3

1.2K 27 0
                                    

"Ahhhhmm.. I heard Doni's waiting for you e. Sorry.. maybe next time. I'll go ahead na." Sagot ko sa kanya.

At tumalikod na ako.

"Do you like me?" Gosh! Bakit ganun yung tanong nya? Nadagdagan lalo yung kaba ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Hindi ko din alam kung anong gagawin ko pero parang pumunta na sa ulo ko lahat ng init ng katawan ko dahil sa sobrang kaba. Nagpapanic na rin ata ako.

Hawak ko lang yung door knob. Hindi ko mapihit kasi nagulat ako sa tanong nya.

Nakatalikod pa ako sa kanya kaya hindi ko nakikita yung itsura nya.

Papayag ba akong kausapin sya? Kaya ko pa bang icontain tong kaba sa dibdib ko? Bahala na..

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero.. kailangan kong harapin to. Andito na e.

"What?" Pakunwari kong sagot sa kanya. I need to sound and look brave sa harap nya..ayokong makita nyang kinakabahan ako sa sitwasyon namin ngayon.

Humarap na ako sa kanya, pero with confidence na this time.

"I said.. do you like me?" She looked straight sa mga mata ko. Nag aantay sya ng sagot.

Gusto kong sabihin na Oo. I like you Jana. Pero para akong napipipi ngayong oras na to.

I don't know kung sasabihin ko ba sa kanya what I really feel. Pero paano si Doni? Pano yung kambal ko?

I smirked. Hindi ko sinasadya pero yun na lang ang nasa isip kong tamang maging reaction ko sa sinabi nya.

"Why are you even asking me that kind of question?" Pilosopong tanong ko sa kanya. I need to do this kasi baka kainin ako ng buhay ng selos ko.

"Just answer it!" Mataray na sagot nya. Nakatingin pa rin sya ng diretso sa akin.

I don't need to tell her the truth. Para saan pa ba?

"No. I don't like you!" I lied.. yes.. I know that!

"Why would I even like you in the first place?" Hindi naman nya alam na Bi ako. So keri lang.

Tahimik lang si Jana habang ako nakatingin lang sa kanya.

Kakaiba na yung nararamdaman ko ngayon dahil na rin sa reaction ni Jana sa sinabi ko. Gusto ko pa sanang bawiin pero.. nasabi ko na e.

"Hmmm.." she sighed. Ang lalim ng buntong hininga nya. Probably the worst answer na ineexpect nya.

"So that explains everything now. Kaya pala hindi mo na ako pinapansin. Kaya ba iniiwasan mo na ako?" Bakas sa mukha nya ang lungkot.

Oo. Iniiwasan kita. Kasi pag lumapit pa ako sayo, hindi ko na alam kung paano ko pa pipigilan ang sarili ko na mahalin ka.

Yan.. yan ang gusto kong sabihin sayo Jana.

Nahihirapan na akong huminga. Nasasaktan na din ako. Bakit nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan din sya. Ibig bang sabihin nito... She likes me too?

Kung Oo, I'll be the happiest. Pero paano naman ang kambal ko? Ayoko syang masaktan.

Pero bakit ba kasi tinatanong nya pa to? I mean.. may Doni na sya. Naguguluhan na rin ako sa sinasabi nya. Lalo rin akong naguguluhan kung ano ba tolagang gusto ko.

Kaya no choice na ako kundi panindigan yung sagot ko kanina.

"Yun lang ba ang sasabihin mo? Kasi I need to go na e." Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi ko..kahit ang totoo e.. gustung gusto ko sya. Kahit na.. ang totoo e.. mahal na mahal ko sya.

I saw sadness in her eyes. Ayoko mang gawin to pero I need to save myself. Ayokong masaktan. Alam ko namang hindi nya ako gusto e.

"So anong ibig sabihin nung pagbigay mo ng chocolates? Nung sinabihan mo akong beautiful. Nung sinabi mong you belong sa tabi ko. Ano yun??" Tumaas na yung boses nya.

"It didn't mean anything! Hindi ba pwedeng sabihan kita ng maganda ka? O bigyan ka ng chocolates kasi team mates naman tayo! Yung I belong to you.. sinabi ko lang yun para magpatawa." Ang lame ng palusot ko kaya ang sama ng tingin nya sa akin lalo.

"Sabagay. Ganyan ka naman talaga! May ganyang effect ka sa akin e. Yung paiba iba ang emotions ko dahil na rin sayo!" Hindi ko na nagugustuhan yung pinatutunguhan ng usapan namin kaya aalis na lang ako.

"Paulit ulit tayo Jana. Ano ba yung hindi mo maintindihan don?" Medyo napalakas yung boses ko. Sorry Jana. Hindi talaga pwede. Hindi mo pwedeng malaman na gusto kita.

"Paulit ulit mo lang din kasing pinaglalaruan yung damdamin ko Jade. 1 day you're too sweet to me then the next day parang wala lang. Hindi ko na din maintindihan e. Alam mo yun? Na pakiramdam ko gusto mo din ako." Din? Gusto mo din ako?? Gusto nya ako? Totoo ba to?

Hindi ko na alam yung dapat kong maramdaman. Magkahalong kaba at lito sa mga sinasabi nya.

Tumahimik na sya at alam kong umiiyak na. Gusto ko syang lapitan pero parang napako na rin yung mga paa ko dito sa kinatatayuan ko ngayon.

"Alam mo Jade, gusto kita. Hindi ko alam kung bakit o pano nagsimula. Basta I like you!"

She likes me! Gosh! Ito na yata yung pinakamasayang araw sa buhay ko. Gusto ako ni Jana. Gusto nya ako!!

"You treating me like I don't exist at all, is hurting me so bad! So bad na gusto kong magalit sayo. Kaso hindi e. The more that I want to get mad at you, the harder I fall for you." I want to hug her. I want to tell her na gusto ko din siya. Napahawak na ako sa dibdib ko.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now