2

1.5K 33 0
                                    

Maya maya lumapit sa akin si KC.

"Jade, umayos ka. Ayokong matalo sa Ateneo. Mamaya kana magselos jan! Bigay mo na sa akin to." Pananakot pa nya. Pero nagsalubong naman ang kilay ko.. sinong nagseselos ako??

Nakita ko naman na tinaasan nya rin ako ng kilay kaya iniba ko na yung tingin ko. Si Kap yan e. Baka maparusahan pako ng wala sa oras.

Kaya simula nun, inalis ko muna sa isip ko yung mga tinginan nila Doni at Jana. Kahit na nakakairita talaga.

Nagpatuloy na yung game at nakukuha ko na ulit yung groove ko.

May isang play kami na ginawa ni Jana na sobrang kinatuwa nung mga fans kahit mga taga Ateneo.

Nag one hand back set kasi si Jana sakin from a combination play namin ni KC. Muntik pa mafacial si Roma Doromal ng Ateneo.

Hiyawan ang mga nanunuod kasama na yung buong angkan ko. Hahaha!

Natapos yung game namin at nanalo kami. Syempre POG si Jana. Ang galing naman kasi talaga nya. 33 excellent sets in a single game. Mamaw gaming ang lola nyo. Hahaha!

Nasa likod lang kaming buong team habang iniinterview sya.

"It was a closed match between your team and Ateneo." 3-1 din yung score at masasabing dikit lang din ang score lalo na nung 3rd at 4th set.

"What do you think your team did right in this match?" Tanong ni Kyla Dy.

"Ahmmm.. I guess we just did what Coach Reg told us during practice. Offense defense lang din kami. We had a lot of free balls kaya we took every chance to score from it." Masayang sabi ni Jana.

"Maganda yung connection niyo ni Jade Wong in today's game. I think we will see more of the De Guzman-Wong combi plays in the future. Right?" Nakita ko yung pagngiti nya kaya napangiti din ako.

"Yes, actually kami talaga ang laging partners every practice kaya siguro naging maganda yung kinalabasan ngayong game namin." Bumati pa si Jana sa family and friends nya since first time nyang mainterview sa TV. Hahaha!

After the interview nagpunta na kami sa dug out at nagbihis na.

After daw nito may dinner pa kami nila Mommy kaya nagmadali na rin ako.

Nakabihis na ako nung lumapit sa akin si Kylie.

"Wong, mauna na ako ah? Nasa bahay na daw kasi sila Daddy kaya sabay sabay na kaming magdinner sa bahay." Tumango na lang ako and we did our hand shake. Pauso kasi nya yun e. Hahaha.

Si Kylie ilang araw na ding malungkot to. Basted na yata ni KC kaya ganyan. Si KC din alam mong wala sa sarili. Sira din ang game kanina.

Ang arte arte kasi. Ramdam ko naman na may gusto si KC kay Kylie, ayaw lang aminin.

Umalis na silang lahat at ako na lang yata ang naiwan sa dug out namin. Inayos ko na yung mga gamit ko at palabas na sana ako nung may nadinig akong nag uusap.

Teka.. sina Doni at Jana yun ah?

Nagtago na lang muna ako sa may pinto at nadidinig ko yung usapan nila.

"Congrats J! Ang galing mo!" Wow J? Sobrang closed na talaga nila ha?

"Hindi naman." Nahihiya pang sabi ni Jana.

"Gusto mo bang sumama sa dinner namin nila Mommy? She's inviting you din kasi e." Ramdam kong parang nagulat pa si Jana sa invitation ni Doni.

"Ahmmm... Magpapaalam muna siguro ako Doni. Wait I'll just get my phone inside." Hala! Inside?? Papasok pa sya dito? Lumingon lingon ako, at nakita ko yung bag nya sa bench.

Andito pa pala yung gamit nya. Sa taranta ko kinuha ko na lang agad yung gamit ko para makalabas na.

Kaso...

"Araaaayyy!!!" Shocks! Ang sakit!

Nagkabungguan pa kami. Sakto kasing pagbukas ko ng pinto andon na rin sya sa harap ko.

Pumasok na muna sya sa loob at hawak nya pa yung noo nya. Sinara ko muna yung pinto at chineck ko kung okay ba sya.Tumama ata yung noo nya sa baba ko.

Hindi ko sinasadyang lumapit sa kanya at hawakan yung noo nya.

"Jana, are you okay? Nasaktan ka ba? Sorry sorry.." tahimik lang si Jana na nakatingin sa akin.

Napansin ko din agad kaya bigla akong napabitaw sa kanya.

"Sorry!" Nahihiyang sabi ko.

"Okay lang. Di naman masakit." Sagot nya. Pero mahina lang.

Ang awkward nung silence sa loob ng dug out. Hindi ko na kinakaya kasi walang gustong magsalita sa aming 2.

Ang lakas narin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na kaya to. Kaya lalabas na lang ako.

"Ahh.. siige Jana, mauna na ako. Sorry ulit ah?" Naiilang na sabi ko sa kanya. Tahimik pa rin sya kaya tumuloy na ako.

Bubuksan ko na sana yung pinto nang..

"Wait!" Sabi nya.

Gusto ko na sana umalis sa sobrang kaba ko pero ayoko naman syang bastusin.

Matagal bago sya nagsalita ulit. Kinakabahan na ako tapos di pa sya nagsasalita so doble ang kaba ko lalo.

"Can we talk?" Haaaay salamat!!!

Pero tungkol saan naman kaya? May time pa ba sya makipag usap sa akin e.. may nag aantay sa kanya sa labas?

"Ahmmm.. tungkol saan ba? I need to go na din kasi e. Tsakaa...

Huling SandaliWhere stories live. Discover now