Yannie's POV
"Not so fast, sis." Sabi niya habang hawak ang kamay ni Cindy.
"Cray, what are you doing here?" Tanong ni Cindy kay Cray na aming little brother.
"Inutusan ako ni Mommy na sundan ka. She thinks that you make trouble somewhere and she's right." Umirap si Cindy.
"If she knows the trouble you were talking is with Marianne, I know she will not stop me." Umiling si Cray.
"You were being recorded, sis. Do you want to be an instant celebrity in social media?" Sabi ni Cray, pabalang na tinanggal ni Cindy ang braso niya kay Cray. Umalis na siya kasama ang mga kaklase niya.
Humarap sa akin si Cray na may malaking ngiti. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, huminto ako sa bilihan ng mga karne. Naramdaman ko pa rin ang pagsunod ni Cray.
"Ate..." Tawag niya sa akin sa mahinang paraan. Napapikit ako habang nakangiti.
"Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang kapatid mo, akala ko ba pinasunod ka ng nanay niyo para bantayan ang ate mo?" Sabi ko habang nakatalikod sa kanya at namimili ng karne.
"Ate, hindi mo ba ako namiss? Ang tagal na nating hindi nagkita. Balik ka na sa bahay." Nilingon ko siya at napangiti nang makita kong nakanguso siya.
"Alam mong hindi ko na pwedeng gawin iyan, Cray. Hindi na ako welcome sa bahay niyo at isa pa masaya na ako sa buhay na meron ako." Sabi ko sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok niya.
Si Cray lang talaga ang bukod tanging dahilan kung bakit nagtagal ako sa bahay nila ng ilang taon. Siya ang malambing kong kapatid at lagi niya akong pinagtatanggol sa nanay niya at kay Cindy kahit bata pa siya noon.
Siya rin naman ang nagsabi sa akin noon na kapag may trabaho na raw ako ay umalis na ako sa bahay para hindi na ako gawing katulong ng mag-ina. Binata na rin pala ang kapatid ko, 18 na siya at 20 naman si Cindy.
"Talaga bang masaya ka na? Nagpunta ako sa apartment mo kahapon pero wala ka na raw doon. Saan ka na nakatira? Pwedeng makita?" Ngumiti ako at niyakap siya.
"Kapag maayos na ang lahat, ikaw ang una kong iimbitahin." Nakangiti kong sabi sa kanya habang hawak ang magkabila niyang pisngi. Tumango siya at niyakap din ako kaya napangiti ako.
*****
Pag-uwi sa penthouse ay nagulat pa ako nang makita sa living room si Raphael habang kandong si Jinjin. Nanonood siya ng TV habang nakasalubong ang kilay. Nakabihis rin siya ng pambahay, red shirt at red jersey short.
"Akala ko may conference ka?" Tanong ko sa kanya at dumiretso sa kusina para ilagay ang mga pinamili ko.
"Marianne Villacorta, may I remind you na nakapending nga ang annulment natin pero kasal pa rin tayo." Natulala ako sa tinawag niya sa akin kaya humarap ako sa kanya.
"A-anong tinawag mo sa akin?" Ang sama niya tumingin sa akin kaya napaatras ako.
Ano bang ginawa ko para magalit siya?
"You are a Villacorta dahil technically ay kasal tayo. Kaya nga nangyari ang lahat ng ito dahil sa kadaldalan mo na gusto mong palitan ang apelyido mo. You want me to call you Tesoro? Huwag mong ibahin ang usapan. You're still my wife so stop flirting at the public place." Natulala ako sa sinabi niya at tumalikod na siya sa akin.
"F-flirt... Flirting?" Nanlaki ang mata ko nang magsink-in sa akin ang sinabi niya.
Naglakad ako palabas ng kusina at hinabol siya sa kwarto niya. Pinigilan ko siya nang isasara niya na sana ang pinto. Kumunot ang noo niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...