Desire 31

220 2 0
                                    

Yannie's POV

Napangiti ako habang nakatingin sa mga laruang binili ni kuya Leon para kay Vinny. Kasalukuyan akong nagtitiklop ng mga damit niya na dinala sa Manila. Kumunot ang noo ko nang makita ang puting panyo na my nakaburda ng letrang RVV. Nilingon ko ang anak kong nanonood ng cartoons sa TV.

"Vinny, anak?" Lumingon siya sa akin habang may subong lollipop kaya napangiti ako.

"Bakit po?" Matapos niyang sumagot ay binalik niya na ang mata sa TV.

"Wala ka namang ganitong panyo. Saan ito galing?" Muling lumingon si Vinny sa akin at tumayo tsaka siya lumapit. Hinawakan niya ang panyo na para bang inaalala niya kung saan ito galing.

"Kay Vincent po." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Vincent? Who's Vincent?" Nagkibit balikat siya, when he do that I always remind someone.

"We have the same eyes and same name. He told me to stop crying then he lend me a handkerchief." Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat.

"Didn't I told you that don't talk to strangers?" Tumango siya at ngumuso.

"Yeah, but he looks nice. I can't find tito and tita at the airport and I thought I was lost. He helped me to stop crying. He said that our eyes was unique." Napatitig ako sa anak ko at sa tuwing ginagawa ko iyon ay naaalala ko ang ama niya dahil sa mata nila.

"Kakausapin ko ang tita Ashley mo." Sabi ko, tumayo ako mula sa kama at hinayaan muna siyang manood.

Agad kong hinanap sa labas si Ashley at natagpuan ko siya na kausap ang isa sa mga tauhan namin sa koprahan. Lumapit ako sa kanya nang makaalis ang tauhan.

"Ash, do you know what Vinny talking about?" Kumunot ang noo niya.

"Ang alin?" Huminga ako ng malalim.

"About the owner of this handkerchief. Pareho daw sila ng pangalan at mata, they've met at the airport in Manila." Pinakita ko ang panyong hawak, tiningnan niya ito at luminga sa paligid bago ako hatakin.

Nagpunta kami sa may likod ng bahay at tumingin-tingin din siya sa paligid kung may tao. Nang masiguro niyang walang ibang tao ay humarap siya sa akin at bumuntong hininga.

"I think siya 'yung tatay ni Vinny." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pinakita ang isang pahina mula sa magazine sa akin.

"Hindi ko pa nameet ang tatay ni Vinny pero nakita ko dati ang magazine niya at nang makauwi kami ay nagsearch ako para makasigurado at confirm. Siya nga itong lalaking ito ang nameet ni Vinny sa Manila Airport." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at kinuha ang pahina ng magazine mula sa kanya na may litrato ni Raphael.

"Sigurado kang si Raphael nga ang nakita ni Vinny?" Ilang beses siyang tumango sa akin.

"Oo, nanlaki pa nga ang mata ko nang makita ko siya. Inaya ko na nga agad si Vinny bago pa siya makita ni Leon. Alam mo naman ang pinsan mo, baka magpang-abot pa sila." Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi siya nakita ni kuya Leon.

"Hindi niya nakilala si Vinny?" Umiling siya.

"Paano niya makikilala ang anak mo, hindi naman niya alam na nagkaanak kayo. Infairness gwapo pala talaga sa personal at pareho sila ng mata ni Vinny. Naaalala ko kung paano mo paglihian ang picture ng ex mo dahil sabi mo paborito mo sa lahat ay mata niya." Umirap ako.

"Ash, walang pwedeng makaalam nito." Umakto siya na zinipper ang labi niya.

"Makakaasa ka." Sabi niya kaya iniwan ko na siya doon dahil kailangan ko nang paliguan si Vinny.

Pagpasok sa kwarto ay naabutan ko siyang naglalaro na ng playstation kaya sinaway ko na siya.

"Baby, tama na iyan at kailangan mo nang maligo." Ngumuso siya at umiling.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon