15

852 24 0
                                    

Deanna's POV

Nakauwi na kami sa bahay at nagpapahinga na rin si Jema sa kwarto namin. Andito ako sa music room namin. Dito na rin ako nagdecide na uminom.

Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Yung reaction ni Jema nung sinabi ni Jana na anak sya ni JV.

Bakit ganun ang reaction ng asawa ko? Takot na takot sya. Sa sobrang takot nya nagcollapse pa sya kanina.

Sabi ng doctor due to stress lang daw kaya ganun yung nangyari kay Jema. Pero bakit sya stressed? May problema ba ang asawa ko na diko alam?

Or pwedeng..

Dahil lang nalaman ni Jema na anak ni JV si Jana, kaya sya nastress? I mean ang babaw naman siguro for her to collapse like that?

Lalong nag init pa ang ulo ko nung maalala kong sinaktan ni JV si Jade. Anong karapatan nyang gawin sa anak ko yun.

Napaclosed fist ako sa thought na kung ano pang pwedeng gawin ng hayop na yun sa anak ko.

Pero subukan nya lang gawin yun ulit, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.

Sa sobrang banas ko naubos ko na yung isang bote ng Johnny Walker sa tabi ko.

Haaay! Medyo nahihilo na rin ako kaya nagdecide na akong pumunta ng kwarto naming mag asawa..

Kinabukasan

9am na pero tulog pa rin si Jema.

Kanina pako pabalik balik dito sa kama pero di pa rin sya nagigising. Nakaayos na rin ako and ready na pumunta ng resto.

Nagtataka man ako kasi ngayon lang ata malate ng gising si Jema simula nung nag aral ang mga anak namin. Napakahands on nya kasi sa food naming lahat.

Although may kasama kami sa bahay, basta pagdating sa pagprepare ng food at baon ng mga bata sa school, si Jema lahat yun.

Hinayaan ko na lang si Jema matulog. Nakapagready na rin naman sila Manang ng food namin.

Lumabas na rin ako ng kwarto at dumiretso na sa dining room to check our kids.

Andito na din yung 4. They're waiting for us daw. Pero nagtataka sila bakit di ko kasamang bumaba si Jema.

Sina Dino and Davi pala nasa Korea na. Maayos naman ang lagay ng mga anak namin doon.

Eveyday din silang nagvideo call sa amin kaya parang kasama na din namin sila.

Nabalitaan na rin nila yung nangyari sa Mommy nila but I assured them na everything's okay here.

"Dada, where's Mom? Is she okay?" Si Devon yun.

"Yeah, she's fine anak. Just let her rest muna okay?" Tumango naman sya.

We started eating na. Si Jade tahimik pa rin hanggang ngayon.

Nakita ko pa yung pasa sa labi nya dahil sa suntok ni JV kaya uminit na naman ang ulo ko.

Palalagpasin ko sa ngayon ang ginawa ni JV pero sa susunod na gawin nya ulit to, hihimas na sya ng rehas.

"Jade anak eat properly. May training pa kayo later." Nakita ko kasi na halos walang bawas ang food ni Jade.

Sumunod din naman agad ang anak ko..

Haaay! Malamang nagwoworry to sa Mommy nya. Lalo na't hindi namin nakasabay sa breakfast.

Maya maya..

"Deanna Wong!!!" Nagulat kami kasi ang lakas ng sigaw ni Jema. Nasa dining area na pala sya.

"B, why are you shouting?" Takang tanong ko. Yung mga anak namin nanunuod lang saming dalawa.

"Bakit iniwan mo ako sa kwarto at bakit kumakaen na kayo ng di ako kasama??" Galit na galit sya.

Kaming 5 dito nagtitinginan lang.

"B, calm down okay? Halika na dito sa tabi ko." Pag iiba ko ng usapan.

"No!! Hindi ako kakaen. Kumaen na lang kayo jan!"

Parang baliw, nagwalk out pa nga. Kaya sinundan ko na lang sa kwarto namin.

"What was that Jema?" Iritang tanong ko.

"Anong what was that? Bakit hindi mo ako ginising e alam mo namang ako ngpreprepare ng food ng mga anak natin. Tapos nauna pa kayo kumaen. Yun na lang ang bonding time natin sa isang araw ipagdadamot mo pa sa akin??" Nakasigaw pa rin siya kaya mas nairita ako.

Ano bang nangyayare dito kay Jema?

"Ano bang problema mo Jema? Ikaw naman tong di nagising diba? Ayaw kitang gisingin kasi baka masama pa rin pakiramdam mo. Ikaw lang tong iniisip ko!"

"Ganun na ba ako kwalang kwenta sayo Deanna Wong?" Ang sama pa rin ng tingin nya sa akin.

"I can't believe this..ang laki ng problema mo!!"

"Oo malaki talaga kasi yang anak mo, sa anak pa ni JV nagkagusto!"  So ayun.. lumabas na rin yung totoo.

"Wow. So this is bout Jade now? Bakit Jema? Homophobic ka na rin ba ngayon ha?"

"Haha! Okay ka lang ba Deanna? Nag iisip ka ba? Nag iisip ka pa ba??" Sarcastic na tanong nya. Tapos nung sinabi nya yun e dinudutdot nya pa yung sintido nya.

Kaya mas lalo akong nairita.

"Tang ina Jema!! Ano bang problema mo?" Sa sobrang asar ko napalakas na rin yung sigaw ko.

Sinampal ako ni Jema sabay tulak pa sa akin. Ngayon ko na lang sya ulit nakitang ganito kagalit.

Pero di ako nagpatalo. Kailangan kong malaman bakit ganito sya.

"May dika ba sinasabi sakin Jema? Dahil lang kay JV kaya nagkakaganyan ka! Ha???" Para namang biglang nagbago yung reaction sa mukha ni Jema.

Bigla kong nalala yung sinabi sa akin ni JV sa ospital. Na guguluhin nya ulit ang buhay namin.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now