Yannie's POV
"Wow, ang ganda." Napangiti ako sa sinabi ni Vinny at tatakbo na sana sa dagat nang pigilan ko siya.
"Didn't I told you that you can't go to the ocean without an adult? Malalim ang dagat at hindi katulad sa pool." Paalala ko sa kanya kaya ngumuso siya at tumango.
Pumunta kami sa lobby ng hotel ng resort para kunin ang susi ng kwartong pinareserve namin. Tatlong araw kami dito at mamaya ay darating ang pamilya ni Raphael kaya kinakabahan ako. Pupunta rin sila ate at ang pamilya niya mamaya.
Pagpasok sa kwarto ay nagtatalon na sa kama si Vinny kaya naiiling na pinatong ko na lang ang gamit namin sa couch. Naupo ako at pumikit bago ko marinig ang pagbukas ng pinto. Dumilat ako at nakitang pumasok si Raphael.
Nataranta akong tumakbo kay Vinny nang makita ko kung paano siya muntik na tumalon sa kama. Maliit pa siya at hindi niya pa abot ang kama para talunan. Natawa naman si Raphael at binuhat ang anak bago guluhin ang buhok nito.
"Stop making your mother worry. Sinabi ko na sa'yo diba na aalagaan mo siya at huwag bibigyan ng stress?" Nakangusong tumango si Vinny sa sinabi ng ama. Inirapan ko sila.
Iisa lang ang hotel room naming tatlo dahil iyon pala ang pinareserve ni Ashley. If I know na sinadya niya iyon.
"Anong oras ang flight ng family mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalaro sila ni Vinny sa kama at ako naman ay inaayos ang gamit namin.
Kumuha na ako ng damit na bibihisan namin dahil alam kong gusto nang magswimming ni Vinny.
"12 ng tanghali ay baka narito na sila. Kasabay na yata nila sila Lyndon." Hininto ko ang pag-aayos ng damit ni Vinny at humarap sa kanya.
"Anong reaksyon nila nang malaman nila ang tungkol kay Ate Inna?" Tanong ko. Nalaman ko sa kanya na nalaman lang nila ang totoo dahil sa private investigator.
"Nagulat siyempre, hindi raw nila akalain na ang nawawala naming kapatid ay matagal na pala namin nakakasama at asawa pa ng bestfriend ko." Napangiti ako sa narinig.
"Eh, ang mommy mo? How could she accept that?" Tanong ko, umayos siya ng upo at hinayaan na si Vinny na naglalaro ng mga toy car.
"Sa umpisa ay mahirap pero hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya ngayon? Simula nang mamatay si Daddy ay alam kong sinusubukan niyang bumawi sa amin dahil naging busy sila ni Dad. Pero alam kong mas lalo siyang lumayo sa amin. Kinocomfort niya kami if we need her but she didn't say if she needs us. Parang mahirap na siyang basahin at intindihin kahit sabihin ni lola na unawain namin si Mom. Hanggang mamatay si dad, alam kong bangungot pa rin sa kanya ang naging kasalanan nito kaya hindi ko maintindihan kung tanggap niya ba si Inna o galit pa rin siya." Nagbuntong hininga ako.
I guess oobserbahan ko na lang sila dito. But I think they were civil dahil kung hindi bakit sila magkakasama pupunta dito?
"Don't worry about them. I made a promise that our son's birthday will not be ruin." Ngumiti lang ako.
*****
"Huwag kang lalayo kay Papa, huh? Behave at mag-iingat." Paulit-ulit kong bilin kay Vinny habang sinusuot ang salbabida sa kanya.
Wala naman siya ibang ginawa kundi ang humagikgik dahil pinalaliguan ko siya ng halik sa mukha. Natatawang lumapit si Raphael at kumuha ng hotdog sa grilling pan. Inabot niya ang hotdog na nakastick kay Vinny.
"Don't worry, ako na ang bahala." Sabi niya at nilagay sa batok niya si Vinny na kumakain ng hotdog.
Napailing na lang ako habang tinatanaw silang magpunta sa dagat. As long as I want to join them, I can't. Kailangan pa namin magluto dito sa cottage na nirentahan namin para mamaya sa party ni Vinny. Nagpumilit kasi si Vinny na gusto na raw niyang magswimming.
![](https://img.wattpad.com/cover/337186432-288-k881337.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...