13

760 22 0
                                    

"Baby, okay ka lang?" Nakita kong may dugo si Jade sa labi kaya mas lalo akong nagalit kay Dad.

"Pag di mo..." Putol sa sabi ni Dad. Nagulat ako na nakita ko sya nasa floor na din.

Isa pang suntok ang binigay sa kanya at saka kinuwelyohan.

"Wala kang karapatan na gawin sa anak ko yan. Subukan mo ulit baka mapatay kita!!!"

Si Tita Deaana. Mabuti nakasunod na rin sina Kuya Devon sa kanya.

Tumayo na si Dad. At lumapit kay Tita Deanna.

"Sinabihan ko na ang asawa mo noon pa lang. Na pag naging katulad nyo yang anak nyong babae. Guguluhin ko ulit ang buhay nyo." Galit na galit na sinabi ni Dad.

"Wala kang pakialam kong anong gustong gawin ng anak ko. Hindi ka Diyos para katakutan namin!" Natawa naman si Dad sa sinabi ni Tita Deanna.

Nakatingin lang kami ni Jade pareho sa kanila habang nagsusukatan sila. Si Kuya Devon naman nakaawat parin kay Tita Deanna.

"Oras na galawin mo si Jade o kahit na sino sa pamilya ko, sisiguraduhin ko na may kakalagyan ka John Vic."

"Hahaha! I'm scared Deanna Wong! Tignan natin sino ang unang susuko sa ating dalawa."

Lumapit lalo si Dad at parang may binulong kay Tita Deanna.

Lumapit na sa akin si Dad at hilahila akong umalis ng ospital.

Di na rin ako pinigilan ni Jade dahil ayaw nyang sumagot pa ako kay Dad at para na rin di na ako masaktan dahil sa pagkaladkad sa akin ni Dad.

Deanna's POV

Hindi ko alam bakit bigla na lang nagcollapse si Jema. May sakit ba ang asawa ko na diko alam. Bumalik ba yung anxiety nya?

Pag uwi pa lang nya galing sa reunion niya with CCS fam, iba na yung mood nya. Lalo akong nagtaka nung pinakilala na ni Jade si Jana as her girlfriend.

Sobrang iba yung naging reaction nya. Bakit? May tinatago ba sa akin ang asawa ko?

Sa sobrang liit ng mundo, sino ba naman mag aakala na anak pa ni John Vic ang mamahalin ng anak ko?

Kaya naman pala ganun na lang ang reaction ni Jema. Anak siya ni John Vic De Guzman. Ang taong dahilan bakit minsa'y naging magulo ang buhay namin mag asawa.

Nasa ospital parin kami and we're just waiting for Jema to wale up. Sabi ng doctor okay naman sya at she just needs to rest. Mukhang nastress lang and dahil na rin daw sa sobrang init ng panahon kaya nangyari to kay Jema.

"Dada, ano yung maingay sa labas? Parang nagkakagulo don?" Si Dale yun.

Lumabas kami ni Devon para tignan kung anong nangyayari.

Nagulat ako nung nakita kong nasa lapag na si Jde at mukhang may kaaway.

Di na ako nag aksaya ng oras at agad kong pinuntahan ang anak ko na may kausap na lalaki.

Nakita ko na parang sasapakin nya ulit si Jade kaya nauna ko na syang sinuntok.

"Wala kang karapatan na gawin sa anak ko yan. Subukan mo ulit baka mapatay kita!!!" Galit na sabi ko.

Gusto ko pa sanang suntukin, mabuti nasa likod ko lang si Devon at nakaawat. Kung hindi siguro ako naawat malamang nagrambulan na kami dito.

Hindi nya pwedeng saktan ang anak ko. Lalong lalo na sa harap ko.

"Sinabihan ko na ang asawa mo noon pa lang. Na pag naging katulad nyo yang anak nyong babae. Guguluhin ko ulit ang buhay nyo." Sabi ni JV.

Eto yung sinasbi ni Jema noon na kaya naging mahigpit sya kay Jade dahil na rin sa takot nya sa kung anong pwedeng gawin ni JV sa anak namin.

"Wala kang pakialam kong anong gustong gawin ng anak ko. Hindi ka Diyos para katakutan namin!" Galit na sagot ko kay JV.

Lalaki o babae man ang gustong mahalin ng anak ko. Susuportahan ko sya.

"Oras na galawin mo si Jade o kahit na sino sa pamilya ko, sisiguraduhin ko na may kakalagyan ka John Vic." Dagdag na sabi ko pa.

"Hahaha! I'm scared Deanna Wong! Tignan natin sino ang unang susuko sa ating dalawa." Matapang na sagot nya.

Nagulat ako nung lumapit sya sa akin at..

"Sisiguraduhin ko na guguluhin ko ang buhay nyo. Magsisisi kayo na bumalik pa kayo ulit sa buhay ko. Hahhaha!" Sabay alis ni JV habang hila hila si Jana.

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Jade pero mas nakita ko ang pag aalala nya kay Jana kaya di na nito pinigilan si JV na kaladkarin palabas si Jana ng ospital.

Kung anuman ang maaaring gawin ni JV, handa ako. I'll protect Jade and my family against him. Hindi niya kayang saktan ang pamilya ko.

Not now, not ever.


Huling SandaliWhere stories live. Discover now