Desire 10

278 5 0
                                    

Yannie's POV

Katatapos ko lang magluto ng dinner nang may narinig akong pumasok dito. Agad akong nagpunta sa living room at nakitang dumating na si Raphael.

"Akala ko mamayang gabi ka pa uuwi?" Tanong ko, hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nahinto ang tingin niya sa suot kong pink na apron na may salitang nakaburda ng 'wife'.

Agad kong hinubad ang apron. "Pasensya na, hindi ko sinasadyang makialam. Nakita ko lang ito sa cabinet, nagluto kasi ako." Sabi ko, hindi pa rin siya sumagot at nakatitig lang sa akin kaya nagsimula na akong mailang. Ano kayang iniisip niya sa akin?

May kasama talaga 'yung apron at kulay asul naman ang isa at may nakalagay na 'husband'. Hindi ko alam kung kanino ito pero dahil wala akong ibang makitang apron ay ginamit ko na. Mukhang nagising lang siya sa pagkakatulala nang kalabitin siya ni Jinjin kaya agad ko itong binuhat.

"Bihis lang ako." Malamig niyang sabi at tumalikod na sa akin kaya nagbuntong hininga ako.

Habang hinihintay siya ay naghain na ako kahit 'di ako sigurado kung kakain siya ngayon o tapos na siyang kumain. Tapos na akong mag-ayos sa lamesa nang makita ko siyang pumasok.

Nakasuot na lang siya ng khaki short at asul na t-shirt mula sa suot niyang three piece suit kanina. Naupo siya sa tabi ko at nagsimula na siyang magsandok ng kanin. Taas ang kilay na nilingon niya ako nang mapansing hindi ako kumikilos. Nagsimula na rin akong magsandok ng pagkain.

"Pasensya ka na kung nakialam ako. Gusto ko lang makabawi sa kabutihan mo dahil pinatuloy mo kami ni Jinjin dito." Nilingon niya ako matapos niyang sumubo ng pagkain.

"Hindi mo kailangang bumawi pa, Yannie. Lahat ng gamit dito ay maaari mong pakialaman the moment na pinatuloy kita dito... Masarap ka pa lang magluto." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat." Nakangiti kong sagot at nagsimula na akong kumain.

Matapos kumain ay tumayo na siya at akmang liligpitin na ang pinagkainan namin nang pigilan ko siya.

"Ako na ang maghugas niyan." Sabi ko.

"Yannie, sinabi ko na sa'yo na hindi kita katulong. Isipin mong bisita ka dito." Sabi niya pero umiling ako.

"Maliit na bagay lang ang gawaing bahay para sa akin. Ginagawa ko na ito mula pagkabata. Alam kong hindi mo ako tinuturing na katulong pero hayaan mo na lang ako. Alam kong pagod ka rin sa trabaho." Tumango siya.

"Okay pero huwag mong araw-arawin. Hintayin kita sa living area, we need to talk." Tumango lang ako.

Nagsimula na akong maghugas ng plato at patapos na ako nang maalala kong hindi pa kumakain ang alaga ko. Hindi kasi siya lumapit sa akin kaya nakalimutan ko siya. Inayos ko muna ang mga hinugasan ko at nagpunas ng kamay bago tingnan kung may natira pang pagkain.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang meron pa. Hinanap ko si Jinjin pero nagulat ako nang makita ko siyang kumakain na ng cat food habang hinihimas siya ni Raphael sa ulo. Naningkit ang mata ko sa pusa, bakit kapag ako ang humahawak sa kanya habang kumakain siya ay nagagalit siya? Pero bakit kapag si Raphael? May favoritism na pusa.

Lumapit ako kaya nag-angat ng ulo si Raphael sa akin. Tumayo siya at naglakad papuntang sofa. Naupo siya sa isang single sofa kaya naupo ako sa mahabang sofa.

"Nasa cupboard ang cat food. You can give that to Jinjin. My sister can buy her cat's food." Panimula niya at tumikhim bago ulit magsalita.

"Wala akong kailangan na set-up dito sa penthouse ko dahil hindi ako maarte. You can use or go wherever in this penthouse. One thing is I don't want, ayoko na naiistorbo kapag nasa study room ako at nagtatrabaho. Madalas kasi ay inuuwi ko ang trabaho dito. You can use my study room to read books dahil maraming libro doon pero kapag hindi lang ako nagtatrabaho doon. Nilagay ko na sa isang guest room tabi ng kwarto ko ang mga gamit mo. I know na hindi ka kumportable na kasama ako sa kwarto at ganun din ako. You can use that room.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon