42

866 23 0
                                    

Doon na rin kami nagkaroon ng pagkakataon na dalhin sya sa doktor para macheck up yung sugat nya.

Pagkatapos syang icheck kinausap na rin kami ng doktor. Ligtas naman na daw si Mommy at daplis lang lahat ng sugat na meron sya. At dahil na rin sa shock at pagod kaya sya nahimatay.

Sabi pa nito, napakaswerte daw nya kasi sa lakas ng impact ng banggaan e. May mga sugat si Mommy pero hindi kasing lalim ng nakuha ni Dada.

So.. Dada literally took all of it. She saved Mommy from that head on collision.

We lost Dada dahil sa accident and I think we are about to lose our Mommy too.

End of flashback

"Jade, tawagin mo na ang Dada mo kakain na." Ilang buwan nang wala si Dada pero everyday ganito ang scene namin dito sa bahay.

Magluluto sya tapos ipapatawag nya sa akin si Dada. Pag diko ginawa magwawala sya at sisigawan nya ako.

Ganito ang araw araw na routine namin ni Doni. Kahit sina MamaLa umalis na rin dahil sa sama ng loob nila kay Mommy.

I know hindi sila dapat umalis lalo na sa kalagayan ni Mommy ngayon. Pero sobrang nahurt sila sa sinabi ni Mommy kaya mas pinili na lang muna nilang puntahan sa Laguna si Tita Jovi since may sakit din ito.

Naalala ko pa yung sinabi ni TatayLolo sa akin bago sila umalis papuntang Laguna.

"Alagaan ninyo ang Mommy ninyo ah? Medyo matanda na kami ni MamaLa nyo.. Kaya medyo sensitive na rin.. pero babalik kami. Pahuhupain lang natin ang tampo ni MamaLa okay?"

Sinabihan kasi ni Mommy na buong buhay naman daw nya e sya ang tumutulong sa pamilya nila. Kung hindi daw dahil sa kanya hindi nila mararanasan yung masarap na buhay.

At nakikitira lang daw sila MamaLa sa amin. Bahay daw ni Mommy to kaya kung anong gusto nya yun ang masusunod. Haaay!

"Mommy, umalis na po si Dada e. Nagpunta na po sya ng resto. Hindi ba siya nagpaalam sa inyo?"

Ganito na lang lagi yung sinasabi namin ni Doni para lang tumahimik sya. Para lang hindi sya magwala.

"Ahh ganun ba sige mamayang gabi sabay sabay tayong magdidinner okay?" Nagsmile na sya. Medyo nakakapanibago sya ngayong araw kasi madalas hapon na bago sya tumigil e.

"Wow! Himala ata na ang bilis nyang kausap ngayon bro!" Sabi ko kay Doni.

"Oo nga e. Akala ko mahihirapan na naman ako makawala sa pagyakap sa akin ni Mommy e. Alam mo ba kanina nung nakita nya si Jana halos di nya makilala. As in, hindi nya maalala yung pangalan." Oo ganun na si Mommy simula nung umuwi kami galing sa ospital. Sila Kuya Dale at Kuya Devon paborito nyang kausap. Palibhasa kamukha ni Dada. Lalo na nung nakita nya ulit si Kuya Dino nung umuwi sila dito para sa libing ni Dada.

"Pero bro bakit sayo okay si Mommy. Sa akin hindi?" Hindi ko naman maiwasang malungkot.

Pag nakikita nya kasi ako ang bilis nyang magalit. At ang tagal nya tumigil sa pagwawala, samantalang pag kay Doni tuwang tuwa sya.

"E magkamukha naman tayo. Kambal nga tayo diba? Tapos sya kamukha natin. Naiintindihan ko na favorite nya sina Kuya Dale e lalo na si Kuya Dino na kamukha ni Dada pero ikaw.. tsk!"

"Ang arte mo bro. Puntahan mo na yung girlfriend mo sa labas ako nang bahala dito kay Mommy. Kailangan matulog sya ng maaga may date pa kami ni Jen e. Hahahah!"

"Yan jan ka magaling. Samantalang ako diko man lang maidate si Jana. Hmmmp!"

"Pero bro bakit nga sya good mood ngayon no?"

"Diko rin alam, ayaw mo nun di ka nasigawan? Haha!" Nako po, kinakabahan ako dahil ganito si Mommy. Baka may gusto syang gawin ko. Jusko wag naman sana mahirap.

Umalis na ako sa dining area at pinuntahan si Jana sa living room.

Pagkakita ko pa lang sa kanya e.. agad ko na syang niyakap. Grabeh. Miss na miss ko sya. Kahit kahapon lang din kami nagkita e.

"Wow kung makayakap parang walang bukas ah?" Nakaback hug ako sa kanya.

"Namiss ko ang baby ko e. Bawal na ba?" Nagpout pa ako kaya naramdaman kong gumalaw balikat nya meaning natawa sya.

"Hindi naman bawal. Syempre namiss din kita!" Nilagay ni Jana yung kamay nya sa ibabaw ng kamay ko. We stayed like this for a few minutes.

Naputol lang nung biglang may nagsalita.

"Anong ginagawa nyo? Bakit kayo nagyayakapan sa bahay ko?" Pasigaw na sabi ni Mommy kaya napabitaw kami pareho.

"Mommy, si Jana yan gf ni Jade." Pigil pa ni Doni.

"Teka.. kilala kita ah? Diba ikaw yung anak nung John Vic na yun. Diba ikaw yun. Diba diba?" Dinuro duro nya si Jana kaya paatras syang lumayo kay Mommy.

"Mommy, stop. Si Jana po to girlfriend ko po." Pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"O anong pake ko kung sino yan. Anak yan ni JV. Ano ka b? Di ka ba nag iisip. Hindi mo yan pwedeng maging gf. Paalisin mo yan dito sa bahay ko."

Huling SandaliWhere stories live. Discover now