you mean, kuya?" Tanong pa ni Allison, bakit nga ba pinili pa namin ni Raphael na magsinungaling sa mga kapatid niya?
Matatalino sila dahil obvious naman sa propesyon ng dalawa niyang kapatid. Isang abogado at isang doktor kaya alam kong magtataka talaga sila.
"We were not planning to get married in the first place. We were friends but then I have the urge to married her. I have a sense of responsibility and when I knew her problem, I volunteer myself. I don't want her to be married to others." Kumunot ang noo ko, parang half truth ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...