Desire 2

353 5 0
                                    

Marianne's POV

"See you tomorrow." Bulong niya kaya nagulo na naman ang sistema ko, nakangisi siya bago sumunod sa mag-asawa. Napairap ako bago kinuha ang gamit sa locker.

"Una na ako, guys." Sabi ko at nagmamadaling lumabas na ng bar.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Cedrick sa parking at nakasandal sa kotse niya habang magkakrus ang kamay at kunot ang noo. Napangiti ako bago naglakad palapit sa kanya.

"Babe..." nakangiti kong sabi pero hindi man lang nawala ang pagkakunot ng noo niya, lasing ba siya? Inamoy ko siya at nakainom nga siya kaya napalunok ako. May ginawa ba ako?

"Get in the car." Malamig niyang sabi.

"Babe..." mahinang tawag ko sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin.

"I said get in the f*cking car. Can't you hear me o nabingi ka na simula ng bulungan ka ng lalaki mo?!" Nanlaki ang mata ko sa sinigaw niya. Kanina pa siya dito at nakita niya iyon?

Napangiwi ako ng madiin niyang hawakan ang braso ko lalo na nang sampalin niya ako, pangalawang sampal ngayong araw.

"Ilang beses ko nang sinabi na magresign ka na dito pero hindi ka nakikinig, you sl*t." Sasampalin niya pa sana ako ng may kamay na humawak sa kamay niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Respect the woman, Monteverde."

Raphael's POV

"Get in the car." Napahinto ako sa pagpasok sa kotse ko dahil sa narinig. Kunot noo akong lumingon and I saw Cedrick Monteverde.

"Babe..." mahinang tawag ng babae kay Cedrick.

"I said get in the f*cking car. Can't you hear me o nabingi ka na simula ng bulungan ka ng lalaki mo?!" kumuyom ang kamao ko nang sigawan at hawakan niya ng madiin ang babae.

I know it hurts dahil napangiwi na ang babae. I am a womanizer but I know how to respect women but Monteverde is not.

"Ilang beses ko nang sinabi na magresign ka na dito pero hindi ka nakikinig, you sl*t."

Malakas kong muling sinara ang pinto sa driver's seat kaya napalingon si Lyndon na pasakay na rin sana sa shotgun seat ng kotse ko.

"Raph? Problem?" tanong niya at nilingon ang asawa na nasa backseat na.

Hindi ko sila pinansin lalo na nang makita kong muling sasampalin ni Monteverde ang babae na pumasok kanina sa VIP room. Mabilis akong naglakad at bago pa muling dumapo ang kamay ni Monteverde sa babae ay pinigilan ko na ito.

"Respect the woman, Monteverde." Madiin at malamig kong sabi.

"Villacorta? What brings you here? May kukunin ka na naman bang hindi sa'yo?" Nakangising sabi niya, pabagsak kong binitawan ang braso niya.

"Wala akong kinukuha na hindi akin, Monteverde. Sa simula pa lang akin naman talaga ang bagay na iyon." Madiin kong sabi at naalala na naman ang pangyayari noon sa pagitan namin.

Nagdilim ang mata niya at tumitig ng matalim sa akin pero malamig lang ang tingin ko sa kanya, namulsa ako.

"Wala?" sarkastiko siyang tumawa pero bagot lang akong tumingin sa kanya at binalingan ko ang babae na nakayuko lang.

Hindi ko alam kung bakit pero napakuyom ako ng kamao nang makitang namumula ang pisngi niya dahil sa pagkakasampal.

"Ced, let's go." Nagsalita na ang babae habang nanatiling nakayuko, may nakita akong luha na tumulo mula sa mata niya.

"Hindi pa tayo tapos, Villacorta." May diin na sabi ni Cedrick pero ngumisi lang ako.

"Hihintayin kita, Monteverde." Nakangisi kong sabi, sumakay na sila sa kotse niya at mabilis lang na umalis. Nagtaas pa ng dirty finger si Cedrick sa akin kaya napailing na lang ako.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon