29

778 21 0
                                    

Jana's POV

Nakakairita talaga! Napakalande e! Hindi nya ba alam yung 3 month rule? Wala pa nga kaming 2 weeks na break e.. may ineentertain na agad sya.

Hanep din talaga e!

Buong game na sira yung laro ko dahil jan kay Jade at Jen. Kung makangiti e, kala mo mapupunit yung labi.

"Oh Swishy, baka naman mabura na yang mukha mo kakapunas mo nang pawis! Ahhaha!" Haaay nako pati tong BFF ko nakikiasar pa.

Patapos na pala yung 4th set. 2-1 na yung score at lamang kami. Isa na lang makukuha na namin ang panalo.

Andito nga pala si Mommy pati na rin si Jan. Sila lang naman kasi talaga yung nanunuod sa akin kada na lang may game kami.

Maya maya.. I saw Dad na tumabi kay Jan. Anong ginagawa nya dito? Parang first time ata to ah?

Nag time out na muna si Coach Reg kasi nakahabol na rin ang La Salle sa amin.

Nung nasa bench kami, nakita ko si Dad na pumunta sa likod namin.

Then.. tinapik niya sa likod si Jade. Para saan yun? Diko naman maiwasan na magtaka. Pero nagulat ako nung biglang tumayo si Tita Deanna.

Naku! Wag naman sanang magkagulo dito.

Nakita ko naman na kinausap ni Tita Jema si Tita Deanna kaya umupo na sya ulit.

Haaaay nako! Please wag dito. Bakit kasi pumunta ka pa dito Dad?

Habang nasa game kami hindi ko maiwasan na tignan sina Daddy pati na rin si Tita Deanna. Alam kong may malalim na galit sila sa isa't isa.

23-22 ang score at lamang kami. Nasa service line si Jade nang biglang..

"Go anak!" Nagulat si Jade kaya napatingin to sa direction ni Dad. Nagulat naman mga team mates namin tapos ngumiti. Siguro iniisip nila na Anak na agad si Jade ni Daddy kasi nga nalaman na rin nila kanina na naging kami nga ni Jade.

"Focus guys! Or else.. lahat kayo tatakbo for 1 hour!!!" Sigaw ni Kap kaya lahat kami nagseryoso.

Pasimple kong tinignan si Jade. Naaawa rin ako sa kanya e. Alam kong she's still hurting dahil na rin sa pakikipagbreak ko. Ako rin naman..pero alam kong she understands the situation naman. Sana lang din e.. kayanin nya. I don't want her to get distracted dahil lang sa conflict ng family namin.

Maayos na naserve ni Jade yung bola, nareceive ni Jazareno yung bola, then binigay kay Alba for a back set to Gagate.

Grabeh ang galing ng play na yun. Pero syempre mas magaling si Jade kasi pinuto nya lang yung running spike na yun.

Pagkaset ko sa kanya from a combi play nila ni Kap, nagdown the line hit sya kaya nakascore kami.

And ending nanalo kami against La Salle. So far so good naman ang standing ng team namin.

Lahat kami very happy na nagpunta sa dug out. Pero si Jade, tahimik lang.

Nakapagbihis na ang lahat at kami na lang ni KC, Kylie at Jade ang nasa loob.

Magkatabi ang magjowa samantalang si Jade nasa sulok lang mukhang malalim ang iniisip.

Gusto ko syang lapitan kaso nahihiya ako.

"Swishy, kung kaya pang ayusin.. ayusin nyo. Pero kung hindi na talaga, kahit friendship man lang ang masave nyo." Niyakap ako ni KC, nagsmile naman si Kylie sa akin at nagpaalam na rin kay Jade bago sila lumabas ng dug out.

Friendship? Talaga ba? Sabi nga ni Meme Vice, walang ex na magkaibigan. Kung meron man malamang hindi nila minahal ang isa't isa.

Sa ginawa ni Dad kanina gusto ko talagang lapitan si Jade ngayon. Gusto kong magsorry.

Lalapit na sana ako nang..

"Anak, ang galing mo! Ayos mga serve mo kanina ah?" Alam kong hindi ako yung kinakakusap nya kasi hindi sya sa akin nakatingin.

Bakit nakapasok si Dad dito?

Tinigan ko naman si Jade at ang sama ng tingin nya kay Dad.

"Would you please stop? Tigilan mo ako kasi hindi mo ako anak." Natatawa naman si Dad sa sinabi ni Jade.

"Dad, let's go na!" Pinipigilan ko na si Dad kasi ayoko nang pasamain pa lalo ang loob ni Jade.

"Why? Yan ba ang sinabi ng Mommy mo sayo? Didn't she tell you na pinalayas sya ng Dada mo, I mean.. kayo ni Doni kasi nalaman nya na anak ko kayo??" Kita ko sa mukha ni Jade yung galit na halos sapakin nya na si Dad kaya pumunta na ako sa harap ni Jade.

"Jade, I'm really sorry. Sorry sa mga sinasabi ni Dad." Hinila ko na si Dad palabas ng dug out.

"What was that?" Galit na tanong ko kay Daddy.

"Wag mo akong sigawan. Anak lang kita."

"Yun na nga Dad e.. nakakahiya na tong ginagawa nyo."

"Anong nakakahiya don e gusto ko lang naman kausapin ang kapatid mo? Masama ba yun?" Napapailing na lang ako sa mga sinasabi ni Dad.

Nakita kong palabas na ng dug out si Jade. Gusto kong mag apologize sa kanya..

Nagulat ako nung nilapitan nya si Daddy at bumulong.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now