12

818 27 1
                                    

Jana's POV

Andito kami ngayon sa ospital. Dinala namin si Tita Jema kasi bigla na lang syang nagcollapse kanina habang nagdidinner kami.

"Baby, relax ka lang ah? Everything will be alright." Si Jade kasi kanina pa nagwoworry sa Mommy nya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Alam kong ito lang yung tanging paraan para maparamdam ko sa kanyang andito lang ako sa tabi nya.

Daddy calling....

Si Dad? Bakit nya ako tinatawagan? Never pa nya akong hinanap o anuman. Laging si Mom at Jan lang ang naghahanap sa akin pag wala pa ako sa bahay.

Tumayo muna ako para sagutin ang tawag ni Daddy. Si Jade naman tumabi saglit sa Dada nya.

Hello Dad?

Jana umuwi ka ngayon sa bahay mag uusap tayo!!!

Galit na sabi ni Dad. Ano bang nagawa ko? Bakit galit na galit sya.

Dad kasi po..

Umuwi ka na ngayon na! O gusto mong ako pa sumundo sayo jan ngayon??

(Love, wag mong pagalitan si Jana. Antayin mo na lang makauwi.)

Nadinig ko pang sabi ni Mom sa background.

Uuwi ka o aantayin mong magkagulo pa kami jan?!!

Ha? Alam ni Dad kung nasan ako?

End call

Binabaan na ako ng phone ni Dad. Buti hindi ganong napansin ni Jade yung pagkataranta ko. Kinausap pala kasi sila ng doctor ni Tita Jema.

Kailangan ko ng makauwi. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Dad pero sa boses nya alam kong galit na galit sya.

Pero bakit nga? Anong nagawa ko? Hindi kaya alam na rin nya yung sa amin ni Jade? Bakit ba ganito na lang reaction nila Mommy and Daddy sa relasyon namin ni Jade? Dahil ba pareho kaming babae??

Hindi e.. iba ang pakiramdam ko.

Naalala ko rin na nagcollapse si Tita Jema nung pagkasabi ko ng pangalan ni Dad. Ganun din si Tita Deanna. Nakita ko yung galit sa mga mata nya nung nabanggit ko si Dad.

Meron ba akong dapat malaman?

Gustuhin ko mang umuwi..

Natatakot man ako kay Dad. Pero paano si Jade? She needs me here. Kailangan ako ng girlfriend ko.

Bahala na si Dad. Ang importante sa akin ngayon si Jade.

Habang nag iisip ako about kay Dad, tumabi na pala sa akin si Jade. Sumandal sya balikat ko pagkatapos hinawakan yung kamay ko.

Andito kami sa labas ng room ni Tita Jema. Nasa loob na kasi si Tita Deanna pati mga Kuya nya e.

Ang lalim ng buntong hininga nya. Kita mo yung pag aalala sa mukha nya.

Pinaharap ko sya sa akin.

"Baby, anong sabi ng doctor?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Mom is okay right now. She'll wake up anytime soon naman na."

"Oh, that's good news baby! Bakit parang malungkot ka parin?" Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

Tumingin sya sa mga mata ko nang may pagaalala.

"I don't know what's happening right now baby pero.. I have this feeling na..." Uso ba talaga sa pamilya nila yung nambibitin?

"Na ano baby? Wag kang pabitin. Baka ikaw ibitin ko." Ayan.. tumawa na rin sya sa wakas. Di naman singkit pero pag ngumiti jusko ang papi!!!!

"Hey! Stop looking at me like that! Matutunaw ako!" Ayan! Jan sya magaling sa mga ganyan e.

Inalis ko yung nakahawak nyang kamay sakin.

"Joke lang baby! Ikaw naman oh!" Panunuyo pa nya.  Hmmmmp!!

"Tigilan mo ako Jade Wong! Ano na yung kwento mo! Daliiiii!!!" Natawa na naman ang loko.

"Actually, I have this feeling na.. magkakilala ang parents mo at sina Dada." Nung sinabi nya yun dun ko naalala yung incident din namin with Mom.

"Oo nga baby! Remember nung nalaman din ni Mommy na isa kang Wong, bigla na lang nag iba yung reaction nya. Tapos galit na galit din. Tsaka.."

"Sinabi ko sayo umuwi ka na diba?" Biglang may nagsalita na familiar ang boses.

"Dad?" Napabitaw ako sa hawak ko kay Jade at napatayo na rin sa gulat.

"Good evening po Sir!" Bati ni Jade. Pero ang sama ng titig ng Daddy ko sa kanya.

"Walang maganda sa gabi. Lalo na kung kayo ang ang makikita ko. Halika na! Umuwi na tayo!!" Hila hila ako ni Dad. Medyo napahigpit ang hawak nya sa akin. Kaya napaaray ako.

"Sir, wait lang po. Nasasaktan po si Jana." Sagot ni Jade. Habang pinipigilan si Dad.

"Baby, I'm okay! Sige na." Sabi ko.

"Baby??" Napabitaw na si Dad sa akin.

"Anong sinasabi mo? Jowa mo tong babaeng to??"

"Sumagot ka!!!" Ang lakas ng sigaw ni Dad halos nakatingin na rin yung ibang tao dito.

"Dad please!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Layuan mo ang anak ko kung ayaw mong guluhin ko buhay nyo ulit!" Ulit? Bakit?? Anong ibig sabihin ni Dad?

Hinila na ulit ako ni Dad at sa bilis ng lakad nya nadapa na ako.

"Jana!" Nakita kong tumakbo palapit sa akin si Jade. Dahil nkayuko sya di nya namalayan si Dad na nakahawak na sa kanya.

"Sinabi ko sayo tigilan mo ang anak ko!!" Pag angat nya ng mukha nya para tignan si Dad. Biglang suntok ni Daddy kay Jade.

Natumba si Jade sa lakas ng suntok.

"Dad ano ba!!!" Pinuntahan ko agad si Jade na nakaupo na sa floor.

"Wag mo akong subukan Jana. Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Nakakadiri kayo!!!" Sigaw pa nya. Wala na akong pake sa mga tao dito ang worry ko lang si Jade.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now