Yannie's POV
"Ingat..." Kumaway lang ako sa mga kasama ko bago ako naglakad paalis. Sumabay sa akin si Shane na maglakad.
"Sure kang maglalakad ka lang? Himala at hindi ka sinundo ng asawa mo." Tanong niya sa akin, nagtaka kasi siya nang makitang naglalakad lang ako. May pupuntahan kasi siya sa malapit kaya maglalakad lang din siya at hindi kailangang magcommute.
"Hindi naman niya ako kailangang lagi sunduin at isa pa hindi niya ako sinusundo sa tuwing nasa Western siya. Nag-uusap sila ni sir Lyndon lagi tungkol sa trabaho at sinasabay lang niya ako dahil iisa lang kami ng uuwian. Malapit lang naman ang Villa Tower dito at gusto ko rin na mag-isip." Sinangga ako ng siko niya.
"Okay, sabi mo. Kunwari hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya nandoon. Hindi naman siya madalas lagi sa Western kung wala siyang inuuwing babae pero simula nang makilala ka ay tambay na ng Western kahit wala siyang babae. At anong pag-iisipan mo? Don't tell me na buntis ka?" Umirap ako na tinawanan niya.
"Mag-iisip lang, buntis na? Alam mo, ngayon ko lang naramdaman ito. 'Yung pakiramdam na kapag nasa paligid siya ligtas ka. Siya lang din ang unang nagpahalaga sa akin at nangakong susuportahan ako, anuman ang pangarap ko." Napatakip ako sa tenga nang tumili siya, tumingin pa ako sa paligid dahil baka may naistorbo sa tili niya.
"Shemms, girl inlababo talaga si sir Raphael sa'yo." Nagulat ako sa sinabi niya.
"I-in love? In love si Raphael sa akin?" Pinalo niya ako nang mahina sa braso.
"Oo naman." Sabi niya sabay flip hair. "Alam mo girl, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. How come na bigla ka na lang nagpakasal kahit kakabreak niyo lang ni Cedrick? Kilala kita at alam kong totoong minahal mo ang ex mo pero iba kapag kasama mo si sir Raphael. Lagi kayong may sariling mundo at iba siya tumingin sa'yo kaysa iba. Hindi ako nagtanong dahil nakikita kong masaya ka."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Sana maging masaya ka na. Masyado nang masakit ang lahat ng pinagdaanan mo mula sa kamay ng pamilya ng tatay mo hanggang kay Cedrick. They've done enough to hurt you. You deserve to be happy, you deserve to be loved. Naniniwala akong si sir Raphael na ang taong magpapasaya sa'yo." Ngumiti ako at niyakap siya.
"Salamat, Shane." Tinapik niya ang likod ko kaya humiwalay na ako sa kanya.
"Geh, gotta go. Dito na ako dadaan." Tumango lang ako at kumaway ako sa kanya hanggang sa lumiko siya sa isang street.
Nakangiti akong nagpatuloy maglakad. Ilang minuto na akong naglalakad nang mapahinto ako. May naramdaman akong sumusunod sa akin kaya nagpalinga-linga ako sa paligid.
Tanging madilim na kalsada at mga sasakyan ang nakita ko. Alas tres na ng madaling araw. Nakaramdam ako ng kaba kaya binilisan ko ang lakad pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na may nakasunod sa akin. Malapit na ako sa Villa Tower nang halos mapatalon ako nang may humawak sa braso ko.
"What's wrong with you? Bakit parang gulat na gulat ka?" Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang kunot na kunot na noo ni Raphael.
"It's you." Sabi ko at umiling. "Wala, tara na. Inaantok na ako." Sabi ko at inaya na siya.
"Sure ka?" Tumango ako.
"Nagulat lang ako sa'yo, bakit kasi nanggugulat ka? Ano nga palang ginagawa mo dito?" Nagpalinga-linga din siya bago humarap sa akin.
Namulsa siya at inakbayan ako, he's wearing a brown short with white fitted shirt. Dahil sa fitted ito ay bakat ang eight pack abs niya. Napailing ako at tinanggal ang kadumihan sa utak ko.
"Nagutom ako bigla habang nagtatrabaho so I went out to buy some food then I saw you looking in differemt direction. You look like scared." Umiling ako at naglakad na kami. Pinakita niya pa ang ang hawak na plastic bag.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...