Desire 17

244 2 0
                                    

Yannie's POV

Pagsakay sa kotse niya ay agad ko siyang nilingon. Sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Secret." Kumindat pa siya sa akin kaya napairap ako at sumandal na lang.

Matapos ang isa't kalahating oras na biyahe ay huminto kami sa malaking itim na gate. May nakalagay sa itaas ng 'Villacorta Mansion'. Nilingon ko si Raphael pero seryoso lang siya kausapin ang guard.

Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin sa labas. Nagsimula nang umandar ang kotse at binabagtas namin ang malawak na lupain. Maraming puno at napakalawak ng field.

Hindi ko alam kung nasaan kami basta ang alam ko ay wala na kami sa Manila.

"Saang lugar ito?" Tanong ko.

"Pumasok tayo sa Tagaytay, 'di mo napansin?" Sabi niya kaya napatango na lang ako. Hindi ko yata napansin ang dinaanan namin.

Kalahating oras pa ang naging biyahe nang huminto kami sa isang malaking malapalasyong mansyon. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Napanganga ako habang nakatingin sa malaking mansyon sa harap. Nagulat pa ako nang makita ang paghilera ng maraming kasambahay sa labas. Sabay-sabay silang yumuko sa amin.

"Welcome home, Young Master." Sabi nila, nilingon ko si Raphael pero seryoso lang ang tingin niya. Inabot niya ang susi sa isang driver yata base sa uniform at pumasok na kami.

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda. Kung maganda sa labas ay higit naman ang ganda sa loob. Kung titingnan mo sa labas ay mukhang makalumang mansyon pero sa loob ay may pagka modern vintage.

White ang interior ng bahay at napakaganda talaga. Nakakarelax ang ambiance.

"Sino nagdesign ng bahay?" Bulong ko sa kanya.

"My mom, she is an interior designer." Napawow na lang ako.

"Kuya, right timing ka talaga." Biglang lumapit si Allison sa amin.

"Bakit?"

"Mom and Dad is in dining, they already know everything." Sabi ni Allison kaya nagkatinginan kami ni Raphael at hinawakan niya ang kamay ko.

Bigla akong kinabahan, biglaan niya akong dinala dito at hindi man lang ako nakapaghanda. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami papuntang dining. Nakasunod naman si Allison sa amin.

"Where is Alliana?" Tanong ni Raphael kay Allison.

"Pagkatapos ng meeting kanina, nagpaalam siyang may hearing daw siya." Sagot ni Allison.

Pagdating sa dining nila ay naabutan namin ang sa tingin ko ay magulang niya kasama si Alliyah.

"Dad..." Sabi ni Raphael at bumitaw sa akin para lumapit sa lalaking nakaupo sa wheelchair. Kahit payat ay halata ang pagkakahawig nila ni Raphael.

Lumuhod si Raphael at niyakap ang ama. Ngumiti naman ito habang tinatapik ang likod niya. Napansin ko rin ang pasimpleng pagpahid ng mommy niya habang iwas ang tingin. Dahil sa pag-iwas niya ng tingin ay nasalubong niya ang akin.

"Tahan na, anak. I'm still alive, man shouldn't cry in front of his girl." Nagulat ako sa sinabi niya lalo na nang tingnan din niya ako.

Ang mommy naman ni Raphael ay hindi natinag at nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko malaman ang nasa isip niya dahil malamig at seryoso lang ito. It looks like sa kanya nagmana si Raphael.

"Madam, Master Rain, handa na po ang hapunan." Sabi ng isang matandang lumapit. Tumango ang mag-asawa kaya muli itong tumalikod at bumalik ng kusina yata.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon