Desire 22

239 4 0
                                    

Yannie's POV

Kumaway na lang si Alliyah habang papasok siya sa loob ng sped center na pinapasukan niya. Ngumiti ako at kumaway din hanggang sa makapasok na siya sa loob ng center. Sumandal ako sa upuan nang paandarin na ni Raphael ang kotse niya.

"May pasok ka mamaya?" Tumango ako at pumikit, napadilat ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Are you okay? Is there a problem?" Huminga siya ng malalim. "Ask me anything and I will try to answer it." Sabi niya pero hindi ako nagsalita.

Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin, nalilito ako. Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Buhay si Elle? Si Elle na ex ni Cedrick at Raphael. Ang babaeng dahilan ng matinding hidwaan ng dalawa. Ang babaeng unang minahal at maaaring mahal pa ngayon ng asawa ko. Anong laban ko doon?

"Michelle Alcantara was my ex girlfriend, I met her when we were in college and we were together for 7 years. We almost married but for unknown reason she ranaway the day of our wedding. She ran when the wedding song played." Hindi ako sumagot o nagpakita ng kahit na anong reaksyon.

"Yannie, please. Are you mad? Tell me, what do I need to do. Don't be mad at me, wifey." Malambing niyang sabi pero napakagat ako sa labi.

"May meeting ka pa, diba? Iuwi mo na ako para makatulog pa ako tapos pumunta ka na sa meeting mo." Nakapikit pa rin ako nang magsalita ako.

Narinig kong bumuntong hininga siya pero hindi ko nakikita ang reaksyon niya. Naging tahimik ang biyahe hanggang nakarating kami sa penthouse. Naglakad ako papunta sa kwarto ko na hindi ko siya pinapansin.

Hinubad ko na ang blouse ko para magpalit ng t-shirt nang bumukas ang pinto. Halos mapatili ako sa gulat nang makitang pumasok si Raphael. He looked at me with a seriousness at his face. He held my chin and make it upward for me to looked at him.

"Akala ko umalis ka na? You have a meeting, right?" Tanong ko habang sinusuot ang red tshirt.

"Galit ka ba sa akin? Sabihin mo naman ang kinakagalit mo. Dahil ba sa narinig mong hindi magandang salita kay Mommy? O dahil kay Elle? Baka iniisip mo rin na nagsisinungaling ako about her being alive and you chose to believe with Monteverde. Tell me, so I can think clearly. I can't work properly if you're like this." Frustrated niyang sinabunutan ang buhok. Pinigil ko ang ngiti ko, he's adorable.

Honestly, hindi ko alam kung ano ang kinakagalit ko. Tingin ko naman ay hindi ako galit, hindi rin nagtatampo sa kanya. More on, I hated myself because I can't help it but to feel that way. There is a part of me that I want to hear his story but there is a part that I'm scared.

"Ewan ko..." Mahina kong sabi at umiwas ng tingin.

"What?" Naguguluhan niyang tanong kaya sinalubong ko ang brown niyang mata.

"I want to be alone. Listen, I'm not mad or anything. Stop overthink and get back to work already. I'm just tired and I really want to sleep." Sabi ko at niyakap siya, pilit na pinipigil ang luhang gustong kumawala sa akin.

Naramdaman kong gumanti rin siya ng yakap sa akin at hinalikan ako sa ulo.

"Okay, let's talk when I got home. Ihahatid kita sa work mo." Tumango ako at pilit na pinalabas siya sa kwarto.

*****

"Earth to Yannie." Napapitlag ako nang biglang paluin ni Shane ang braso ko. Ngumuso ako at inirapan siya.

"Bakit?" Tanong ko pero naningkit ang mata niya sa akin.

"Anong prroblema? Kapag nakita ka ni sir Lyndon, tiyak na pagagalitan ka. Alam mo naman na ayaw niya ng ganyan. Malas daw iyan sa negosyo." Bumuntong hininga ako.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon