"Jema.. Jemaa.."
Paulit ulit yung pagtawag sa akin.
Bakit ganun? Parang pamilyar yung boses na yun. Boses na hinahanap ko matagal na.
"Deanna?"
"Yes, B. Okay ka lang ba? Anong nangyayare sainyo ni Jade?
Teka.. bakit alam nya? Bakit andito sya. Niyakap ko sya nang mahigpit pero halos diko sya mahawakan.
"B, alagaan mo ang mga anak natin. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Binabantayan kayo."
"B, hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya nang wala ka. Balikan mo na ako. Please? Miss na miss na kita."
"B, please.." sumigaw ako nang malakas para madinig nya. Kasabay nun yung pag iyak ko nang sobra.
"Bumalik ka na sa akin B, please!!!"
"Jema.. Jemaa..."
"Jemaaaaaa!!!"
Halos malaglag naman ako sa higaan pagmulat ng mata ko dahil na rin sa gulat nung bigla akong magising.
"Nasaan ako?" Kinuskos ko pa yung mga mata ko. Bakit puro puti ang nakikita ko?
Nilibot ng mga mata ko ang paligid nang may maaninag akong tao sa tabi ko.
"Jema,..."
"Jema.... Anak!" unti unti nang lumilinaw ang itsura ng tao sa harap ko.
Nung makita ko nang mabuti..
"Bakit ka umiiyak anak at sumisigaw?" Tanong sa akin ni Mama.
Panaginip lang pala yung kausap ko si Deanna.😭
"Bakit po andito ako Ma?" Agad na tanong ko kay Mama. Medyo nahihiya pa ako kasi nga alam kong may kasalanan ako sa kanya pati na rin kay Tatay.
"Wala ka bang naalala anak?" Nag isip pa ako nang maigi. Pero malungkot ang mukha ni Mama.
"Nasa bahay lang po ako kanina Ma, kausap ko lang si Doni.."
"Anak, nasa ospital ka. Naaksidente kayo ni..." So totoo nga? Totoong patay na si Deanna.
Hindi panaginip ang lahat. Pero bakit kausap ko sya kanina?
"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Hawak hawak ko na yung ulo ko. Diko na alam pero parang masisiraan na ako ng bait ngayon.
"Jema, anak ano bang nangyayari sayo?? Bakit ka umiiyak??" Nag aalalang tanong ni Mama.
"Ma, hindi po to totoo diba?!! Ayoko na pong magising Ma. Hindi pwede Ma please!!"
"Jema, ano ba?? Tumigil ka nga muna!" Pilit akong pinapakalma ni Mama pero.. tuluy tuloy na yung luha ko.
Akala ko panaginip lang na wala na si Deanna. Pero totoo pala talaga!
"Jema, kumalma ka. Naaksidente kayo ni Deanna pero.. buhay sya." Nakatitig lang ako kay Mama bago magsalita ulit.
"Totoong buhay sya Ma? Paanong..."
"Nahimatay ka kasi kanina dahil na rin sa sobrang pagod at pag aalala mo sa kanya."
"Pero Ma.." hindi ko na kasi maisip yung totoo sa hindi kaya nagtanong na lang ako ulit kung ano bang nangyari talaga.
"Nagflat line na daw si Deanna kanina anak sabi ng doctor. Nung lumabas sya ng operating room at binalita sa atin yung nangyari kay Deanna bigla ka na lang nagwala. Hindi na natin nalaman na may nangyayari na pala sa loob ng operating room.
Nung hinimatay ka, nun lang kami nagkacroon ng chance na mapacheck up ka kasi nga puro dugo ka. Yun pala dugo ni Deanna lahat yun.
Habang nasa emergency room ka..
Nirerevive naman si Deanna, and maswerte na nabuhay sya anak." Totoo ba to? Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Mama ngayon.
"Asan po si Deanna Ma? Asan ang asawa ko?" Bigla namang lumungkot ang mukha ni Mama.
"Nasa ICU pa sya anak. Malubha yung natamong sugat ni Deanna kasi iniwas nya yung sasakyan para sya ang tamaan at mailigtas ka nya.
Kaya halos galos lang ang nakuha mo." Naiiyak na sabi ni Mama.
"Gusto ko syang puntahan Ma. Gusto kong makita ang asawa ko." Tumango naman si Mama.
Maya maya biglang pumasok sa room si Jade. Nahihiya akong tignan ang anak ko.
"Lalabas muna ako saglit anak. Apo, ikaw munang bahala sa Mommy mo okay?" Humalik muna si Jade sa lola nya bago ito lumabas.
"Mommy buti po gising na kayo?" Nagtataka man sya na halos hindi ako nagsasalita.
"Mom, are you okay po?" Tumabi na sya sa akin. Iniisip ko kasi baka galit pa rin sya sa akin e.
"Mom, I miss you po. Sobra akong nag alala sa inyo e." Niyakap ako ni Jade ng mahigpit. Naiyak naman ako kasi pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Pag labas mo po dito Mommy, pasyal tayo ng girlfriend ko ah?" Sabay smile nya pa sa akin. Bigla kong naalala yung awarding ceremony na nangyari sa MOA. Oo nga pala.. sila na ulit ni Jana.
"Hindi ka galit sa akin anak?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Kahit nagtataka sya sa tanong ko.
"Why would I Mom? E I have the best Mommy in the world kaya? Hehehe!" She kissed my cheeks at saka ako hinug ulit.
So panaginip lang yung mga nangyari sa amin ni Jade?
I smiled when I realized na hindi pala nangyari lahat ng bangungot na yun. Na buhay ang asawa ko at hindi galit sa akin ang anak ko.
Thank you Lord for this. Pangako po hindi ko sasayangin tong chance na to.
Pagkatapos namin mag usap ni Jade sinamahan nya akong puntahan si Deanna sa ICU.
Ang daming nakakabit na aparato sa kanya. Nakakaawa man syang tignan pero masaya ako kasi may pag asa pa na makasama ko sya ulit.
Buhay ka Baby. I promise you, hindi na kita iiwan ulit.
I promise you na may forever.. basta kasama kita.
Sabi naman ng doctor maayos na yung lagay ni Deanna. Kailangan na lang talaga nyang magising ulit.
Thank you baby for coming back to me, pangako.. mamahalin pa kita lalo!

YOU ARE READING
Huling Sandali
RomanceBook 5 of Kung Wala Ka eto na talaga ang ending. hahaha! Ready na ba ulit kayo masaktan?