32

813 24 2
                                    

Paulit ulit na sinasaktan..

Tapos ngayon, eto ka na naman? Mas pinili mo ulit na iwan at saktan ako.

Nakakapagod na.. hindi na nakakatuwa!"

"Jema.. please! Nagmamakaawa ako sayo. Please forgive me?" Niyakap na ni Deanna yung legs ko umiiyak na siya.

Kahit gustung gusto ko syang yakapin hindi ko magawa. Namanhid na din ata ako dahil sa paulit ulit na nangyari sa amin.

"I'm sorry Deanna. I don't want to be reminded of this pain everyday. Yung thought na any moment pag may problema tayo e.. mas pipiliin mo lagi na iwan ako.

Ayoko nang maranasan yun ulit Deanna!

I'm sorry too!" Lumayo na ako sa kanya.

Tumayo na rin si Deanna nung napansin nya yung paglayo ko sa kanya.

"Let's just process our divorce papers. And since malalaki na ang mga anak natin they can choose kung kanino nila gusto sumama.

But syempre sina Doni and Jade will stay with me."

"Jema.." sagot ni Deanna. Habang nakatingin lang sa akin.

"Napapagod na din ako Deanna. Siguro naman, deserve ko na tong freedom na hinihingi ko sayo. At least, this time hindi na ako yung iniwan mo. Ako na yung napagod.. yung hindi na bumalik.

Siguro naman hindi ako masamang ina to choose myself this time?"

Nakita ko na pumasok sa bahay si Bea. I smiled at her. Alam kong alam na nya yung dapat nyang gawin.

Tinawagan nya kasi ako kanina kaya I know na pupunta sya dito. Mas okay kasi.. mas maalalayan nya si Deanna.

Aalis na sana ako nang..

"Jema,.. please! Parang awa mo na! Wag mo akong iwan. Please Jema!!" Niyakap ako ni Deanna sa likod ko.

"Jema, alam kong mahal mo pa ako..please isa pang chance Jema. Please! Please!" Pilit ko inaalis yung kamay ni Deanna na nakayakap sa akin.

"Deanna please tama na.. umalis ka na!" Sabi ko habang pilit na inaalis yung kamay nya.

"No Jema hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako napapatawad." Nasasaktan na ako sa higpit ng yakap niya.

"Ano ba? Sinabi ko nang umalis kana e." Buong lakas akong umalis sa pagkakayakap nya at saka sya tinulak.

"Bea, umalis na kayo. Please lang!!" Hindi na nagulat si Deanna na andito si Bea. Hindi nya pinansin yung sinabi ko.

"Jema.." sabi pa nya habang umiiyak.

"Deans, tara na!" Aya sa kanya ni Bea pero parang wala syang nadidinig.

"Deanna tara na. Umuwi na tayo!!" Nadinig ko pang sabi ni Bea bago ako umakyat ng kwarto.

Pero andun lang ako sa may hagdan nagtatago kaya nadidinig ko pa rin sila.

"No Ate Bei kailangan ako ng asawa ko!!"

"Kailangan? Tanga ka ba? Tanga ka??? Ikaw tong nagpalayas sa kanya diba?" Sigaw ni Bea. Mabuti na lang wala sina Mama dito pati na rin yung kambal.

"Ano ba Ate Bei. Hahabulin ko si Jema. Gagawin ko ang lahat para balikan ako ng asawa ko!!"

"Sige Deanna habulin mo! Magpakatanga ka. Tutal kasalanan mo naman lahat ng to!"

"Anong sabi mo?" Alam ko nang galit na sila pareho. Gusto ko silang pigilan pero ayoko nang makita pa ulit si Deanna.

"Tanga ka tanga ka Deanna!" Nadinig ko na lang na may nabasag sa sala kaya diko na natiis na bumaba para pigilan sila.

Tama nga at nagsusuntukan na sila. Nadagdagan naman lalo ang inis ko.

"Ano ba kayo?! Tumigil na kayo!!" Sigaw ko.

Nung nakababa na ako agad na lumapit sa akin si Deanna. Si Bea naiwang nakahiga sa floor at hawak yung mukha.

"Jema please? Parang awa mo na. Isa pang chance. Please baby?" Lumuhod ulit sa harap ko si Deanna. This time nakaramdam na ako ng awa.

Kitang kita ko kasi yung dugo sa labi nya. Ang lakas ng sapak sa kanya ni Bea.

"Deanna... Tama na please? Tapusin na natin to."

"No, Jema! No please. Hindi ko kaya!" Wala na.. yung kanina ko pa pinipigilan na luha sabay sabay nang lumabas.

"Jema, paano ako? Hindi ko kaya nang wala ka..please? I promise you aayusin ko to! Pagbigyan mo lang ulit ako. Please Jema?"

"Deanna, pagod na ako. Sorry, pero hindi ko na talaga kaya e." Hindi ko din alam kung bakit parang  napakasigurado ko sa desisyon ko ngayon.

"Nakakapagod ka nang mahalin e. Alam mo ba yun?" Tuluy tuloy na yung luha ko. I guess kailangan ko nang itodo lahat.

"Umpisa pa lang, napakahirap mo nang mahalin..nabash ako. Najudge ng pamilya mo, ng maraming tao. Pero, lahat yun binaliwala ko. Kasi mahal kita e..

Pero ngayon... Sorry pero..

I can feel it through my bones na.. pag diko to ginawa. Baka mas lalo lang akong mawala sa buhay mo. I might lose myself in the process too Deanna." Umiiyak na kami pareho. Hinawakan ko na rin yung mga kamay nya at pinatayo sya.

"Let's just be good parents to our children from now on. Okay?" I held her chin and made her look at me.

"I'm sorry kung napagod ako ha? I tried my best B, pero kasi.. tao lang din ako e. Nasasaktan, napapagod. Kaya sana.. tanggapin mo na lang ang gusto ko.

Ibigay mo na sana.." hindi ko na halos masabi yung gusto kong sabihin dahil na rin sa pag iyak ko.

"Ibigay mo na sa akin tong freedom na hinihingi ko...

Kahit ngayon lang, isipin mo naman kung ano yung gusto ko.

Kahit ngayon lang.. ako naman." Tinignan lang ako ni Deanna.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now