Desire 34

212 2 0
                                    

Yannie's POV

Tinaasan ko ng kilay si Cray habang parang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Humigop ako sa straw ng frappe na iniinom ko habang naghihintay. Halos kalahating oras na kami dito at mauubos ko na ang frappe ko maging ang cheesecake ko pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Cray, if I were you magsasalita na ako. Nauubusan na ako ng pasensya, I came here kasi sabi mo ay may sasabihin ka. Mukha namang importante kaya pumunta ako pero kung wala ay babalik na ako ng hotel. Mamayang madaling-araw na ang flight namin." Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Hindi ka pwedeng umalis nang hindi mo siya nadadalaw." Tumaas ang kilay ko.

"Sino? Si Papa? I have nothing to do with him." Sagot ko at tatayo na sana nang mapatigil ako sa sunod niyang sinabi.

"He's dying." Hinarap ko si Cray pero nagulat ako nang makitang may tumulong luha sa mata niya.

"W-what? What do you mean?" Tanong ko kaya napapikit siya at nang siya'y muling dumilat ay tumingin ng diretso sa akin.

"Six months matapos mong umalis ay naghiwalay si Mama at Papa. Hindi na rin sila madalas magkasundo at lagi na lang nag-aaway. Hindi na rin sumampa ng barko si Papa. Sumama si ate Cindy kay Mama at nagpaiwan ako kay Papa. Three years ago nang madiagnose naman si Papa na mataas ang creatinine." Bumalik ako sa pagkakaupo at humarap sa kanya.

"Tell me everything." Utos ko.

"Ginawa namin lahat ng therapy para lang mapababa ang creatinine level niya pero walang epekto. Isang araw ay sinugod siya sa ospital at sinabing lumala na ang kondisyon niya at kidney failure na raw. Kinailangan niyang sumailalim sa dialysis kaya ginamit namin lahat ng savings niya."

Napapikit ako, sa loob ng limang taon ay hindi ako nagkaroon ng komunikasyon sa Maynila. Hindi ko kinontak ang lahat ng kakilala ko dito na parang binura ko sila pansamantala sa buhay ko.

"Nasaan ang Mama mo? Bakit hindi mo sila tinawagan?" I can't imagine na pinapasan ni Cray ang lahat ng ito mag-isa.

"I tried to contact them pero mukhang dahil nagpa-iwan ako kay Papa ay binura na rin nila ako sa buhay nila. Hindi ko sila matawagan at isa pa ay nasa Malaysia na sila. Wala na akong malalapitan kaya pinasan ko ang hirap mag-isa, ate." Nakita ko na ang vulnerability side ng kapatid ko.

"B-bakit hindi mo ako sinubukang hanapin o tawagan? Alam ni Papa kung paano ako tatawagan." Alam kong alam niya ang contact number ni tito Leo kaya nakakapagtakang hindi nila ako nakontak.

Imposible naman na pigilan sila ni tito Leo na makausap ako. Siya pa nga ang nagsabing patawarin ko na ang ama ko.

"Sinubukan ko pero pinigilan ako ni Papa. Ayaw niyang malaman mo ang tungkol sa sakit niya. Gusto niya na sabihin ko lang sa'yo ang kondisyon niya kapag nakalibing na siya. Sapat na raw ang pagdurusa mo ng dahil sa kanya." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ate, ikaw lang ang binabanggit ni Papa sa tuwing nahihirapan siya sa dialysis. Wala siyang ibang sinasabi kundi paghingi ng tawad sa'yo." Hinayaan ko nang tumulo na ang mga luha ko.

"Dalhin mo ako sa kanya ngayon din." Tumango siya.

*****

Pumunta kami sa isang dialysis center sakay ang taxi. Naglakad kami ni Cray hanggang huminto kami sa isang kwarto. Binuksan niya ang kwarto at bumungad ang isang lalaking sobrang payat na habang maraming nakakabit na tubo.

Napatakip ako sa bibig ko habang pinagmamasdan siya. Hindi. Hindi ito ang Papa ko. Malayong malayo sa itsura niyang nakakaintimidate noon. 'Yung sobrang strikto at laging may disgusted look sa akin. Ang taong hirap akong tingnan sa mata dahil naaalala niya si Mama sa akin.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon