Jade's POV
Simula kahapon iniiwasan ko na si Jana. Wala e, alam ko namang wala akong pag asa sa kanya. Baka any moment maging sila na ng kambal ko.
Masakit man na unang beses pa lang sana ako magmamahal, olats pa agad.
Pero ganun talaga ang buhay. Life must go on. Malay natin anjan lang din pala sa tabi tabi natin yung para sa atin hindi lang natin napapansin.
Today ang game namin vs Ateneo. Excited ako kasi manunuod ang buong pamilya ko ng game namin.
Medyo inspired ako kasi makikita na nila Dada at Mommy kung paano ako maglaro sa UAAP. Dati naman na silang nanunuod sakin kahit nung high school pa lang din ako. Pero iba na kasi ngayon diba?
Pero doble pressure din sa akin since sikat na volleyball players talaga ang parents ko ganun din ang mga kuya ko kaya malaki expectations ng mga tao sa akin.
Bahala na. Maglalaro na lang ako. I will enjoy this moment na lang.
First set pa lang alam mong medyo nangangapa pa ang parehong teams.
Nung umpisa puro errors kami pero nakuha na din namin yung right tempo in the middle of the set.
Ang galing ni Jana. Panay ang bigay nya sa akin ng bola. Umpisa pa lang ang dami na nyang excellent sets at halos sa akin lahat yung puntos. Hehehe!
Sinasabi ng mga coaches namin na maganda daw chemistry naming 2. Even si Kap tuwang tuwa sa mga plays namin.
"Guys, tuloy lang natin ang magandang defense natin. Jana and Jade keep it up ah? Good job on our offense too." Sabe sa amin pareho ni Coach Reg kaya pareho kaming nagsmile. Kinikilig naman kami sa praises ni Coach sa amin.
First set 18-11 ang score lamang kami. Panay din ang kausap sa akin ni Jana. Medyo nawawala yung kaba ko pag nagtuturo sya sa akin ng mga pwede naming gawing play.
Padami na nang padami ang tao sa arena. What do you expect Ateneo ba naman ang kalaban namin e.
Nadagdagan tuloy ang kaba ko kasi nga madame ng nanunuod.
Pinakita pa sa screen yung parents ko pati sina Kuya Dino and Kuya Davi. Jusko po!!!
Kaya ayun nagpalakpakan naman ang mga tao dito sa arena.
Maya maya lang.. nakita ko naman si Patrice na dumating. Tumabi siya kina Dada kaya napatingin ako. Nagsmile naman ako sa kanya.
Time out naman kaya pwede tumingin sa angkan ko. Hehehe!
Nagulat ako nung..
"I love you Jessica Wong!! Wooohoo!" Nanglaki pa yung mata ko kasi finocus sya ng camera man. Lahat tuloy nagtilian. Jusko Patrice anong ginagawa mo??
Napailing na lang ako sa kaadikan netong si Pat e.
Pagtapos kong tumingin sa kanya, napatingin din ako kay Jana. Kanina okay naman sya. Ngayon nakataas na yung kilay nya. At mukhang galit.
Akala ko aawayin ako nung biglang lumapit sa akin.
"Magfocus ka Wong, o hindi kita sesetan." Ay yare na. Di nga ako inaway pero nagbanta naman. Nakakatakot po sya mga Lods!
Nagpatuloy na yung game at maganda pa rin yung connection namin ni Jana. Ang lakas ng tilian ng mga nanunuod. Maganda kasi yung palitan ng mga plays ng bawat team.
Mas lalong umingay nung dumating naman ang 2 Kuya ko. Sina Kuya Dale at Kuya Devon. Tilian na naman ang mga girls. Kasi parehas na finocus sa camera at sabay din ngumiti at dahil nga kambal e.. ayun isa lang hilatsa ng mukha nila. Hahaha!
Nakuha namin yung first set tapos Ateneo naman yung 2nd set.
Tinatamaan na ako ng kaba. Ewan ko ba! Maya maya nakita ko na si Doni sa tabi nila Mommy.
Kumaway pa sya sa amin.. I mean kay Jana pala. Kaya yung isa mukha namang kinilig. Simula nun medyo nag iba na ang mood ko. Bakit may pa Hi pa? Sabihan ko kaya si Jana na sya naman ang magfocus sa game.
Pero di natin gagawin yun mga Lods baka makatay tayo ng wala sa oras.
Naiinis ako. Bakit andito kasi siya? Alam ko na hindi ko dapat nararamdaman to e. Kasi kapatid ko sya. Haaaay! Bahala na nga!
Nagsimula na yung 3rd set at tuloy pa rin yung pagbibigay sa akin ng bola ni Jana. Pero halos lahat na nababasa na ng kalaban.
Nagtime out si Coach Reg. Medyo galit na sa akin.
"Jade, ano ba? Walang variation yung approach mo. Basang basa kana ng kalaban. Jana, mag quick plays kayo ni Kap." Tumango naman kaming 3 sa instructions ni Coach.
Napatingin na naman ako kay Jana, nakita ko na tumingin sya kay Doni tapos nagsmile.
Kumirot yung puso ko. Nasasaktan pa rin talaga ako. Edi kayo na nagtitinginan jan at kinikilig! Grrrrrr!!

YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?