Desire 37

233 2 0
                                    

Yannie's POV

Papasok na sana kami ng office ni kuya Leon dito sa koprahan nang pigilan ko si Ashley. Hinarap niya ako kaya huminga ako ng malalim.

"Tama ba ang gagawin ko?" Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw lang naman ang makakaalam kung tama ba ang gagawin mo. Yannie, isa ka ng ina kaya dapat mo ring isipin ang makakabuti kay Vinny." Tumango ako at sabay na kaming pumasok sa loob.

Nagulat kami nang makarinig ng sigawan. Nakita naming nakatayo si kuya Leon at matalim ang tingin sa kampanteng si Raphael na nakaupo.

"You bastard, you like your father. A businessman is always a businessman at wala kayong pakialam sa maapakan niyo. Basta para sa inyo ay kumita lang ng pera." Ngumisi si Raphael kaya nagulat ako. Siya ba talaga ang Raphael na nakilala ko?

"Yes, we are a businessman. Money is everything for us, Montes. Whether you take it or leave it as if you have a choice. Accept my offer before you loose everything." Malamig na sabi ni Raphael.

Lumapit ako at sinampal si Raphael. Lahat sila nagulat sa ginawa ko pero nanlilisik ang tingin ko sa kanya.

Dinuro ko siya. "Hindi namin pinagbibili ang koprahan sa isang katulad mong negosyante. Pera ang mahalaga sa'yo? Sa amin naman ay alaala ang higit na mahalaga. Nandito ang kabataan namin na tinayo ni lolo para sa pamilya namin." Madiin kong sabi pero nagulat ako nang bigla niya akong ipasan sa balikat niya na parang isang sakong bigas.

Ilang beses kong pinalo ang likod niya pero parang hindi man lang siya nasaktan. "Put me down, Mr. Villacorta. Lagi mo akong kinakarga kapag nagkikita tayo. You asshole!" Nagsisigaw na ako pero parang wala siyang naririnig.

Binaba niya ako nang makarating kami sa kubo. Madilim ang mata na tiningnan niya ako kaya napaatras ako.

"Who gave you the permission to slapped me in my cheeks?" Malamig niyang tanong, nameywang ako.

"Ako, bakit?" Taas ang noo kong sabi. "Akala mo kung sino ka? Ha! Baka nagkakamali lang ako ng pagkakakilala sa'yo no'n dahil ito ang totoong ikaw. Hindi kita nakilala bilang isang negosyante. Umalis ka na dito at sa iba ka maghanap ng location na bibilhin para sa resort na gusto mong itayo. Our copra farm is not for sale." Sabi ko at tinalikuran na siya pero bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko.

"Alam mo ba kung bakit ko ito ginagawa?" Tanong niya at napatitig ako sa mga mata niya.

Kaya man magsinungaling ang mga bibig niya at kilos pero hindi ang mga mata niya. Noon pa man ay pilit ko nang pinag-aaralan basahin ang mga mata niya. Alam kong laging may pilit na gustong sabihin ang mga mata niya kahit pilit niyang itanggi.

"Ano pa ba ang pwedeng dahilan bukod sa negosyo at pera? Naging Chairman ka lang ay naging mataas ka na. 'Yung copra farm na lang ang iniwan ni lolo at Mama sa amin kaya huwag mo nang kunin. Mahalaga sa pamilya Montes ito kaya kung ginagawa mo ito para pahirapan ako, please huwag mo na sila idamay. Ako na lang." At huwag ang anak ko. Gusto kong idagdag pero natatakot ako.

Nangako ako sa anak ko na ipapakilala ko siya sa tatay niya pero bumalik na naman ang takot ko. Ang mga nangyari ng gabing iyon ay sariwa pa sa alaala ko, ang mga nakita. Nakita kong natigilan siya habang nakatitig sa akin.

Napapitlag ako nang hawakan niya ang pisngi ko at punasan ang pisngi ko. Hindi ko na pala namalayan ang pagtulo ng luha ko. Malamlam at mahinahon na ang paraan niya ng pagtingin sa akin. Nawala na ang kaninang matapang at nakakatakot niyang awra.

"Kaya kong kunin ang koprahan ipagbili niyo man o hindi." Gulat ko siyang tiningnan. "Pero hindi ko gagawin iyon sa isang kondisyon." Umayos ako ng tayo.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon