16

782 23 0
                                    

Hindi ako natatakot sa pwedeng gawin ni JV sa pamilya namin, handa ako. Kaya kong protektahan ang pamilya namin.

"Bumalik na naman si JV sa buhay natin. Guguluhin na naman nya tayo Deanna. Hindi mo ba nakikita yun?" Puro pag aalala ang makikita ko sa mga mata ni Jema.

"Hindi ako natatakot sa kanya Jema." Matapang na sabi ko sa kanya.

"Pero seeing you like this dahil lang kay JV..."

"Deanna.." pilit na akong hinahawakan ni Jema.

"Bakit? Bakit ganyan ka kaaffected dahil kay JV? Meron ka bang tinatago sa akin Jema?" I know. And I can feel na meron.

Bigla na lang tumahimik si Jema. Akala ko makukuha ko yung sagot pero hindi pala.

"What ever that reason is Jema. I will know."

Umalis na ako ng bahay namin.

Nakakapagtaka mga kilos ni Jema. Sabi naman ng doktor okay nanan sya.

Bumalik ba yung anxiety nya? May sakit ba si Jema?

Anong meron Jema? Anong problema?

Days have passed and same scenario kami ni Jema. Hindi kami nag uusap. Hindi na rin ako tumatabi sa kanya sa kwarto pero hindi nya rin ako hinahanap.

Hindi rin kinakusap ni Jema si Jade.

Haaaay. Kawawa naman ang anak ko. Parang bumalik yung problema nila noon.

I need to talk to JV. Final na ito. Kailangan ko syang kausapin kung hindi mababaliw na ako.

Ate Bei calling...

Deanna Wong, pumunta ka sa bahay ngayon na. Andito sina Pongs at Jaycel. 

Baliw talaga tong tatay ko na to.

Wow kung makautos ah?

Pilosopong sagot ko. Pero tinawanan lang din nya ko.

Sige Te Bei, after this. Punta ako jan. Sakto I need to talk to you guys.

End call.

JV's POV

"Pre, tulungan mo nga ako. Yang inaanak mo sa babae ba naman nagkagusto! At ito pa ang matindi  sa anak pa talaga nina Jema at Deanna e."

"Deanna and Jema? Sina Wong ba yan?" Tanong pa ni Kian. At tumango naman ako.

"O e ano naman pre? Homophobic ka na rin ba ngayon? E dati naman may mga friends tayo na tulad nila ah? Okay ka naman." Tumatawa pa sya nung sinabi nya yun..pero seryoso ako.

"Hindi e. Iba to!" Oo may kaibigan naman kaming tulad nila pero ayoko sa dalawang yun.

"What do you mean? Dahil ba sa anak sya ni Jema? Pre.. magmove on ka na ang tagal na nun." Pang aasar pa nya sa akin.

"Hahaha! What makes you think na hindi pa ako nakakamove on? Pre may asawa na ako at anak."

"I know Pre. Maayos naman ang pamilya mo bakit affected ka pa rin sa kanila?" Napaisip naman ako.

"O dahil ba sa ego kaya ka ganyan?"

Nag init naman ang ulo ko sa sinabi ni Kian.

Muntik ko na rin sapakin e.

"Baka gusto mong bayaran na yung utang mo sa akin pre? Ilang taon na din yun!" Bigla namang nataranta si Kian sa sinabi ko.

"Oh, teka wag mo akong idamay sa galit mo sa mga Wong." Hahah! O di natakot ka.

Umupo na lang ako dito sa sofa. Sakto may beer na nakaready kaya ininom ko yun ng straight.

"Ano bang pwede kong gawin para mapaghiwalay ko yung anak ko na yun at anak ni Jema?" Si Kian naman nag iisip rin.

"Pre.."

"Pre!"

"Ano?? Pucha Kian! Magsalita ka na!" Kanina pako nag iisip dito e. Pabitin.

Pero si Kian seryoso pa rin na nag iisip.

"Pre, naalala mo nung minsan pumunta sa bahay mo si Jema? Diba may sakit pa sya nun?" Oo, naalala ko yun.

"Oh anong meron?" Pilosopong tanong ko.

"Diba may CCTV ka sa bahay? Naalala ko lang nung sinabi mo na nakatulog si Jema sa bahay mo nun. Teka.. may nangyari ba sainyo nun? Diko na maalala yung kwento mo kasi e." Bitin yung sinasabi nya pero nagugustuhan ko ang pinapatunguhan neto.

"Pre ikaw ah? Bakit kayo magkasama ni Jema e may asawa na yung tao nun." Nakatingin lang sa akin si Kian nang nakakaloko.

Napangiti ako sa sinabi ni Kian. Alam ko na ang gagawin ko. Hahaha!

Sabi ko sayo Deanna Wong pagsisisihan nyong bumalik kayo sa buhay ko.

Deanna's POV

Nakauwi na ako sa bahay at dito na ako dumiretso sa kwarto ni Dino. Dito muna ako natutulog simula nung nagkasagutan kami ni Jema.

Nagulat ako kasi nakita kong nakaupo sa kama si Jema pagdating ko.

"What do you need?" I said it plainly. Walang emotion.

"Kamusta ka na?" Wow! Ang ganda ng tanong nya ah?

"Kamusta ako? Buti nagawa mo pa akong kamustahin? Akala ko wala na akong asawa e."

"Deanna please! Ayusin natin to."

"Maaayos natin to kung sasabihin mo sa akin kung anong problema mo."

"Simula nung nakilala natin si Jana, nagbago kana. Ano ngayon Jema kung connected sya kay JV. Wala namang masama kung maging sila ni Jade."

"Deanna, you don't understand!"

"Then make me understand!" Napalakas yung boses ko na kinagulat naman ni Jema.

Maya maya may kumatok sa kwarto. Si Manang Lucing.

"Deanna, anak pasensya na. May sulat kasi na dumating. Mukhang importante e."

Sabi ni Manang pagkabukas ko ng pinto.

"Thank you po Manang." Umalis na rin agad si Manang pagkabigay nung sulat na sinasabi nya.

May binigay syang document. Galing sa ospital?
Ano naman kaya to.

At may mga pictures din.

"Kanino daw galing?" Tanong ni Jema.

"I don't know yet!" Binuksan ko na yung document. Tumabi naman sa akin si Jema para makita din nya yung laman.

Nagulat kami pareho sa nakita namin.

Halos mapunit ko na yung papel na hawak ko pati na rin yung mga pictures.





Huling SandaliWhere stories live. Discover now