Yannie's POV
Nagising ako nang may liwanag na tumatama sa mukha ko. Inangat ko ang kumot sa ulo ko at yumakap sa unan ko. Kumunot pa ang noo ko habang nakapikit.
Bakit parang ang bango ng unan ko? Amoy lalaki kaya nagtaka ako. Dumilat ako at halos umusok ang ilong ko sa nakita. Tumayo ako at tiningnan ang lalaking katabi ko.
Anong ginagawa ni Sir Raphael sa tabi ko? Napahawak ako sa ulo ko at pilit na inaalala ang nangyari. Nakatakip pa rin sa hubad kong katawan ang kumot. Napatingin ako kay sir Raphael na nakahubad at tanging boxer ang suot.
Did I raise my flag? Naisuko ko na ba talaga ang Bataan? Pero wala akong maalala. Napangiwi ako nang may maramdamang masakit sa pagitan ng hita ko kaya napatingin ako sa kama. Nanlaki ang mata ko nang may makitang dugo.
Agad kong kinuha ang damit ko at nagbihis. Napatingin ako sa daliri ko nang may makita akong singsing. Hinubad ko ito at nilagay sa ibabaw ng bedside table. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa kwarto.
Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung nasaan ako. Para siyang malaking condo, pumasok ako sa elevator dito sa loob at pinindot ang ground floor.
Nang bumukas ang elevator ay naglakad ako sa lobby. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa apartment ko. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya 'di ko rin alam paano umuwi kaya nagtaxi na lang ako.
Pagdating sa apartment ay nagulat ako nang makita ang mga gamit ko sa labas. Agad akong lumapit at nakitang nasa kulungan niya si Jinjin. Kinuha ko si Jinjin sa kulungan niya.
"Aling Inday, ano po ang ibig sabihin nito?" Tanong ko nang makitang lumabas sa apartment ang landlady ko.
"Yannie, pasensya ka na. Ang usapan natin ay babayaran mo ako pero kailangan ko na talaga ng pera. May lilipat na dito at nagbayad na para sa isang taon at doble pa ang binayad kaya pumayag na ko. Sa kondisyong paaalisin na agad ang nakaupa." Napapikit ako.
"Aling Inday, ang usapan natin ay sa katapusan ako magbabayad." Sabi ko, bumuntong hininga siya.
"Alam ko pero pasensya na binigay agad sa akin ang pera ng cash. Wala na akong magagawa kaya kailangan mo nang umalis." Tinalikuran niya na ako kaya nanghihinang napaupo ako sa sahig.
Nanatili lang akong nakaupo habang nasa harap ko ang mga gamit ko. Kinuha ko ang picture frame kung saan nakalagay ang huling picture namin ni Mama nang bata pa ako. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang yakap si Jinjin na panay ang dila sa mukha ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak dito nang may maramdaman akong patak ng tubig. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang magsunod-sunod ang buhos ng ulan hanggang lumakas na ito ng tuluyan. Sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko.
Nag-angat ako ng ulo nang wala na akong maramdamang patak ng ulan sa akin. Nagulat ako nang makita ang seryosong tingin ni sir Raphael sa akin habang may hawak na payong.
"What are you doing? Are you in some kind of drama?" Kunot noo niyang tanong, tumayo ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Obviously, someone barge into my life and disorganized all my plans." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh?" Hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin hanggang sa magulat ako nang bigla siyang ngumiti.
"Nothing. Bakit nasa labas ang mga gamit mo at nagpapaulan ka? Para kang pinalayas." Napatitig ako sa mukha niya, totoo nga bang may nangyari sa amin kagabi? Pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kirot sa pagitan ng hita ko.
"Bakit ang unfair ng mundo?" Wala sa sarili kong tanong kaya kumunot na naman ang noo niya.
"Unfair naman talaga ang mundo pero ang dapat mong gawin para makisabay sa hindi pagiging patas nito ay maging ganito ka rin." Naguluhan ako sa sinabi niya kaya bumuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romans"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...